Archive for Enero 19th, 2009

h1

nakakapanibago?..

Enero 19, 2009

and at long last, makakapagsulat na din ako ng update sa buhay ko. HAHA. masyado kasi akong naging busy, naging busy-busy-han, at nagpapaka-busy. basta bottom line nun, BUSY si Gudang, okay?!

nakakita at nakabasa na naman ako ng mga blog na: “I passed USTET!”, “Pasado ako Ateneo!!”, “Pasado ako UPCAT!”, “Pasok ako sa La Salle!”.. at kung anu-ano pang oh my gosh! terms ang kasama dun. well, good for them. :) parang kelan lang, nung last March, nakaka-tension talaga ang paghihintay ng mga results ng mga yan. HAHA. x) at how a failed entrance exam can ruin your day or maybe your whole self? HAHA.

NAKAKAPANIBAGO yung mga nangyayari ngayon. oh well, as they say, lahat naman daw kasi NAGBABAGO. tama? hindi ko alam kung anong treatment ang ibibigay ko sa iba, at sa mga nakakasama ko sa pang-araw-araw. para kasing, MALI? at sobrang naguguluhan ako.

sa Friday daw, sa Grand Stand, andun daw ang Parokya ni Edgar. i mean, WHOA! sa tanan ng buhay ko, isa si Chito Miranda sa pinangarap ko talagang makita. well, natupad naman yung kay Ely Buendia, at 2 beses na. HAHA. yung kay Raimund Marasigan, 1 beses at nakapag-hi! pa ko. HAHA. kamusta naman yun?! siyempre, gusto kong makita si CHITO MIRANDA sa personal no. kakanta pa siya. AYOS!

ang CONFLICT? debut kasi ni Louise, at invited daw ako sa Debut niya. which is sa Friday din gaganapin, gabi din. kamusta naman ang mga pagsasabay-sabay ng mga event diba? ewan ko kung ano ang pipiliin ko. pinag-aagawan ako ng tadhana. BWAHAHAHAHA! Asa naman Gudang! HAHAHA!

BAGONG BAG! :) bumili kami ni Anna ng bag kahapon, galing nga eh, kasi nagkasabay kami, at napag-usapan din namin na pupunta kami sa Friday dun sa Grand Stand. parang ewan lang. HAHA. binoycot na ang Debut ni Louise eh no? HAHA. and i rode the LRT for the 2nd time! Thanks to my BFF Anna Banana! x) hehe. ang dami ng alam ni Anna sa Manila, naks! HAHA.

at ayokong maniwala na DEADZZ na si Kakashi! grabe talaga yun. ilang araw at gabi na akong hindi makatulog dahil dun. WEH. HAHA. siyempre, joke lang yun. :) HAHA. x) basta, ewan ko. x)

HMM..
yun lang..
dami kong HomeWorks eh.
NA NAMAN?!
OO! x)
goodnight! x)