h1

bakit ako naging writer?

Pebrero 8, 2009

AYUN! at long laaaaaaaaaaaast, makakapagblog na rin si Gudang. ongoing pa rin ang Midterms namin. parang ang tagal tagal tagal tagal na talaga, mula nung nakapagtype ulit ako dito. MASAYA kasi si Gudang these days kaya hindi na siya makapagblog, haha. joke lang. siyempre naman ba, makakalimutan ko ang mundo ko sa internet at ang mga taong nagkakamali ng pindot at napapadpad sa blog ko? HAHA. hindi pwede yun!

nakaluwag-luwag ako, yung oras ko medyo sobra, kaya eto ako, gumagawa ng kasalanan, ang PAGSASALITYPE ng lahat ng nasa isip ko ngayon.

HMM. tapos na din ang exam ko sa Law sa wakas! pati rin ang Graded Recitation ko na kung saan nakakuha ulit ako ng 96. ayaw talagang mg-99, pagbigyan mo naman ako oh! pero ayun nga, not bad, mabuti ng yun kesa 75 diba.

kamusta naman ang FEBruary? HAHA. eto since birth, self-supporting pa din. HAHA. ;p masaya kaming ganito. don’t rush things up. everything will soon fall into its right place. NAKANAKS! HAHA. diba? so ibahin natin ang usapan at baka saan na naman mapunta.. :) so eto: HALO HALO! go for the HALO!

medyo okay naman pala ang 2009 ko, HEHE. masaya-saya. at one month na lang, i think? tapos na yung 2nd sem! at 2nd YEAR na si Gudang!! :) sa wakas, masasabi ko ding naka-survive ako ng 1 year sa College at 4 years to go na lang!! YEAAAAHH! siguro, makakasama ko itong blog ko na ‘to hanggang sa magte-take ako ng another 4 years pa. :) so watch out! :p

lumabas na pala yung Reunion DVD Concert ng Eraserheads, kaya ko ‘to nasasabi kasi wala akong pambili! HAHA. actually, meron, kaso wala akong spare. aalis pa naman akmi nila Dianne, Rojan and the Companies SuperFriends ko sa February 14, magceCelebrate ng Valentines! YAY! HAHA, sa MOA. ayun ayun o! sabi pa ni Debbie, ako na lang daw yung gagawin niyang ka-date?! HMP! HAHA.

sa Naruto, ayun.. kalaban niya pa rin si Pain at mukhang pangmatagalan yun parang Motolite lang, pangmatagalan! HAHA. matagal-tagal na laban yun. at napansin ko lang na laging nababanggit dun yung parang kung saan yung lugar na may nag-iisip sakanya, dun siya babalik. AWWWW. anu kaya yun, Gudang?!?!!?! HAHA :)

napansin ko lang din, hindi makapaniwala pala yung mga College Blockmates ko na nagsusulat talaga ako, na writer talaga ako. WALA BA SA ITSURA KO? HAHA. writer ako simula nung gradeschool ako, nagsimula sa sideline na tagasulat ng Script, entitled: Too Late To Help. sarili kong concept yung story na about sa Doctor na yun nga, super late. Basta, wala na kong original copy niyan. HAHA. at dun ako unang napuri ng mga Teachers ko nung Gradeschool. HAHA :D

sumunod na ay yung gumawa ako at kasama ang ScriptCommittee ng Florante At Laura na Movie namin nung Sophies Days. nung Third Year, Script naman para sa Movie namin na Lalaki Sa Dilim na unfortunately, lumipad lahat ng efforts namin nang sa hindi malamang dahilan, nawala ang bundle bundles na papel na yun sa Blue Wave sa MOA nung shooting days namin. :| HAHA. at nung 4th Year, 3 beses pa! una ay sa Meeting De Avance: Take 2! sa AVR, ginawan ko yun ng Script kasama si Big Boss#1 Lian [TAMA, ako ang Big Boss #2].. at yung FBA Auditorium Edition nun.. pati na din ang successful play namin na Sa Mga Kuko ng Liwanag! na yung 3 na yun nung 4th Year kami, lahat yun COMEDY EDITION! :)

Hindi pa rin naniniwala? Nakapagsulat na din ako ng 2 articles. isa ay ang People Just Don’t Know It at yung isa naman ay ang Sa Laro ng Lipunan, Walang ‘Try Again!’.. :D yung English yung title, nanalo yan sa school namin na 3rd place sa buong HighSchool Deparment na 3rd Place. x) THIRD PLACE? not bad. :D ilan ba ang estudyante samin, diba? buong HS, 28 sections containing 40 students in it ang kasali. :D sige lang, Gudang, magyabang ka pa! HAHA. at yang 2 entries na yan, napasali sa Official Publication Book entitled: COUNTERFLOW. ng school namin. :) ayos ba?

meron pa! nakagawa na rin ako ng Libro as in BOOK! YEP! BOOK! pero isang copy lang. HAHA. especially made kasi yun para sa Big Boss Partner ko. Actually, GradBook siya. binigyan niya rin ako ng katulad na ganoon ng libro. at 5 pa na tao ang gagawan ko. si Dianne, Rojan, Anna, Donna at lastly si bffxyzcarryoneplusthesquarerootofomega [na kahapon ko lang pinramisan, at namimilit na siya na daw ang unahin kong bigyan]. Haha, mga BFF nga daw. BestFriendsForever. haydaming kalandian sa buhay no!?!

pero hindi naging enough ang pagiging writer ko nung mga yun dahil sa rejection ng entry ko para sa Audition ng Official SchoolPaper namin, ni-reject nila ang ga-haba-haba at pagkaganda-ganda kong MasterPiece entry na tumatackle sa kabataan! at may kanta pa yun! BITTER ANG HUWALA! :D

dahil siguro maloko ako, palamura, hindi daw seryoso, at wala nga talaga sa itsura ko ang pagiging writer. kaya diyan na pumapasok ang Don’t Judge The Writer by its Actions and Face. HA? ewan ko sayo! HAHA. hindi pa ba enough itong BLOG-ag! ko? evidence? HAHA :D galit na oh!

tama na nga ang pagpapaliwanagan na yan. hindi ko din naman masasabi na porket nakagawa nga ako ng mga yun, considered na ang sarili ko na ‘writer’. ‘writer’ ako in a way, pero hindi ganun ka-galing. pero siyempre, papalakpak yung tenga ko kung sakaling may magsasabi sakin na magaling ako. HAHAHA. x) pero which i know, in fact, na I’M NOT. x) i’m open for that, though. kung ayaw mo naman talaga pumayag. HAHA x) bottomline: WRITER AKO x)

HEHE YUN NA NGA MUNA! x) isshare ko ito:

Every time I see you falling
I get down on my knees and pray
I’m waiting for that final moment
You say the words that I can say
- Jewel

HEHE :D grabe, LSS ako jan. at SUPPEEEEERRR! :D haha, wala lang. alam ko medyo matagal na din yan.  epal lang! sino bang mabait ang maaaring makapagsend sakin ng mp3 niyan at mailagay ko na sa iPod ko? yan na lang ang hinihintay ko eh. HAHA. kaya maaari bang tulungan mo ako? *I get down on my knees and pray*

goodnight:D
LifeSaver Naruto. x)
ILY! x)

12 mga puna

  1. hahaha. di ba halatang writer? dont worry, di ka nagiisa. :P kahit ung mga kapatid, kaibigan, kamag-anak ko, di makapaniwalang may blog ako at gumagawa ng kwento. ok na rin un, para di na lang nila basahin mga kadramahan ko! hahaha.

    uy, 4 years na lang! :D congrats! hehehe.

    sulat lang! ^_^


  2. ndi daw halatang writer eh. :D YON! at di naman pala ako nag-iisa. :D yung mga taong ndi lang nakakakilala sakin yung hindi alam na writer nga ako. :))

    onga eh.. 4yrs na lang :D thanks!


  3. ang sipag mo ag sulat ako kahit tagalog friendly letter hirap na hirap na ee..hek hek..kip it up!


  4. hehe :D masipag? minsan lang. at pag kailangan :D
    ge po! slamat!


  5. aba gudang..haha..galit ka ba?
    ako na lang una o kung hindi man una na magsasabi sayo na
    ANG GALING GALING MONG MAGSULAT, SALUDO AKO SAYO!!haha apir!

    haha, joke lang yun..hehe di biro lang:) sulat ka lang ng sulat, malay mo dba, expect the unexpected, may makabasa ng blog mo, malay mo isang publisher, niyaya kang magsulat sakinila kasi nagustuhan nya yung way ng pagsulat mo! naks! malay lang natin..hahahahahahahahahahaha, joke lang gudang lab you:)

    yes tlga, detailed, pwede na, ngayon ko lang nalaman na nagsulat ka pla ng script nung gradeskul mo at sarili mo pang story, ala ka na tlgang kopya nun? gusto ko basahin..hahaha

    sulat ka lng ng sulat..hehe, yes yes! hahaha


  6. TALAGA NAMAN nga NAMAN kapag magbebestfriends eh no.. cnu ba naman magpupurian kundi tayo tayo lang din! :D pero salamat na din! APIR! :D PUNYETA! sabay joke lang! ahahaha :)) potek! pataas tas sabay ibabagsak mo yung punchline eh!! peste naman to oh! ahahaha :)) labyoutoo! :D ahaha di ko pa ba nakwento sayo yun? o ndi ka lang talaga nakikinig habang nagkkwento ako sayo? hinayupak na yan oh! ahahaha :)) yes yes!


  7. hndi mo yun nakwento sakin noh, haha..joke lang yun nu ka ba! wahahaha..i love you gudang! yes apir!


  8. ahahah sige sige.. kkwnto ko din sayo yun. :D


  9. anong nangyari sa balentayms mo? hehe


  10. hahaha :D okay nman.. lumabas lang with prends..


  11. hi im joren cruz, nabasa ko ‘tong blog mo… masaya kang magsulat. and i think matalino ka talaga dahil sa hindi ka mauubusan ng sinusulat. one time baka naman pwedeng padalahan mo ko ng isang article mo, if ok lang naman sau. salamat have a good day!


  12. marami pong salamat!



Mag-iwan ng Puna