
hindi naman ako bagsak eh, hindi lang ako pumasa.
Pebrero 10, 2009hindi naman ako bagsak eh, hindi lang ako pumasa.
YUN lang naman ang akin. Ang sinasabi ko lang, hindi ako bumagsak, hindi lang talaga ako nakapasa. Nag-exam na kami ng Departmental Exam sa Accounting I kanina. Sa laking gulat namin, nung araw rin pala namin yun, chechekan ang hinayupak na exam na yun. DENIAL STAGE ka Gudang? ATA.
HINAYUPAK NA Accounting EXAM? [pagbigyan niyo na ko maging bitter kahit ngayon lang] UNA sa lahat, kapag nag-eexam ako, meron akong mga tinatawag na “sure-win” items. Yun bang mga items sa exam na SUREBALL na kong tama. Sa tanan ng buhay ko, sa lahat ng mga exams na na-take ko, itong exam lang na ‘to yung wala akong “sure-win” items. PRAMIS! Wala akong sure na sagot.
Yung para bang umaasa na lang ako na yung Exam na yon ay Trick Exam lang, parang yung 1st Level sa Chuunin Exam sa Naruto na hindi mo kailangan sagutan yung Exam dahil nga sa out-of-this-world-questions ang content, para bang tinetest lang kami ng mga Prof. Pero hindi, MIDTERM DEPARTMENTAL EXAM YUN, anak ng tipaklong, at yung sa lahat ng Midterm Exams na nai-take ko, yun pa ang ibinagsak ko.
“Okay lang yun, Gudang!“, sapak? Gusto mo? Kahit sino pang magsabi sa akin na “okay lang” ang pagbagsak na yon, HINDI OKAY YUN! Major subject kaya yun baliw! Parang “okay lang” kasi halos lahat naman kami bagsak, eh ano naman? Kasama pa din ako sa bagsak at hindi ako nakapasa! YUN YON EH!

ayan ang mga inaral ko para sa Midterm ng Accounting pero hindi pa kasama ang Book at Ntbk
Hindi matanggal talaga sa utak ko yun. Paano naman kasi? Nag-aral naman talaga ako kagabi. Nag-start ako ng 10PM at natulog ng pasado 2AM. UltraelectromagneticARAL na yung ginagawa ko. PUYAT FOR A CAUSE na naman yung ginawa ko. Wala na nga akong normal na tulog eh.
At siyempre, looking at the other side, hindi naman magiging ganito ang reaction at nakalagay sa blog ko kung pumasa ako. Ganun naman talaga yun. Hindi ko lang kasi matanggap. Siyempre, na bagsak ako. Topnotcher nga nung Preliminary Exams, Bottomnotcher naman ngayon sa Midterm Exams. Kamusta naman? Katulad lang ba ‘to ng Trial Balance? Kailangan BALANCE din? O kamusta naman kaya ang magiging results sa Finals?
Nahihiya lang talaga akong magsabi sa pamilya ko na:
“Ma, may bad news ako.”
“Papa, ‘wag kang magagalit ah.”
“Ate, hindi mo na ko mabibilhan ng Chucks.”
at lalo na ang: “Kuya, hindi ako nakapasa sa Midterm!”
Sa lahat ng nabanggit, ang pinakamahirap ay yung para kay Papa at Kuya Clarence! Aba’y yung kay Papa, malamang! Parang naka-strike na naman ako. At kay Kuya Clarence kong CPA, dahil parang nababalewala lang yung pagtututor niya sakin. Ilang beses niya na sakin inulit-ulit yun Adjusting Entries, anak naman ng tupa oh! At At At! Paborito ko pa naman sana kaya ang topic na Adjusting Entries sa Accounting, eh kung ganoon, ba’t ako bumagsak?
Kulang pa. Kulang pa ang UltraelectromagneticARAL na ginawa ko. Kailangan pa ng may SUPER next time, at kung kulang pa din, SUPER DUPER, at kung kulang pa din, SUPER DUPEREST, at kung kulang pa din, SuperCaliFragilisticExpialidocious Duper UltraelectromagneticARAL na. Ano na kayang ichura ko nun? HAHA. :D
There’s always a next time, kailangan lang punan ang pagkukulang. Para rin sakin ‘to, kailangang bumawi. Naks! Gudang for President. HAHA :D
At hindi ako sumama kina Joan, Jannah at Cha at kay Nick din ata
ngayon sa Trinoma, “wala akong dahilan para magsaya no!!”,
HAHA. KJ na kung KJ. babawi na lang ako sa 14 kasama sila SuperFriends
HAYY. at si Mikko! ‘Wag mo ngang inaaway si
Papa Ely. Salamat pala kay Bry para sa NewsPaper na ang content ay
si Papa Ely. :D Naks!

ang binigay na newspaper ni Bry na may Papa ELY!
PS: Hindi ako Academic Monster, hindi lang ako maka-get over sa kapalpakan na yun. :)
yun muna :)
i <3 my New Naruto. :D










ganyan talaga ang buhay, sabi nga pag di ukol ay di talaga bubukol..ehehehe..kaya lang sayang naman dahil sabi mo nga ay major subject nyo yun kaya mahirap nga yan..bawi ka na lang sa susunod hija…
hmm cnu kaaya yung new naruto? hay! ok lang yan no! naranasan ko na din yan kaya lang ma smahirap yung sayo kasi dahil sa papa at kuya mo. hay nakakaworry nga!!! anyway give urself a time at syempre sila, mahal ka naman nila di ba? so i think accept nila yun!! ^^
bwahahaha iniwan ko na yang accounting! hindi kame talo eh… wahahaha pero nakadalawang taon dn ako kasama si debit credit at kupit ah ;)
palink ^^ “blog ni biba” salamat ^^
@ payatot: opo. babawi na lang sa susunod. :) maraming salamaaaat!
@ cindyrella: uyy issue! <3. HAHA. mahal talaga ako ng mga yun, hehe, next time bawi!
@ biba: hehe kupit! ge po i’ll link you. :)
my subJEXt din ako ng accounting pero lm mo b ginwa ko sa acc ko? ala lng nag enjoy lng ako basa ng konte, pag wala prof uwi, pag d ko lam sagot papasa minsn kopya pag nasarapan ako kopyahin ko pati name ng katabi ko :D
mrmi pang pagkakataon kahit ayaw mong marinig ang salitang “OKEY LANG YUN” sasabihin ko sau “OKEY LANG TALAGA YUN”
paki tanggap n lang !
nangyari na kasi ang d mo inaasahan gudang :D
kaya OKEY LANG YUN! OKEY LANG YUN! OKEY LANG YUN! OKEY LANG YUN! OKEY LANG YUN! OKEY LANG YUN! OKEY LANG YUN! OKEY LANG YUN! OKEY LANG YUN! OKEY LANG YUN! OKEY LANG YUN! OKEY LANG YUN! OKEY LANG YUN! OKEY LANG YUN! OKEY LANG YUN! OKEY LANG YUN! OKEY LANG YUN! OKEY LANG YUN! OKEY LANG YUN! OKEY LANG YUN! OKEY LANG YUN! OKEY LANG YUN! OKEY LANG YUN! OKEY LANG YUN!
ano ka?!? tanggapin mo na ok?
OKEY LANG YUN! OKEY LANG YUN! OKEY LANG YUN! OKEY LANG YUN! OKEY LANG YUN ahehehe! naasar na oh? OKEY LANG YUN! OKEY LANG YUN! OKEY LANG YUN! hehehe!
ganyan ngang talaga ang buhay..
siguro mahirap lang talaga yung exams..
Bawi ka nalang nekz taym, yung super bawi!!
hehe. at goodluck sa pagbalita sa pamilya mo..
AJA! :)
@ jex009: HAHAHA :)) natawa naman ako sa comment mo :) adik ka! :D anyway, that made me feel better. :) HAHA. cge okay na yun! :D
@ nadine: yeapp.. super bawi. :D salamaaaatts!
ay kasali na rin yan sa pag aaral. am sure next time mas maganda na yan :D
hehe salamat po :D
hehehe….nkarelate nmn aq sa post mo….kaloka tlaga yan kc mas mas mdalas pasang awa mga grades q sa dept’l exam….buti na lng nahahatak ng perfect attendance q…wahehehe kea aun…
peo hirap tlga mag damnalyze este analyze…hehehe
have a nice day..kaya mo yan…
Exlink po??
http://simplefula09.wordpress.com
hehe gudang, super depressed ba kapag ganun? hindi din ako makaget over dahil sa PABORITO KONG SUBJET NA CHEM!grabe tlga yung chem na yun..
ang hirap ding kalimutan yun, hndi ka tlga makaget over, kainis, okay na lahat eh, tapos WHOA! isang malaking WHOA! nakakainis sayang..magaaral ka ng matagal para dun, super duper to the max nang ginagawa mong pagintindi sa itetest nyong yun tapos malalaman mo na lang na bagsak ka pla, kakakinis yun, patay na..haii..natatakot ako sa chemistry ko! nman nman yang chem lab namin! waahh! haha, hala nilabas dito..sori gudang! hehehe:)
ang galing nman nung newspaper na yun..san galing yun? kelan pa? hahaha, adik, buti ka pa may klasm8 na mahilig sa naruto at sa eheads samin? haii naku, isa ding malaking HAIII NAKU! hahahaha
haii gudang, bgla kong naalala yung libro mong natapunan ng kape! hahaha:)
@ simplefula09: damnalyze talaga! :D kaya yan. :D ge aadd kita sa BRoll ko. :D hehehe.. thanks!
@ Dianne: paborito mo ding subj ang Chem? rehas kau ni Xtian Gay! HAHAHA :D mahal na mahal ang Chem! :D onga onga!! naiintindihan mo ko bff! :D waaahh! T_T ahahah :)) pinagpray kita wag ka mag-alala.. :D ahahaha :)) recently lang ata yun newspaper na yun eh.. :D nakakadisappoint sa klase niyo no.. ahahaha :)) waaahh! pinaalala mo pa saken yun! nagmu-move on na nga ako eh! tsktsk! ahahaha!
thank you gudang! i lab you! hahaha
ay ay sori sori nman..hahaha, hayy..kakainis ayoko na din maalala yan, patayness na! waaaahhhhh!!!
ahaha thank you din! ilabyou friend! azhahaha ;)) landi eh! ahahaha :D
ahahaha :D wag mo na icpn tae! ahahah!
aba, accounting major ka din. astig.
anyway, una pa lang yan. wag kang mag-alala marami pang susunod *i’m talking from experience* hahaha. bitter-bitteran ako. (oha, at least, hindi ko sinabing “okey lang yan”, ay nasabi ko din pala. haha. peace!) keri lang yan, basta, wag kang papatalo kay accounting. patunayan mong mas malakas ka sa kanya. rawr!
hehe.. opo. :D yeaapp! aayusen ko na next time :D
hi gudang,
mid-terms pa lang naman, may pag-asa pa. ganyan talaga ang buhay estudyante. laging may kaba kung papasa o hindi :)
parekoy.este gladys pala so marekoy.hehe
yoko ng accounting.waahhh.debit,credit,ledgers, et al
nightmare yan.yoko ng numbers.wah
@ nina: hehe. tama ;D salamat sa pagdaan! :)
@ flamindevil: marekoy ako! haha.. ako din, ayoko ng numbers.. pero akala ko lang pla yun. :D ngek!
ganun tlga eh, wla din ako mgwa sa accounting, bgsak dn ako lge sa departmentals, pero d ako nwwlan ng pgasa, may pag asa pa! wlang take 2 take 2! d pwede un, lets do our best! departmentals nnman sa tuesday.. Grrrr, gudlak satin! kopyahan na!
aww. dr. jackal? ehehe.. ndi ka nag-iwan ng link.. ngak.. hehe.. onga onga.. tama yan.. rehas tayo ah. departmentals ko din ng acctg sa turesday.. anyway.. gudlak nga! :D PEACE OUT! :D
waaaaaaaah! naalala ko yung college days ko… nakarelate ako sau… rehas tau ng course. :) gudluck! yakang-yaka mo yan!
hehe. mraming thank you! :D sana nga po!