Archive for Enero 21st, 2009

h1

BOB ONG says that:

Enero 21, 2009

1. “Kung hindi mo mahal ang isang tao, ‘wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”

: oo nga naman.

2. “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”

: alin ang bibitawan? alin ang hahawakan? HAHA!

3. “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

: naku. ‘yang mga hawak hawak na yan ah!

4. “Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

: hala! sige hawak lang!

5. “Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”

: may sagot daw diyan eh. darating din naman daw yung oras
na babalik yung elevator at makakasakay ka din.
ang tanong lang, kailan? at gaano katagal ka maghihintay?
o angas! Gud Ang yan! x) ndi Bob Ong.

6. “Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.”

: hinayupak! bonggang-bonggang kalandian na ‘to! :) HAHA.
dapat may ganun!

7. “Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”

: yun eh! naunahan lang! ganun yun. x)

8. “Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”

: TAMA.

9. “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”

: isa pa ‘to. tama din. QUITS nga lang ba?

10. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”

: …

11. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”

: tama ba?

12. “Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.”

: anung ichura yun? mukhang pandesal! x) hehe.

13. “Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”

: parang narinig ko na ‘to kay ano ha. HAHA. x)

14. “Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.”

: tsktsk! lasing ka ba?! tsktsk.

15. “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”

: ayan yung header ko ah!

16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.

: mahirap din gumawa ng wala,
hindi mo alam kung tapos ka na. x)

17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan

: dahil nakikita mo lang ang gusto mong makita,
naririnig mo lang ang gusto mong pakinggan,
pinaniniwalaan mo lang ang gusto mong paniwalaan.
wala ka nang alam kundi yung alam mo lang.

18. “Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”

: IKAW AT IKAW AT IKAW.
parang may alam ako dito.. HAHA.

19. “Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”

: kaya habang maaga pa, alam mo na… x)

20. “Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”

: nairinig ko na din kay ano ‘to ah..

21. “Ang pag-ibig parang imburnalnakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka..”

: ang fishy na… tsktsk..


HMM :)
hindi pa ko inaantok,
dami ko gagawin. :)