Imbakan para sa Pebrero, 2009

h1

katangahan sequel.

Pebrero 19, 2009

Ayan. Back to the blogging world ulit. Kailangan kong pakainin ‘tong blog ko ng entries, parang dumarami utang ko dito eh. Minsan lang ako makapagblog ngayon kasi yung ‘minsan‘ sana na oras na ipinam-bblog ko, ginagamit ko para sa pag-aaral. YAHESSS! Joke lang yun. Naniwala ka naman. Ginagamit ko yung oras na yun, para magpahinga, matulog, mag-telebabad, magtext (paminsan), mag-Pet Society, magFriendster, magMultiply (HA!), at kung anu-ano pang download chenelyn.

Nabanggit ko kanina yung Pet Society. Ang galing ko, level 17 na yung Pet ko. Ang pangalan pala ng Pet ko dun is ‘Gudang‘. Parang hayop lang ako ah! Kaya kung meron kayong Pet Society, ayun. Wala lang. Edi meron. Joking! Add niyo ko, para masaya yung Pet ko. Dami niyang hina-hug eh araw-araw para lang tumaas pera niya. Alam mo yun? Nabuhay siya kaka-hug, kaka-joke, kawawang ‘Gudang’

Nag-uusap kami ni Klaudine alyas Klawn kanina sa English Time:
Klawn: Natulog ako kina Roch ng isang araw.
Gudang: Talaga? OMG!! Hahaha..
Klawn: Oo nga.
Gudang: Saan ba sila nakatira?
Klawn: Sa may Pasig.
Gudang: Oh? Eh san ka natulog?
Klawn: Natural! Sa kama..
Gudang: Weh..
Klawn: Hindee.. Sa PLATO ako natulog Gladys!

HAHAHAHA.. Natatawa ako kanina. Oo nga naman, saan pa ba naman siya matutulog? Edi sa kama! Hehe.. Naisip ko kasi, malay mo ba, sa sofa o kaya naman sa lapag.. Naalala ko tuloy yung Highschool Scenario noong siyempre, Highschool pa ako..

Yung Teacher namin nagsusulat sa Board:
Kaklase ko: Miss, kokopyahin?
Teacher ko: Hindeee, tititigan mo lang..
Kaklase ko: Ahh.. Hahaha.. Miss, saan ilalagay?
Teacher ko: Sa palad iho! Sa palad mo!

Hehe.. Taray ng teacher ko no, naaalala ko yang scenario na yan kasi tawa ako ng tawa niyan, pero hindi ko na maalala kung sinong teacher at kaklase kong retarded ang nagsabi (basta alam ko lalaki yun) ng mga punchlines na yan. Hindi ko na din maalala kung anung year level yan.

Speaking of Highschool, naalala ko din yung 3rd Year ako, na hindi ko alam kung nagalit ba talaga yung Teacher ko nun sa Noli Me Tangere. Nagdidiscuss kasi siya noon, tapos, nagtanong siya, eh walang nagrerecite, para maiba naman, nagtaas ako ng kamay, at ako yung gusto lang mapaiba kaya sumagot ako sa tanong niya.

Gudang: Miss.. Eh kasi po, Miss.. (nagtatawanan mga klasmeyts ko)

Siyempre, si Gudang, nagtataka kung bakit sila tumatawa, wala namang problema sakin.. At ‘pag nakita mo na ‘all-eyes-on-you‘ na, malalaman mo na.. “Ahh.. Nakalimutan ko, Lalaki nga pala teacher namin sa Noli..” At tinawag ko siyang ‘Miss’.. Hindi naman sa ano, pero ang Teacher kasi namin na yun ay… HEHE.. WALA. :D

Gudang: Ay sori po! Sir pala.. Eh kasi po Miss.. (tawa na naman sila)

Edi ayun, katangahan sequel na naman. Umepal na yung Teacher ko sa Noli..

Sir Noli: Miss?! Miss?!?! Miss ka diyan Gladys Jane! (binato niya yung bottle ng tubig ko sa lapag, nakaupo kasi siya dun sa may chair ko, eh ugali ko nung HS na magdala ng tubig ‘pag may klase)

Hehe.. Nagulat ako nun. Panic! at the disco ako nun. Haha. Baduy naman! Hayun. Nasagot ko naman yung tanong niya nun eh. Atlis, nagrecite ako. Pero yung iba kong klasmeyts, sabi nila, buti na lang daw, hindi nagalit si Sir, kasi daw sa ibang section daw, may nagkaganun din, tas nagalit daw. Lucky ME! :D Pero, hindi niya na naalala yung pangyayari na yun the next days.

Haha. Ayun muna. May umaaligid aligid kasi dito sa blog ko, at baka masibat ko ang mata nun ‘pag nakita ko siya. HEHE. Brutal?! HAHA. :D

Goodnight! :D

h1

ilang prinsipyo sa buhay…

Pebrero 16, 2009

Bago ako humarap dito sa PC, inutusan muna ko ni Mama na maghanap ng mga hangers, para sa mga isasampay. Naaalala ko date, ‘pag inuutusan ako ng Nanay ko na maghanap ng mga hanger, excited na excited ako at nakikipag-unahan pa ko sa iba kong kapatid, paramihan kasi ng mahahanap na hanger. Wala lang, ngayon hindi na kasi ako na-eexcite. :D Tumatanda na nga kasi at nagmamature na utak ko… o sadyang tamad lang talaga ako at ayoko na ng nauutusan ako?

Napakaliit na bagay ng mga homeworks na yun, upang maging dahilan para palampasin ko ang pagkakataong magsimba.
- GUDANG

Kahapon, niyaya ako ng Ate ko na magsimba daw kami. Wala pa kong natatapos na homeworks. Accounting at Finance yun. Mahahaba yung mga homework na yun, at take note nga, wala pa kong nauumpisahan. Noong unang beses na niyaya ako ng Ate ko, sabi ko “Oo, sige..

Pero nagbago yung isip ko nang pumatak na ng 7PM sa relo, naisip ko na ‘wag na lang muna magsimba at gawin na lang muna ang dapat gawin.

Tumawid ako dito sa tapat na bahay (andito kasi yung PC namin, natural sa kabilang bahay, wala). Gagawin ko na yung homework sa Finance, naisaksak ko na ang plug ng PC nang maalala ko si Bob Ong.

————————————————–

(play a mystery music here)

FLASHBACK SA ISIP NI GUDANG:

Bakit ko naalala si Bob Ong? Ewan ko, bigla lang siyang pumasok sa isip ko. AYIEE. Joking! :D HAHA. Naalala ko kasi yung kwento ni Bob Ong sa libro niyang: Abnkkbsnplako?! Meron siyang kwento doon na isa sa hindi ko makalimutan sa kanya. Gumagawa daw sila ng Project noon, poster ata yun. Tapos, October month kasi noon sa kanila, Rosary month. Eh sinwerte namang kailangan i-pull out yung mga estudyante para magdasal ng rosary. Paano ang mga hindi Catholics? Sabi ni Bob Ong, hindi naman daw sa lahat ng oras, Catholic ang student, mayroong nagiging instant iba ang religion. Bilib nga daw siya sa mga utak ng mga estudyanteng nagigipit. Yung mga non-Catholics kasi sa kanila, hindi na kailangan magdasal ng rosary, oo nga naman, pwede nilang ituloy yung project nila.

Pero anong ginawa ni Master Bob? Kahit pwede siyang maging instant Jehova, o kahit anu mang religion na gustuhin niya, nag-rosary pa din siya. Maliit na bagay lamang daw yung Project na yun, para kalimutan ang ilang prinsipyo niya sa buhay.

————————————————–

AWWWWWWWWW ^^. Tapos balik tayo sa Time Machine, nasa bandang parte na ng pagkasaksak ko ng plug ng PC, bumalik sa normal. Tinanggal ko ang plug ng PC sa pagkakasaksak sa outlet. Tumawid ako sa tapat at naabutan ang mga kapatid ko, at sinabi ko yun oh! Yung nasa itaas. Akala siguro nila, nagdrugs ako, o kaya nasabugan ng computer kaya nasabi ko yun. At nagsimba na nga kami ng Ate ko. Sabi ko nga, tulad nung Project na yun ni Bob Ong, maliit lang din na bagay yung mga Homeworks kong yun, para nga naman ipagpalit ko ang pagsimba ko dun. YUN OH! May prinsipyo na din akong matatawag kahit paano. (seryoso itong part na ‘to) Para anupa’t tinawag akong Anak ng Diyos? Amen. :D (Yahess, Gudang, ikaw ba yan?!) Natapos ko naman ba ang mga homeworks na yun? ABANGAN.. (siyempre, suspense, para tapusin mo! ‘wag kang magskip ah! TSK!)

Wala namang aamin na tayo ay marumi,
dahil lahat tayo ay nagmamalinis!”
- Father Gerry

(i-assume natin na galit si Father) O diba, kitams, nakikinig na ko sa Homily ngayon (ibig sabihin, dati hindi). Dapat akong makinig sa Homily, kundi, mababalewala ang pagka-inspire ko kay Bob Ong at mapasunod ako bilang isa sa disipulo din niya.

Ang Gospel kahapon is about dun sa mga leper na pinandidirihan. Basta galing kay St. Mark yung Gospel. Yung mga tao daw kasi (o sige, tao na din ako, isama na ko), ayaw ng ayaw sa mga marurumi. Ni ayaw madikitan o mahawakan o mapasama sa mga taong marurumi. Pero kahit hindi natin aminin, lahat naman tayo marumi, hindi visible sa panlabas, pero mas madumi pa tayo sa mga leper na yun sa panloob. Tama nga naman. Miski ako eh! (o ayan na umamin na lahat ng aamin)

Naliligo tayo. Nagsasabon, naglilinis ng sarili natin etc. Pero maya-maya, madudumihan din tayo. Maglilinis na naman uli ng sarili natin. Tulad lamang daw iyan ng pagpasok natin sa simbahan, kaya nga daw tayo andun dahil nililinis natin yung sarili natin, pero pagkatapos ano? Dudumihan na naman daw natin yung sarili natin. Gagawa na naman daw tayo ng masama. Kitams?! YUN YON EH! Yun pala ibig sabihin nung Gospel na yun. (sabay-sabay: ahh, yun pala yun) O kaya ganyan, Gudang, magbago ka na! Ge try ko. :D

Masasabi ko lang.. Hmm.. Wala.. HAHA. Loko. Siyempre, meron, ang haba ng mga pinagpuputak ko diyan oh, tas wala naman pala akong masasabi. Hmm.. Masasabi ko lang, Wala nga, Anak ng Pating! Nasabi ko na lahat eh. :D

Hmm.. Natutuwa ako kasi PROUD (kahit pano) ako sa sarili ko, kasi naman kahit paano, achievement sakin yun, yun bang hindi ko ipinagpalit yung pagsimba ko sa kahit anu pa man, at hindi lang ako basta basa ng libro ni Bob Ong at ma-inspire sa kanya, kundi na-apply ko din yung mga natututunan ko mula sa kanya. O diba, angas?! HEHE.

Ang babaw ko talaga. Mababaw lang talaga ang makakapagpasaya sakin, wala sa presyo o gaano kaganda ang isang bagay para sakin. Simple lang magpapaligaya sakin. Halimbawa: Bagong iPod (yung malaking Gig ah), Bagong CellPhone (yung malaking memory), DigiCam, PSP, o kaya naman Laptop. Yun lang naman eh, okay na ko dun. PRAMIS.

Pero sa ngayon, kuntento pa naman ako sa iPod ko at CellPhone kong nawawalan ng isang button (yung pag-video call, sabagay, ni hindi nga ako tumatawag gamit yun eh, video call pa kaya). Kuntento na din ako sa DigiCam namin at sa PC namin, tsaka sa PSP ko… Ay teka, ilusyonada, wala pala akong PSP. :D HAHA!

HMM.. Hala, NOBELA na to! tagal ko kasing ‘di nakakapagsulat. HAHA :D Sorry naman, sana nakaabot ka dito. :D iLoveYou!! ^^ Goodnight. :D Salamaaattss!

PS: Natapos ko ang mga lintek na homeworks. :D 2AM ako natulog, at tinuloy ko sa school yung iba. :)

h1

nang muntik ko ng masira ang keyboard..

Pebrero 11, 2009

whhoooopplllaaaaa :)) ohh-la-la. HAHA. [retarded ka Gudang?] dapat hindi masiyahin ‘tong post na ‘to eh. i should’ve blogged about this yesterday, pero since late na ‘tong news na ‘to yesterday, latest na ‘to ngayon.

MUNTIK KO NG MASIRA ang KEYBOARD ng PC namin kahapon, muntik lang naman! dahil sa sobrang gigil, inis, whatever ahit anung synonyms niyan.. nagTRIGGER lang nung kinagabihan.

[tamo special mention ka pa sa blog kong hinayupak ka, what-a-friend!]

ALAMAT NG PAGPAPAKALBO ni ROJAN:

Last year, lumabas ako kasama ang SuperFriends ko one time, HAHA. [kailangan SuperFriends talaga ang tawag, HighSchool Close Friends yun!] HAHA. Edi ayun, lumabas nga kami. Naalala ko, masakit na masakit talaga ang ulo ko noon, pero pinilit ko pa ring sumama sa kanila dahil may magtatampo.

Gabi nung araw na yun, nasa Quickly kami, manginginom kasi kami sa Quickly sa BFRV, ako, si Dianne, si Rojan, at si Xtian Gay. Masakit pa rin yung ulo ko noon. Nung araw din na yun, nalaman kong nagdeal si Rojan at Xtian Gay na magpapakalbo silang dalawa. Ayaw ni Donna na magpakalbo si Xtian Gay. Ako naman, ayaw kong magpakalbo si Rojan. Masakit pa din ang ulo ko noon, nang umiinom kami sa Quickly nang utusan ni Xtian Gay si Ate Quickly na bumili ng gamot, Biogesic ata yun, pinipilit nila akong inumin yung gamot na yun, kaso ayaw ko talaga kasi.

ANG DEAL: Dahil nga sa hindi ako ganoon ka-expert uminom ng tableta, TSSKK! Nakasama ang issue na yun sa deal. Sabi ni Rojan at Xtian Gay, hindi magpapakalbo si Rojan kung iinumin ko yung Biogesic. Nakaabot kami sa Mcdo, doon ko ininom yung gamot. Sinamahan namin si Xtian Gay na magpakalbo, pero hindi nagpakalbo si Rojan.

LATEST ISSUE:

“2loy pa ba ung sa sat?

wag ka pla magagalit pag nakita mo ako ah..

PEACE ^___^”
- Rojan’s Comment sa Friendster

SIYEMPRE, anak ng tupa naman, magagalit ako ‘pag nakita kita, dahil binabalaan mo ko eh. Nako Rojan, sana mabasa mo ‘to. TSKTSK!

In-IM niya ko sa YM nung kagabi, matapos kong mabas yung comment niya sakin, at yun nga, HULE KANG BATA KA! Nagpakalbo ang ungas. Ilang beses kong pinaalala kay Rojan yun na kahit ano mangyari ‘wag siyang magpapakalbo. Sinabi ko pa sa kanya dati na kahit ilang tableta iinumin ko, ‘wag lang siyang magpakalbo! GRR!

AYUN. Sorry siya ng sorry kahapon. Nang tinanong ko siya kung bakit siya nagpakalbo, “wala lang!”. Grabe, napakabigat na dahilan. Habang kausap ko siya, gigil na gigil ako sa keyboard, parang mawawasak ko yung kada letra na mapipindot nitong daliri ko!

Ayoko talaga siyang magpakalbo dahil… BASTA LANG. :D Wala lang din! HAHA. Sabi ko pa sa kanya, ayoko siyang makita. HAHA. Kaso imposible dahil nga we’re currently on tandem [which is co-directors] para sa isang project. HAHA. So imposible nga naman yun, at dahil isa siya sa SuperFriends, makikita ko siya sa 14, dahil final na yun, aalis talaga kami sa 14. HAHA. :D Sabi niya, magca-cap na lang daw siya, SOWS! At maglalagay din daw siya ng wig. ‘Pag ‘di ko siya nakitang naka-wig, kakalbuhin ko pati kilay niya! >:)

HMM, ayun ayun. So much for Rojan. Ang Bestfriend#7 ko. HAHA. Ang Favorite/Magical Bestfriend. Ang BFFI [BestFriend Forever Infinity]. Daming kalandian nito ni Rojan eh. HAHA. :D Klasmeyt ko yan nung HighSchool, Isa na siyang Ex-Convict ngayon. Mapapansing parang ang OA naman, HAHA, wala lang, BIG DEAL  samin yun eh!

————————————————–

02-11-09. Ang bilis ng araw. Hindi ko namalayan, Finals na. Actually ngayon, namalayan ko na eh. HAHA :D Ang baliw.

Binigyan pala ako ni Jannah ng something special ngayong day na ‘to HAHA. :)) Salamat Jannah!

Naruto Chibi Poster; Courtesy of Jannah THANKS!

Naruto Chibi Poster; Courtesy of Jannah THANKS!

At binigay niya pa sakin ‘tong nasa baba, hindi naman talaga para sa akin ‘to eh, kaso hindi hiningi nung special someone ni Jannah sakanya kaya ipinaubaya na sakin ni Jannah ang pangangalaga sa poster na ‘to HAHA :D Salamat uli Jannah!

ang poster na hindi naman talaga para sakin, hindi kasi hiningi nung crush ni Jannah sakanya eh. HAHA!

ang poster na hindi naman talaga para sakin, hindi kasi hiningi nung crush ni Jannah sakanya eh. HAHA!

PS: Hindi ako magaling na photographer! HAHA. obvious naman eh. HAHA. :D I’m never the camera woman, I’m always the director.. YEAH, since then. :D

“What if we were wrong about each other?
What if you were really made for me?
What if we are ’sposed to be together?
Would that not mean anything?”
: What If – Babyface

onga naman, what if nga naman.
WAHAHAHA. LSS <3.

si New Naruto talaga oh. :D

h1

hindi naman ako bagsak eh, hindi lang ako pumasa.

Pebrero 10, 2009

hindi naman ako bagsak eh, hindi lang ako pumasa.

YUN lang naman ang akin. Ang sinasabi ko lang, hindi ako bumagsak, hindi lang talaga ako nakapasa. Nag-exam na kami ng Departmental Exam sa Accounting I kanina. Sa laking gulat namin, nung araw rin pala namin yun, chechekan ang hinayupak na exam na yun. DENIAL STAGE ka Gudang? ATA.

HINAYUPAK NA Accounting EXAM? [pagbigyan niyo na ko maging bitter kahit ngayon lang] UNA sa lahat, kapag nag-eexam ako, meron akong mga tinatawag na “sure-win” items. Yun bang mga items sa exam na SUREBALL na kong tama. Sa tanan ng buhay ko, sa lahat ng mga exams na na-take ko, itong exam lang na ‘to yung wala akong “sure-win” items. PRAMIS! Wala akong sure na sagot.

Yung para bang umaasa na lang ako na yung Exam na yon ay Trick Exam lang, parang yung 1st Level sa Chuunin Exam sa Naruto na hindi mo kailangan sagutan yung Exam dahil nga sa out-of-this-world-questions ang content, para bang tinetest lang kami ng mga Prof. Pero hindi, MIDTERM DEPARTMENTAL EXAM YUN, anak ng tipaklong, at yung sa lahat ng Midterm Exams na nai-take ko, yun pa ang ibinagsak ko.

Okay lang yun, Gudang!“, sapak? Gusto mo? Kahit sino pang magsabi sa akin na “okay lang” ang pagbagsak na yon, HINDI OKAY YUN! Major subject kaya yun baliw! Parang “okay lang” kasi halos lahat naman kami bagsak, eh ano naman? Kasama pa din ako sa bagsak at hindi ako nakapasa! YUN YON EH!

ayan ang mga inaral ko para sa Midterm ng Accounting

ayan ang mga inaral ko para sa Midterm ng Accounting pero hindi pa kasama ang Book at Ntbk

Hindi matanggal talaga sa utak ko yun. Paano naman kasi? Nag-aral naman talaga ako kagabi. Nag-start ako ng 10PM at natulog ng pasado 2AM. UltraelectromagneticARAL na yung ginagawa ko. PUYAT FOR A CAUSE na naman yung ginawa ko. Wala na nga akong normal na tulog eh.

At siyempre, looking at the other side, hindi naman magiging ganito ang reaction at nakalagay sa blog ko kung pumasa ako. Ganun naman talaga yun. Hindi ko lang kasi matanggap. Siyempre, na bagsak ako. Topnotcher nga nung Preliminary Exams, Bottomnotcher naman ngayon sa Midterm Exams. Kamusta naman? Katulad lang ba ‘to ng Trial Balance? Kailangan BALANCE din? O kamusta naman kaya ang magiging results sa Finals?

Nahihiya lang talaga akong magsabi sa pamilya ko na:
“Ma, may bad news ako.”
“Papa, ‘wag kang magagalit ah.”
“Ate, hindi mo na ko mabibilhan ng Chucks.”
at lalo na ang: “Kuya, hindi ako nakapasa sa Midterm!”

Sa lahat ng nabanggit, ang pinakamahirap ay yung para kay Papa at Kuya Clarence! Aba’y yung kay Papa, malamang! Parang naka-strike na naman ako. At kay Kuya Clarence kong CPA, dahil parang nababalewala lang yung pagtututor niya sakin. Ilang beses niya na sakin inulit-ulit yun Adjusting Entries, anak naman ng tupa oh! At At At! Paborito ko pa naman sana kaya ang topic na Adjusting Entries sa Accounting, eh kung ganoon, ba’t ako bumagsak?

Kulang pa. Kulang pa ang UltraelectromagneticARAL na ginawa ko. Kailangan pa ng may SUPER next time, at kung kulang pa din, SUPER DUPER, at kung kulang pa din, SUPER DUPEREST, at kung kulang pa din, SuperCaliFragilisticExpialidocious Duper UltraelectromagneticARAL na. Ano na kayang ichura ko nun? HAHA. :D

There’s always a next time, kailangan lang punan ang pagkukulang. Para rin sakin ‘to, kailangang bumawi. Naks! Gudang for President. HAHA :D

At hindi ako sumama kina Joan, Jannah at Cha at kay Nick din ata
ngayon sa Trinoma, “wala akong dahilan para magsaya no!!”,
HAHA. KJ na kung KJ. babawi na lang ako sa 14 kasama sila SuperFriends
HAYY. at si Mikko! ‘Wag mo ngang inaaway si
Papa Ely. Salamat pala kay Bry para sa NewsPaper na ang content ay
si Papa Ely. :D Naks!

ang binigay na newspaper ni Bry na may Papa ELY!

ang binigay na newspaper ni Bry na may Papa ELY!

PS: Hindi ako Academic Monster, hindi lang ako maka-get over sa kapalpakan na yun. :)

yun muna :)
i <3 my New Naruto. :D

h1

bakit ako naging writer?

Pebrero 8, 2009

AYUN! at long laaaaaaaaaaaast, makakapagblog na rin si Gudang. ongoing pa rin ang Midterms namin. parang ang tagal tagal tagal tagal na talaga, mula nung nakapagtype ulit ako dito. MASAYA kasi si Gudang these days kaya hindi na siya makapagblog, haha. joke lang. siyempre naman ba, makakalimutan ko ang mundo ko sa internet at ang mga taong nagkakamali ng pindot at napapadpad sa blog ko? HAHA. hindi pwede yun!

nakaluwag-luwag ako, yung oras ko medyo sobra, kaya eto ako, gumagawa ng kasalanan, ang PAGSASALITYPE ng lahat ng nasa isip ko ngayon.

HMM. tapos na din ang exam ko sa Law sa wakas! pati rin ang Graded Recitation ko na kung saan nakakuha ulit ako ng 96. ayaw talagang mg-99, pagbigyan mo naman ako oh! pero ayun nga, not bad, mabuti ng yun kesa 75 diba.

kamusta naman ang FEBruary? HAHA. eto since birth, self-supporting pa din. HAHA. ;p masaya kaming ganito. don’t rush things up. everything will soon fall into its right place. NAKANAKS! HAHA. diba? so ibahin natin ang usapan at baka saan na naman mapunta.. :) so eto: HALO HALO! go for the HALO!

medyo okay naman pala ang 2009 ko, HEHE. masaya-saya. at one month na lang, i think? tapos na yung 2nd sem! at 2nd YEAR na si Gudang!! :) sa wakas, masasabi ko ding naka-survive ako ng 1 year sa College at 4 years to go na lang!! YEAAAAHH! siguro, makakasama ko itong blog ko na ‘to hanggang sa magte-take ako ng another 4 years pa. :) so watch out! :p

lumabas na pala yung Reunion DVD Concert ng Eraserheads, kaya ko ‘to nasasabi kasi wala akong pambili! HAHA. actually, meron, kaso wala akong spare. aalis pa naman akmi nila Dianne, Rojan and the Companies SuperFriends ko sa February 14, magceCelebrate ng Valentines! YAY! HAHA, sa MOA. ayun ayun o! sabi pa ni Debbie, ako na lang daw yung gagawin niyang ka-date?! HMP! HAHA.

sa Naruto, ayun.. kalaban niya pa rin si Pain at mukhang pangmatagalan yun parang Motolite lang, pangmatagalan! HAHA. matagal-tagal na laban yun. at napansin ko lang na laging nababanggit dun yung parang kung saan yung lugar na may nag-iisip sakanya, dun siya babalik. AWWWW. anu kaya yun, Gudang?!?!!?! HAHA :)

napansin ko lang din, hindi makapaniwala pala yung mga College Blockmates ko na nagsusulat talaga ako, na writer talaga ako. WALA BA SA ITSURA KO? HAHA. writer ako simula nung gradeschool ako, nagsimula sa sideline na tagasulat ng Script, entitled: Too Late To Help. sarili kong concept yung story na about sa Doctor na yun nga, super late. Basta, wala na kong original copy niyan. HAHA. at dun ako unang napuri ng mga Teachers ko nung Gradeschool. HAHA :D

sumunod na ay yung gumawa ako at kasama ang ScriptCommittee ng Florante At Laura na Movie namin nung Sophies Days. nung Third Year, Script naman para sa Movie namin na Lalaki Sa Dilim na unfortunately, lumipad lahat ng efforts namin nang sa hindi malamang dahilan, nawala ang bundle bundles na papel na yun sa Blue Wave sa MOA nung shooting days namin. :| HAHA. at nung 4th Year, 3 beses pa! una ay sa Meeting De Avance: Take 2! sa AVR, ginawan ko yun ng Script kasama si Big Boss#1 Lian [TAMA, ako ang Big Boss #2].. at yung FBA Auditorium Edition nun.. pati na din ang successful play namin na Sa Mga Kuko ng Liwanag! na yung 3 na yun nung 4th Year kami, lahat yun COMEDY EDITION! :)

Hindi pa rin naniniwala? Nakapagsulat na din ako ng 2 articles. isa ay ang People Just Don’t Know It at yung isa naman ay ang Sa Laro ng Lipunan, Walang ‘Try Again!’.. :D yung English yung title, nanalo yan sa school namin na 3rd place sa buong HighSchool Deparment na 3rd Place. x) THIRD PLACE? not bad. :D ilan ba ang estudyante samin, diba? buong HS, 28 sections containing 40 students in it ang kasali. :D sige lang, Gudang, magyabang ka pa! HAHA. at yang 2 entries na yan, napasali sa Official Publication Book entitled: COUNTERFLOW. ng school namin. :) ayos ba?

meron pa! nakagawa na rin ako ng Libro as in BOOK! YEP! BOOK! pero isang copy lang. HAHA. especially made kasi yun para sa Big Boss Partner ko. Actually, GradBook siya. binigyan niya rin ako ng katulad na ganoon ng libro. at 5 pa na tao ang gagawan ko. si Dianne, Rojan, Anna, Donna at lastly si bffxyzcarryoneplusthesquarerootofomega [na kahapon ko lang pinramisan, at namimilit na siya na daw ang unahin kong bigyan]. Haha, mga BFF nga daw. BestFriendsForever. haydaming kalandian sa buhay no!?!

pero hindi naging enough ang pagiging writer ko nung mga yun dahil sa rejection ng entry ko para sa Audition ng Official SchoolPaper namin, ni-reject nila ang ga-haba-haba at pagkaganda-ganda kong MasterPiece entry na tumatackle sa kabataan! at may kanta pa yun! BITTER ANG HUWALA! :D

dahil siguro maloko ako, palamura, hindi daw seryoso, at wala nga talaga sa itsura ko ang pagiging writer. kaya diyan na pumapasok ang Don’t Judge The Writer by its Actions and Face. HA? ewan ko sayo! HAHA. hindi pa ba enough itong BLOG-ag! ko? evidence? HAHA :D galit na oh!

tama na nga ang pagpapaliwanagan na yan. hindi ko din naman masasabi na porket nakagawa nga ako ng mga yun, considered na ang sarili ko na ‘writer’. ‘writer’ ako in a way, pero hindi ganun ka-galing. pero siyempre, papalakpak yung tenga ko kung sakaling may magsasabi sakin na magaling ako. HAHAHA. x) pero which i know, in fact, na I’M NOT. x) i’m open for that, though. kung ayaw mo naman talaga pumayag. HAHA x) bottomline: WRITER AKO x)

HEHE YUN NA NGA MUNA! x) isshare ko ito:

Every time I see you falling
I get down on my knees and pray
I’m waiting for that final moment
You say the words that I can say
- Jewel

HEHE :D grabe, LSS ako jan. at SUPPEEEEERRR! :D haha, wala lang. alam ko medyo matagal na din yan.  epal lang! sino bang mabait ang maaaring makapagsend sakin ng mp3 niyan at mailagay ko na sa iPod ko? yan na lang ang hinihintay ko eh. HAHA. kaya maaari bang tulungan mo ako? *I get down on my knees and pray*

goodnight:D
LifeSaver Naruto. x)
ILY! x)