
baby-ness pa ang blog.
Enero 12, 2009naglalagalag ako kanina sa mga blog, at na-realize kong ang baby-ness pa pala ng blog ko! ilang months pa lang kaming nagsasama, mabuti nga, hindi ko pa din ‘to inaabandona, tama ba? HAHA. kasi sa tanan ng buhay ko, alis balik ako sa blogspot o kaya sa wordpress. NPA ang site ko lage. HUHU. :(
HAHA. pagod ako eh, kasi namalayan ko na lang nakatulog na pala ako sa FX. tsktsk. ang hirap ng feeling ‘pag pagod ka, lalo na kapag ‘di man lang gaanong nabuo yung araw mo. ang lungkot-ness nun pramis. tapos, may mabubuo na namang ‘theory‘ sa utak mo, na sobrang pinapalangin mo na sana hindi totoo, kaso ang madalas kasi, ang mga ‘theory’ ko, totoo eh. magaling kasi akong manghula. x)
at HOOORAAAAYY! may pinaplano ako, HEHE. plano pa lang naman, pero ie-execute ko na mamaya. NAKS. isusulat ko na ang bagay na mga dapat noon pa naman ay dapat isulat. HAHAHA. kaso, napagdesisyunan ng mga brain cells ko na gawing pribadong bagay ‘to, kaya kailangang mga PASSWORD-ness and everything ang mga entries na isusulat. AYUN O! HAHA. pero atlis, mababasa ko pa naman. sana nga naaalala ko pa yung iba eh, at kung may gustong magbasa nun, kailangang magbayad sakin ng P50 bago ko sabihin ang PW. HAHA. joke lang, basta tanungin ako lang ako, thru e-mail siguro, tas pilitin ako, tas mag-iinarte ako, HAHA. basta yun. yung mga gustong maki-chismis lang. at makielam sa buhay ng may buhay! HAHA. kaso kapag lumabas yung mga bagay na yun, ay boom shakalak. dadanak ang dugo sa CyberWorld. HAHA.
anyway, highway, tatapusin ko na dito. HAHA. nga pala, pasado ako sa Prelim Grade ko sa Law I! 84. not bad, sa isang katulad kong hinayupak na hayop na hindi ko na alam. ANO?! dahil madaming bagsak, yun ang ibig kong sabihin. HAHA. pero AIM HIGH, PINAY! tsktsk. ayusin natin ang buhay natin. HAHA.
at eto pa pala. tsktsk. may praktis ek-ek kami bukas sa PE, 4:30 PM ang call time! kamusta ka naman galing akong Las Pinas, tas pupunta ako Morayta. tsktsk. mga kabaliwan. ibang klase na mga tao ngayon, tsktsk. wala pa ding bagong chapter sa Naruto. tsktsk, tagal ng delayed yun eh. baka jontis na yun. HAHA. x))
goodnight! x)










uy sabihin mo naman sa akin ang password mo!! plss!! ^^ sige na!! wahaha!! iba talaga kapag bigla ka na lang may naiisip ano? ^^ ehehe!! congrats sa pagpasa ng iyong law sub!! fav ko yan eh ^^
HAHA. sure sure. :) send ko sa e-add mo. x) dun na lang. :)
kea nga eh. at last, magagawa ko na din! x)
thanks thanks!
andito ka lang pala, di ka nag-iwan ng link. me pa-hudyat-hudyat pa, anu ba yun, pakibulong, hehehe.
oo nga ikalat mo na ang mga password nyan:)
naku pareho lang tayo.. puro bagsak..hahah
Blogging’s good (on several different contexts). Haha. Enjoy blogging!
hehee. x)
yikes. thanks. x)
@stormy: ssend ko na lang. x)
ayun, nakita ko na, dito ba nagumpisa ang password entries mo! haha, ilan ba yung binura mo nun? hahaha, may mga nagbabasa pa ba dito na ayaw mong magbasa nito? hahahaha
sori, paurong pagcomment ko, pabalik, lam mo nman weirdo ang kausap mo! hahahaha:)
ahaha.. okay lang yun.. oo nga kase.. grrr! may nagbabasa na ayaw kong basahin niya ahahah :D kea ayun.. baka kung anu pa malaman eh. :D ahahha ang creepppyyy! :D ahahah!