
ilang prinsipyo sa buhay…
Pebrero 16, 2009Bago ako humarap dito sa PC, inutusan muna ko ni Mama na maghanap ng mga hangers, para sa mga isasampay. Naaalala ko date, ‘pag inuutusan ako ng Nanay ko na maghanap ng mga hanger, excited na excited ako at nakikipag-unahan pa ko sa iba kong kapatid, paramihan kasi ng mahahanap na hanger. Wala lang, ngayon hindi na kasi ako na-eexcite. :D Tumatanda na nga kasi at nagmamature na utak ko… o sadyang tamad lang talaga ako at ayoko na ng nauutusan ako?
Napakaliit na bagay ng mga homeworks na yun, upang maging dahilan para palampasin ko ang pagkakataong magsimba.
- GUDANG
Kahapon, niyaya ako ng Ate ko na magsimba daw kami. Wala pa kong natatapos na homeworks. Accounting at Finance yun. Mahahaba yung mga homework na yun, at take note nga, wala pa kong nauumpisahan. Noong unang beses na niyaya ako ng Ate ko, sabi ko “Oo, sige..“
Pero nagbago yung isip ko nang pumatak na ng 7PM sa relo, naisip ko na ‘wag na lang muna magsimba at gawin na lang muna ang dapat gawin.
Tumawid ako dito sa tapat na bahay (andito kasi yung PC namin, natural sa kabilang bahay, wala). Gagawin ko na yung homework sa Finance, naisaksak ko na ang plug ng PC nang maalala ko si Bob Ong.
————————————————–
(play a mystery music here)
FLASHBACK SA ISIP NI GUDANG:
Bakit ko naalala si Bob Ong? Ewan ko, bigla lang siyang pumasok sa isip ko. AYIEE. Joking! :D HAHA. Naalala ko kasi yung kwento ni Bob Ong sa libro niyang: Abnkkbsnplako?! Meron siyang kwento doon na isa sa hindi ko makalimutan sa kanya. Gumagawa daw sila ng Project noon, poster ata yun. Tapos, October month kasi noon sa kanila, Rosary month. Eh sinwerte namang kailangan i-pull out yung mga estudyante para magdasal ng rosary. Paano ang mga hindi Catholics? Sabi ni Bob Ong, hindi naman daw sa lahat ng oras, Catholic ang student, mayroong nagiging instant iba ang religion. Bilib nga daw siya sa mga utak ng mga estudyanteng nagigipit. Yung mga non-Catholics kasi sa kanila, hindi na kailangan magdasal ng rosary, oo nga naman, pwede nilang ituloy yung project nila.
Pero anong ginawa ni Master Bob? Kahit pwede siyang maging instant Jehova, o kahit anu mang religion na gustuhin niya, nag-rosary pa din siya. Maliit na bagay lamang daw yung Project na yun, para kalimutan ang ilang prinsipyo niya sa buhay.
————————————————–
AWWWWWWWWW ^^. Tapos balik tayo sa Time Machine, nasa bandang parte na ng pagkasaksak ko ng plug ng PC, bumalik sa normal. Tinanggal ko ang plug ng PC sa pagkakasaksak sa outlet. Tumawid ako sa tapat at naabutan ang mga kapatid ko, at sinabi ko yun oh! Yung nasa itaas. Akala siguro nila, nagdrugs ako, o kaya nasabugan ng computer kaya nasabi ko yun. At nagsimba na nga kami ng Ate ko. Sabi ko nga, tulad nung Project na yun ni Bob Ong, maliit lang din na bagay yung mga Homeworks kong yun, para nga naman ipagpalit ko ang pagsimba ko dun. YUN OH! May prinsipyo na din akong matatawag kahit paano. (seryoso itong part na ‘to) Para anupa’t tinawag akong Anak ng Diyos? Amen. :D (Yahess, Gudang, ikaw ba yan?!) Natapos ko naman ba ang mga homeworks na yun? ABANGAN.. (siyempre, suspense, para tapusin mo! ‘wag kang magskip ah! TSK!)
“Wala namang aamin na tayo ay marumi,
dahil lahat tayo ay nagmamalinis!”
- Father Gerry
(i-assume natin na galit si Father) O diba, kitams, nakikinig na ko sa Homily ngayon (ibig sabihin, dati hindi). Dapat akong makinig sa Homily, kundi, mababalewala ang pagka-inspire ko kay Bob Ong at mapasunod ako bilang isa sa disipulo din niya.
Ang Gospel kahapon is about dun sa mga leper na pinandidirihan. Basta galing kay St. Mark yung Gospel. Yung mga tao daw kasi (o sige, tao na din ako, isama na ko), ayaw ng ayaw sa mga marurumi. Ni ayaw madikitan o mahawakan o mapasama sa mga taong marurumi. Pero kahit hindi natin aminin, lahat naman tayo marumi, hindi visible sa panlabas, pero mas madumi pa tayo sa mga leper na yun sa panloob. Tama nga naman. Miski ako eh! (o ayan na umamin na lahat ng aamin)
Naliligo tayo. Nagsasabon, naglilinis ng sarili natin etc. Pero maya-maya, madudumihan din tayo. Maglilinis na naman uli ng sarili natin. Tulad lamang daw iyan ng pagpasok natin sa simbahan, kaya nga daw tayo andun dahil nililinis natin yung sarili natin, pero pagkatapos ano? Dudumihan na naman daw natin yung sarili natin. Gagawa na naman daw tayo ng masama. Kitams?! YUN YON EH! Yun pala ibig sabihin nung Gospel na yun. (sabay-sabay: ahh, yun pala yun) O kaya ganyan, Gudang, magbago ka na! Ge try ko. :D
Masasabi ko lang.. Hmm.. Wala.. HAHA. Loko. Siyempre, meron, ang haba ng mga pinagpuputak ko diyan oh, tas wala naman pala akong masasabi. Hmm.. Masasabi ko lang, Wala nga, Anak ng Pating! Nasabi ko na lahat eh. :D
Hmm.. Natutuwa ako kasi PROUD (kahit pano) ako sa sarili ko, kasi naman kahit paano, achievement sakin yun, yun bang hindi ko ipinagpalit yung pagsimba ko sa kahit anu pa man, at hindi lang ako basta basa ng libro ni Bob Ong at ma-inspire sa kanya, kundi na-apply ko din yung mga natututunan ko mula sa kanya. O diba, angas?! HEHE.
Ang babaw ko talaga. Mababaw lang talaga ang makakapagpasaya sakin, wala sa presyo o gaano kaganda ang isang bagay para sakin. Simple lang magpapaligaya sakin. Halimbawa: Bagong iPod (yung malaking Gig ah), Bagong CellPhone (yung malaking memory), DigiCam, PSP, o kaya naman Laptop. Yun lang naman eh, okay na ko dun. PRAMIS.
Pero sa ngayon, kuntento pa naman ako sa iPod ko at CellPhone kong nawawalan ng isang button (yung pag-video call, sabagay, ni hindi nga ako tumatawag gamit yun eh, video call pa kaya). Kuntento na din ako sa DigiCam namin at sa PC namin, tsaka sa PSP ko… Ay teka, ilusyonada, wala pala akong PSP. :D HAHA!
HMM.. Hala, NOBELA na to! tagal ko kasing ‘di nakakapagsulat. HAHA :D Sorry naman, sana nakaabot ka dito. :D iLoveYou!! ^^ Goodnight. :D Salamaaattss!
PS: Natapos ko ang mga lintek na homeworks. :D 2AM ako natulog, at tinuloy ko sa school yung iba. :)











thanks for dropping by sa bahay ko….i’ll get back soon……
Tsktsk. nice nice. astig at wlang kupas parin mga pangaral ni Bob Ong.
Hahaha , Lab na lab ko parin ang buk niya na yun. Good for you dahil inuna mo si God, tama ka dun sa mga prinsipyo.. idol! hehehe. Kasi naman, yakangyaka yun at minsan lang makasama ang pamilya sa pagsimba, ibig ko sabihin, dahil bisi lagi sa school at sa trabaho?..
oo nga naman no, tama si father, dapat di tayo masyado magmalinis, pinanganak palang naman daw tau me kasalanan natau, at lalong panget kung magsisimba ka nga gagawa naman ng nakakasama..
hanep hanep!
dami ko natutunan dito:)
tsktsk..
@ abrel: ahh okay. NP..
@ nadine: haha.. galing talaga ni Bob Ong.. :D mabute naman at rehas tayong natuto.. :D haha..
naku, nobela nga siya ah! pero nakapag analyze ka din ng ibang mga bagay bagay! ^^ mababaw din akong tao. at agree din ako kay master bob ong! gusto ko talaga yung mga sayings niya! lalo na yung di naman ganun kalaking big deal ang di makapasa ng assignments.
o cya pag butihin ang pag aaral ah at wag kalimutang mag simba!! (nagsalita eh no?)
kaya nga po eh, gs2 ko sana basahin ulet, kaso tinamad na din ako.. ahahhaa.. apir para sa mga mababaw! :D hehee.. idol talaga yun eh no.. si bob. ^^ OPO! :D salamat!
Palakpakan!
Nakaka-inspire naman si Gudang. Super gud girl.
Kita mo na… mabuti na lang at naalala mo ang paalala ng “Ebanghelyo ayon kay Bob Ong”… nakapagsimba ka na, natapos mo pa ang assignments mo. Yehey!
There are times when we are challenged to stand by our principles. And when we do, maturity and wisdom will be our gifts.
Go go go! Stay blessed!
mabasa ko nga yang libro ni bob ong
thanks for dropping by my blog. inadd na kita sa blogroll.
nabasa mo na alamat ng gubat ni bob ong? nakakatawa! :)
aba ayan at may oras ka pala para gawin lahat, inabot ka nga lang ng madaling araw :D
yun naman ee..atleast natapos mo pa din homeworks mo.tapos nakapgasimba ka pa.
tungkol sa mga “simpleng” bagay na nakakapagpasaya seo isa lang masasabi ko…BONGGA!ahahay
hmmmmmmmm. ang haba. wahahaha. pero i like ung mga lines mo d2.^
“Wala namang aamin na tayo ay marumi,
dahil lahat tayo ay nagmamalinis!”
- Father Gerry
o db db? galing ni father. magpari n lng kaya aq?
Para anupa’t tinawag akong Anak ng Diyos? Amen.
-gudang
naku naku. hmmmm.. mgkapatid pala tau.haha
hindi ko ipinagpalit yung pagsimba ko sa kahit anu pa man,
-gudang
aba! aba.. naks . anu bng nakain mo gudang?
nakakatuwa naman itong post mo :)
salamat nga pala sa iyong pagdalaw sa aking blog :)
@ pao pielago: hehe.. in-add ko na din kayo.. ata.. ahaha :D nabasa ko na po un.. hehe.. :D nakkatawa nga po.. :D
@ markey: you better be! :D
@ kengkay: hehe onga po eh, pero atlis natapos. :D
@ azul: hahaha..
@ revsiopao: wow.. i like that.. SUPER GOOD GIRL.. salamat salamat.. :D ahaha.. sa wkas may 2mwag na din sakin ng ganyan.. ahahaha. :D thank you thank you! :D
@ kikilabotz: haha.. anak ka din ng Diyos? apir! :D magkapatid tayo.. ahaha.. di ko din alam kung anung nakain ko, pako? haha..
@ sandjimartin: hehe.. NP. :D
Thanks for visiting my blog! Anyways,tama yang ginawa mo! Put God first in your life. O diba naisingit mo din ang pagawa ng homework mo kahit inumaga kana. At least masaya si Lord kasi inuna mo sya. Keep up the good work!
@ Anney: NP.. :D onga daw.. tama nga daw.. :D ehehe.. i’ll keep it upp.. :D hehe..
gudang sarap ng pagkakapost mo dito. nakikilala ka namen ng mabuti. speaking of simba, napanoon ko via GMA Pinoy Tv dito sa Dubai na ngayong Global Finacial Crisis daw ay mas maraming pilipino ang nagsisimba sabi ng ilang pari sa Quiapo church. Ganun naman daw talaga tao (kasma ako hehe) na kapag may problema mas kumakapit sa Itaas at kapag wala parang medyo nababawasan ang pananalig. well ok yan na hindi nagiging hadlang ang assignment sa iyung weekly commitment. ang assignment naman kasi pedeng gawin ng maaga o pedeng sa skul na. wag lang mga projects dahil hindi ka matatapos. :) nice post gudang! (applause! applause!)
naks.. hehe, nakakatouch naman ang comment mo.. :D hehe.. :D palakpakan!! :D hehehe.. :)
aysows! sa wakas at nahanap din kita,ikaw pala yung nag-comment sa aking contact lens post. Hindi ka kasi nag-iwan ng URL,hehe
un eh. salamat kay sir Bob. :) at naalala ko rin ung kwento nyang un. ^_^ hehehe.
ganyan din lagi ung sinasabi sa amin ng nanay ko dati, (nung estudyante pa lang ako).. na kahit na sobrang busy daw kami, wag makakalimot magsimba o magdasal.. :)
ambait na bata :D
Magandang araw!
Thank you for dropping in at my blog. At salamat sa blog ni revsiopao dahil dun mo nakita ang blog ko hahaha.
Minsan, kahit sa mga maliliit na bagay, sinusubok ang faith natin. And I’m glad na nagawa mo pa ring magsimba ;)
And congratulations, iha, for being determined enough to finish your homeworks kahit inabot ka ng madaling araw. It’s no small feat, so you deserve a masigabong palakpakan! hahaha!
Salamat uli sa pagdalaw sa blog ko.
@ MC: naks.. hinanap mo ko. :D ahaha.. nxt time pagbalik ko.. mag-iiwan na ko.. hehehe..
@ karmi: hehe.. mabait na! :D
@ Nortehanon: hehe. NP.. :D onga po eh.. salamat salamat.. :D
aba aba gudang, bagong buhay, bagong pagasa! wahahahaha..Kaw ba yan gudang? haha, ang galing nman, i’m proud of you..tamo, natapos mo pa din yung assign mo nakapagsimba ka pa..hahaha..yes yes yes..natatawa ako sayo..hahahahahahaha..
haii gudang, yang issue na yan cmula hayskul pa ah..hehe
ayan, magsimba ka na lagi, sa susunod kaw nman magyaya sa ate mo..hahaha..yehey! ha? para lang akong cra eh, sori nababangag ako..hehe:)
good for you dahil naisasabuhay mo ang lessons in life na meron sa mga kwento ni Bob Ong. Tama ang sinabi ni Father. Walang marumi dahil lahat tayo ay nagmamalinis. Nasa atin din naman kung gustu nating marumi at wag pansinin kung anu ang mga dapat gawin.
keep it up Gudang. :)
bumibisita :)
wow si Gudang kinalabit ni BRO (Josh tawag ko sa kanya…bisitahin mo ako para malaman mo)…
Simpleng kalabit…kahit minsan nagmumula sa ating kababawan….mabuhay ang isang Gudang…anak sya ng Diyos. BOW!
@ dianne: waah-ness, nasa omp shop ako ngayon, ndi ako makapaniwala, ahahah :D OO ako yan, tae ka, ahaha.. you’re proud of me? YOU SHOULD BE. hahaha :D onga no, hayskul pa nga yun, pero ndi ko pa din natutupad yun, pero ngayon, improoooooving! ;p bleh!
@ Aling Baby: wow, haha, onga po eh, nakakatuwa. :D salamat po! balik ulit!
@ blurosebluguy: teka tgnan ko na lang yun, hehe, yheeeeyy! :D hehehee.. thanks!
gudang!!!! natouch nmn akow dun.. hehehehe..
wag mo ng basahin, di ka welcum dito! ahahaha :D joke lang.. bang bang! ahahaha :D