Archive for Enero 24th, 2009

h1

kinakain ko ang mga sinasabi ko, yummy?

Enero 24, 2009

Apat na sections ng libro ko sa Law on Obligations and Contracts ang binasa ko kanina, at tinamaan ka ng lintek, wala akong naintindihan kahit isa. Ahh basta alam kong tungkol sila sa Extinguishment ng Obligation. Masyadong maraming bagay ang umoukupa sa isip ko ngayon, hindi sila natatapos. Ako kasi ‘tong si gaga, hindi na tumigil sa kakaisip ng mga bagay na hindi naman dapat iniisip.

Nagkaroon ng concert sa FEU ngayon, pero hindi ako pumunta. RASON? dala ng malaking kahibangan. HA? i mean, dala ng malaking katamaran. Kasi naman, gagabihin na talaga ako ng uwi, at maaaring umagahin pa ko, kapag nakisama ang traffic. Kamusta naman ako nun?

Ang nag-concert kasi dun, eh ang dalawang banda na hindi ko kilala, isama mo na ang Moonstar88, pati na ang *drum roll!*, PAROKYA NI EDGAR! WAAAAAAHH! OO! Hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makita sa personal si one-of-the-love-of-my-life na si Chito Miranda. si Alfonso Y. Miranda! si…

chitosexylegs

Hayy. Hindi matanggal sa isipan kong nagsayang ako ng isang nakapalupit na pagkakataon para makita ang isa sa mga taong sobrang gusto kong makita. At diyan na papasok ang topic ko, hindi kasi ako nagtake ng RISK na naman.

Madalas akong magpayo sa mga kaibigan, kakilala, ka-blog, kapwa ko tao, kapwa ko hayop, at sa mga taong kakakilala ko pa lang, alam mo na, feeling close. HAHA. Ayun nga, madalas akong magpayo sa kanila na ‘go get lang!’.. It’s worth it, just try it. Parang mga ganun-ganun, marami kasi akong nalalaman na quotes about sa pagte-take ng risks, worth it naman daw kapag yun talaga ang gusto mo, kaya nga naman, eto ako si ignorante, shini-share ang quotes sa iba, na para bang makakatulong sa kanila yun.

Ang hindi ko lang napansin, na ngayon nga ay napansin ko na nga, KINAKAIN KO LANG ANG LAHAT NG MGA SINASABI KO. at kung Yummy ba yun? HINDI DIN. Baliw talaga ako. Ang Matalinong Bobo nga daw, sabi ng iba. Ang dalas kong magbigay ng payo sa iba, pero ako? Ni ako, hindi ko magawa at ma-apply sa buhay ko ang mga sinasabi ko. Mukha tuloy akong bangag. Akala ng ibang tao, napakagaling ko pagdating sa buhay, dahil nga sa mga ‘words of wisdom’ kuno ko, Maling Akala.

Kaya ako nagda-drama ngayon eh dahil sa HINDI KO NAKITA, NARINIG, at NASABIHAN ng “I LOVE YOU!” si Chito Miranda! Ang bitter ko no?! HAHA. Ang babaw ko no? Alam ko. HAHA. Hindi kasi ako nagtake ng risk sa pag-uwi ng late at salubungin ang mga pwedeng mangyari sa University pagdating ko dun. Hindi kasi ako nagtake ng risk para labanan ang katamaran ko. Kaya ayan tuloy, kahit alam kong mapapasaya ni Chito ang araw ko ngayon, hindi ako pumunta. Tsktsk. Gudang naman!

Ang wirdo ko talaga, meron pa palang isang bagay na bumabagabag sakin ngayon. Actually, maraming bagay sila eh, kaso sige, heto muna:

img-1183Wala naman siyang ginagawang masama ah! HAHA. Wala lang, isa din siya sa nagbibigay kulay ng aking makulay na buhay. Mapapansin na yung mga malulupit sa kantahan ang mga nagugustuhan ni Gudang. HAHA. si Ely Buendia. Ang Eraserheads, ginugulo nila ang utak ko. HAHA. Kasi, yung concert. Hindi naman problema sakin ang gastos, hindi big deal sakin kung gaano ka-mahal yun. Ang sakin lang, hindi na naman ako magte-take ng risk? Kasi sa SM – Mall of Asia diba, gaganapin yung concert?

Natatakot ako, ayokong mag-isip ng NEGATIVE about dun, basta ayaw ko. *knock-on-the-wood*. PRAMIS. Sana na-gets mo ko, kung sino ka mang nagbabasa nito. Malapit lang naman ako sa MOA, kaya malaki ang chances na pupunta talaga ko. Pero, ‘wag na lang daw, sabi ng left hemisphere ng utak ko. Ewan. :|

Kahit alam mong mapapasaya ka ng isang pangyayari,
bale wala yun, kung hindi mo naman kasama
ang taong gusto mong makasama..”
- Gudang

Wala lang, gusto ko lang bumanat. ;p
Kahit pangit nung banat ko,
may meaning yan. Kahit wala para sayo.
Haha. :)
Sige, tulog ako!
Yun siguro kailangan ko. x)
GOODNIGHT!
I <3 YOU.