Archive for Enero 22nd, 2009

h1

Baduy nun!

Enero 22, 2009

paano ba gawin yung TM na maliit na naka-superscript? HAHA. Sabaw naman! Hahaha..

I want you to be a LAWYER.”
- Papa

Madalas akong sinasabihan niyan ni Papa, ang pinakamamahal kong CPA-Lawyer sa buong mundo. Madalas, at sanay na akong marinig yan, magmula nung bata pa ako. Alam ko na gusto niya talaga akong maging katulad niya. At ngayon nga, inuumpisahan ko na, sa pamamagitan ng pagpasok sa BSA.

at kapag naririnig ko yan, isa lang din ang nararamdaman ko, LUNGKOT. Bakit? Ewan ko din eh. Baliw nga talaga ako siguro. Dapat matuwa ako kasi mataas talaga akong expectations sakin ng Tatay ko. Kaya lang naman ako nalulungkot eh kasi, natatakot ako, baka hindi ko magawa. Yun bang, mabigo ko yung Pinakamamahal kong Tatay, ang Pinakamamahal kong Idol.

Mahal na mahal ko ang Tatay ko, kaya kahit ano naman, sinusunod ko. Miski ang pagpasok sa Accountancy. Kung sabagay din naman, hindi ako “in-to-Medical-Field”. Hindi ako tulad ng mga kapatid kong babae na napasabak sa maduguang Medicine. Ako lang yung nag-iisang babae saming magkakapatid na nalihis ng landas. WHOAAAAA!! Palag! Hahaha..

At balita ko, AKO na ang PinakaMagulo, Sira Ulo, Baliw, Wirdo, Mataray, Salbahe, at kahit anu pang synonyms ng ka-demonyo-han sa mundo. AKO na daw, out of sa aming 6 na magkakapatid. Partida, out of na, may ’sa amin’ pa.. Hahaha.. Ayaw ba mo?! Wrong grammar lang! Hahaha.. at AWARE naman akong, ako na nga yung Pinaka na yun.

At speaking of complicated, may nagiging kumplikado rin pala sa College Life ko ngayon.. Click mo kaya ‘to.. At siyempre, mapapansin mong may PassWord yan, kaya nga dapat, sinesend mo na yung e-ad mo sakin, at i-sesend ko sayo yung Pword.. At nang matulungan mo naman kaya ako, Diba? Tulungan naman tayo, ‘tol! HAHA.Gawin mo namang kapaki-pakinabang ang sarili mo! Haha, loko lang. Baka ikaw na ang bago kong SuperMan! :) YOOOOUUU!! Haha.. Ang baduy nun ah.. Hahaha..

Ewan ko, nagddrama ako. Na hinding-hindi si Gudang ‘to. Siguro, sadyang destiny ng tao na makaramdam ng Lungkot paminsan-minsan, hindi pwedeng puro Saya lang, dahil Baduy nun. Hahaha. I mean, para MATUTO, diba? Ewan ko, dahil hindi ka nabuhay kung hindi mo naranasan ang kahit ano man sa dalawang iyan. At kahit gaano ako ka-masiyahin, alam kong darating ang oras na malulungkot din ako. NAKANAMPUCHA! Bigyan niyo ko ng award. Hahaha.. dami kong pakulo! Chooott!!

Sige ayun muna.
Bisita ka lagi ah!
Hahahaha..
Comment lang!
iLoveYou! HAHA. :)
<3.