Imbakan para sa Marso, 2009

h1

HELP, please?

Marso 27, 2009

Can’t do it alone..
– galing na naman yan sa kantang The Show by Lenka. Pakinggan niyo nga yun para maka-relate sakin. Ha? OKAY! Wosh!

Ibig sabhin ng “can’t do it alone..”, kailangan ng tulong! HEEEELLLLPPP!!! I miss… Joke! ~~~~ Hayy nako, ano ba yan. Puro joke! :D

FAVOR? Nanghihingi ako ng mga tulong niyo. Donasyon para sa pagpagawa nitong PC namin, HEHE. Loko lang. AYUN NGAAA! Para IPAGDASAL ang kaluluwa ko, at isama na din natin ang kaluluwa ng aking mga kaibigan? Hindi ko na muna sasabihin ang dahilan. Pero kung pipilitin niyo ko, HMM.. Hindi pa din! :D ‘Wag mo nang tangkain hulaan, maraming salamat.

Pero nais (wow! nais!) ko lang humingi ng kaunting puwang (wow! kaunting puwang!) sa inyong mga dadasalin? Naniniwala akong napakalaking bagay ng mga PRAYERS, kaya maaari (wow! ay litse ka Gudang, pansinin mo na lahat ng nilagay mo dito!) bang ipagdasal mo ko mula ngayon hanggang March 30?

Paki-request naman kay Papa Jesus na: Bless Gudang with a sound mind. Maalala niya ang lahat ng dapat niya maalala. ‘Wag malilito. Grant her wisdom always. Let her choose the right one. Let her work harder. Let her do her best. And please Papa God, may you do the rest? (okay lang kung gusto mong isulat o kaya i-memorize mo, para bago matulog o bago magsimba sa Sunday, alam mo na!)

I still believe in the POWER of PRAYERS. ‘Wag kang mag-alala, I’ll do whatever I can. :D Alam kong wala akong karapatan humingi ng tulong sa inyo para ipagdasal niyo ko kung hindi ko naman matututuhang tulungan ang sarili ko. I WILL and I SHOULD. Kundi KABOOM! Haha.

At ayoko rin namang masira pa ang pangalan mo kay Papa Jesus kung sakali, baka sabihin niya pa: “Barbero ka! Hindi naman nagtitino si Gudang!” Bestfriend ko din yan si Papa Jesus, tutulungan niya ko. Tulungan niyo din ako. Hehe. Is that too much that I’m asking for? :) Kailangan ko lang talaga naman :D

Naniniwala kasi akong malaking tulong ang PRAYERS eh. Tried and tested. Guaranteed kung baga. At kailangan ko talaga ng maraming source, sana kahit isang sentence lang na: Paki-tulungan na lang po ang tamad na si Gudang. :D *parang awa niyo na po huhuhu* Hehe. :) Kahit hanggang March 30 lang, pramis. Maraming salamat po! Mabuhay po kayo! (YM?!)

“Don’t worry, it’ll work out somehow.”
- Yoh Asakura from Shaman King

BELIEVE IT! :)
goodnights!

PS: At baka pansamantala akong mawala. Hmm, inaasahan ko ang mga donasyon niyo! SALAMATS! Should you have read this entry, kindly spread the news! HEEEEEELLLPPP MEEEE! :) More Prayers, More Chances of Winning! PER DTI NCR PERMIT NO. 7777 :) ILYSM! Papa God! Mwah!

h1

life is a maze and love is a riddle.

Marso 24, 2009

Naka-RepeatOne ang Shuffle ng Itunes ko ngayon. At yan lang ang kanta. Sobrang LSS. Ang cute nung boses. Haha.

I’m just a little bit caught in the middle
Life is a maze, and love is a riddle
I don’t know where to go, can’t do it alone
I’ve tried and I don’t know why

Haaayy. UPDATE! Walangya yan. Ang ranking ng blog ko naging 300+ na kaagad. Haha. Hindi lang ako makapagblog dahil sa PC namin na anung ichurang screen to? Huwaaaahh! Haha. Pero kapag tinatapik mo siya, tumitino ulit. Hayy, kailangan lang niya ng ‘loving touch‘ ni Gudang. Mukha mo nmaaaaannn! Haha.

I got my grades. Nakuha ko na yung Grade Slip sa School. Pero pareho lang, ito yung sa Online:

Gudang's 1st Year 2nd Sem Grades

Gudang's 1st Year 2nd Sem Grades

Hmm. That’s It. And here’s what those Subject Codes stands for:

ACT 1J51: Basic Principles of Accounting
CHEM A: General Chemistry
ENG 1: English 1
FIN 1J51: Basic Finance
LEM 1J02: Law on Obligations and Contracts
PE 2: Physical Education 2
PSY 1: General Psychology

I can’t say if I’m happy. Tumaob talaga ang Psy at Finance ko. Haha. 3 is the Passing Grade. Siyempre, it does not to do with my grades. Love your own grade. Gawa mo yan eh!

Sana lang kasi lahat na lang kami pwedeng magQualifying Exam. Hindi kasi masaya kung ‘ikaw’ lang at si ‘Quali’. Sana wala na lang naka-5.00 sa Accounting or kaya sa Law para sakali naman makapagQuali kaming lahat. I can take the Quali. Sana lang, ‘lahat’ na lang kami.

Hindi ko alam kung dapat bang maging masaya sa mga results. Oh well, bbye 2ndsem. Bbye 1st Year College. Ang gusto ko lang naman ay ‘mayakap ka‘. Joke! Hala. Anu yun?! May nasamang iba. Haha.

Ang gusto ko lang naman ay yung lahat kami makapasok sa BSA. Kasi BS Int Audit kami ngayon. At kailangan ng Qualifying Exam para maging BSA. (Accountancy) Haayy, ‘life is a maze‘. Angas no! Haayy! Anu ba yan.

Gusto kong umalis. Gusto kong pumunta sa malayo. Gusto kong magbakasyon muna. (YAY!) Kaso tinatamad ako. Yun lang. :| Hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko. Natatae ata ako. WAHAHAHAHA! Joke. Hayy.

“You can have anything you want
if you’re willing to sacrifice everything you have.
Nothing goes without a price.
So before you get in the battle,
decide how much you’re willing to lose.”

By the way, Papa saw my grades already and said that the ‘2.25′ there should be the lowest grade i should have– ever. Wait, let’s pause. IYAK MUNA TAYO. Huhuhuhuhuhu :(( Ayun. Okay na. Posible ba naman ba yun? Halimaw lang! Hala.

Hmm. I think, that’s that. I don’t have anything to say na. MagPRAY na lang tayo na sana, na sana lang talaga, makapasa ang lahat ng magteTake ng Qualifying Exam sa March 30. “Mahirap” daw eh. 4 nga lang daw nakapasa ng Quali last sem. Sabagay, “No one ever said that there’s an easy way.” nga eh, di ba. Haaayyy talaga. Nakakaubos ng lakas. (OMG!) Haha. Kakaisip! Ano ba yan.

Kailangang maging optimistic ngayon, sobrang kailangan yun. Let the negatives vanish and let the positives conquer everything. Walang masama kung susubukan. May masama kung hindi susubukan. Huwag matakot sa hindi pa makita. Nobody can predict the future. It’s pointless to fear the unknown. “You can’t win on everything but you can TRY.” OKay na yun! :D Try lang naman. Kaya try lang ng try hanggang sa mamatay. Joke. HAHA. :D Puro joke! Tapon na! Haha. Lintek.

Mag-aral na lang tayo mabuti. OO. Tayong lahat. :D Hehe. Sana March 27 na. Gusto ko na makita si Sir Anthony pati ang Chamber Babies. Lumaktaw na at FREEZE NA LANG!! :D Congratulations Graduates! :D

goodnights! :)

“I am just a little girl
Lost in the moment
I’m so scared
But I don’t show it
I can’t figure it out
It’s bringing me down
I know
I’ve got to let it go
And just enjoy the show

h1

let’s kill the time; YEAH!

Marso 19, 2009

Nagstart na ang ‘bakasyon‘ kuno ko. Hindi ko ma-feel. Naba-bother ako sa mga results ng mga kalokohan kong grades. Kinakabahan ako. AMP. Tama na nga yan.

Maaga pala ang vacation ko compared sa iba. Pero vacation kunwari lang naman dahil next week, magstart uli akong pumasok. Start na kasi ng review para sa Qualifying Exam ng BSA. That stands for Bachelor of Science in Accountancy. As all we know, IA pa lang kasi ako. Internal Auditing yun. Ayun. Daming abbreviations. Wishawish ko lang na pumasa kaming lahat sa Quali. HIndi kasi masaya kapag ikaw lang at si tagumpay, ‘di ba? Haha. Sabi ni Bob Ong yun eh!

Nasabi ko dun sa previous entry ko na itatackle ko yung Reci issues. Haha. Anu ba kasi yung Reci na yun?! Mga Recitations yun. Wala lang, naalala ko lang. Mga recitation days sa school.

Maraming iba’t ibang klaseng ‘reciter‘ sa school. At ilan ata sa types na yun, nagampanan ko na:

BAKAW – Wala akong maisip na term diyan kundi yun, BAKAWWWW!! Ito yung minsan nakakaasar na estudyante kasi recite ng recite. Lahat ng tanong ng teacher, sinasagot niya. Kahit nagtanong lang yung teacher na: “Sinong may scissors?” Kahit walang scissors si Bakaw, sasagot pa din siya with effort at sasabihing, “Wala po.” Amf. Ang tanong kasi, sinong meron?! Haha. Sila yung mga estudyanteng hindi marunong maawa sa mga kapwa nilang estudyanteng hindi pa nakakapagrecite. Hindi matatapos ang klase na hindi sila nakapagrecite, yun nga eh dahil sa Bakaw sila. Karaniwang mga Academic Monster kasi sila. *RAWR!*

SEASONAL – Dito ata ako napabilang pagdating ko ng HS. Minsan active, minsan hindi. Seasonal lang kasi. Kapag ‘trip’, magrerecite. At siyempre, ‘pag wala sa mood, hindi na.

PLASTIC – Ayan. Naging ganyan din ako. Naaalala ko kapag Economics namin nung HS. Ganyan ako. Kunwari ‘badtrip’ para kung sakaling makita ni Sir, parang makiki-compensate siya. Pero wala lang yun! Badtrip-badtripan ko lang yun! Haha. Ewan ko ba. Kasi ang hirap ng mga tanong sa Economics, eh kahit naman anong gawin ko hindi ko maintindihan. Eh anong pake ko kung kapag mababa ang supply, mataas ang demand?! Diba. At hanggang ngayon, naguguluhan pa din ako sa Law on Supply and Demand. Ewan. Tapos meron pang times na nagpapadrawing ng graph sa board, OH-NO-NESS talaga. Pero gumagana ang ‘badtrip kunwari’ tactic! I swear! ;p

ASA – Ayan. Naging ganito din ako. Umaasa sa katabi ko o minsan, long distance help pa. With the eyes and read-my-lips help, nakakasalba naman. Minsan naman, itong mga ‘Asa’ nakakainis. Kasi teka, basahin mo yung nasa baba.

ASAHAN – Ito ang kapartner ni Asa. At naranasan ko din ‘to. Nakakainis si Asa kasi tumutulong ka na nga, at sobrang nag-effort ka para lang matulungan si Asa, pero datapwat sapagkat subalit, hindi ka nakatulong kay Asa. Pwedeng hindi ka niya naintindihan dahil sinadya mong hindi ka niya maintindihan, o kaya naman sadyang mahina lang maka-pick up si Asa. Pero kahit ano pang dahilan nang hindi mo pagkatulong kay Asa, sisisihin ka pa niya. Ahwts. Yun eh.

ULTRAELECTROMAGNETIC ASAHAN - Kailangan may ganyan. Dahil naging ganyan ako. Yung ultimo sasabihin ng katabi mo, isusulat mo sa papel, para lang yun na nga ang i-rerecite niya. ‘Pag may follow up question si Teacher, dapat handa ka din, dahil sayo din hihingi ng tulong si Asa. Binigay mo na yung kaliwa mong kamay, ang gusto niya, pati yung kanan pa!

PAASA – Subperson under Asahan. Kunwari lang gustong tumulong para lang masabing tumutulong, pero hindi naman niya talaga intended tumulong! Hayy nako!!

TRIP LANG – Madalas akong ganito. Pag ‘trip lang’, talagang dun lang magrerecite. Magkaiba sila ni Seasonal, dahil si Trip Lang, gusto niyang magrecite para makabasag ng katahimikan. Agaw-eksena. Haha! Ayaw mong maging COA which stands for Center of Attention, pero sadyang gusto mo lang mambasag ng katahimikan.

PARA LANG – Ayan. Ganito din ako. ‘Para lang’. May kasunod kasi yan. ‘Para lang’ masabi na nagrecite ka. ‘Para lang’ kahit paano nakita ka ni Prof na nagrecite. ‘Para lang’ hindi malagay sa recitation mong “not-at-all”. Haha!

BWISET! – Kaya ganyan name nila eh kasi nakakairita naman nga sila. Para silang si Bakaw. Pero hindi eh, si Bakaw kasi, may sense pa minsan magrecite. Eh itong si Bwiset. Wala. Walang pag-asa. Parang tinanong siya kung 1 or 2, ang sasabihin sayo, green! AMF. May kahalintulad sila ni Para Lang. Pero si Para Lang, isasalba niya grade niya. Si Bwiset! Ewan ko! Bwiset siya!

LAKBAY DIWA – Narinig ko yang term na yan noong 1st Year HighSchool ako. LDS pa nga ang tawag diyan ni Sir Filipino, which stands for Lakbay Diwa sa Seton. (Seton aka Elizabeth Seton School) Sila yung mga taong wala, lakbay diwa nga eh. Edi lumilipad yung utak habang nagdidiscuss si Sir. At kapag natawag, ayun, hala, lakbay diwa nga eh!

KAMOT – Ayan. May klasmeyt akong ganyan nung HS eh. Si Kamot. Kamot ng ulo. Kahit hindi naman makati. Hehe. Okay naman sila, mababait. Pero kapag natawag, hala si Kamot, kamot ng kamot. Baka magkapantal eh. Haha! Magsugat pa yan!

SWERTE – Siyempre, meron ring swerte. Yun bang Recitation na hindi naman tumatawag yung teacher sa mga nakataas yung kamay. Kundi dun sa mga nakaupo, pero SWERTE dahil nga sa ang mga tanong, parang 1+1 lang.

MALAS – At kung may Swerte, may Malas. Siyempre, sa kanila naman tinadhana ang super kaduper out-of-this-world questions. Nakakainis pa diyan, alam mo naman yung sagot sa ibang tanong ni Teacher, yun nga lang, MALAS KA NGA EH!! Hindi pwede sayo yun, dun ka dapat sa hindi mo alam!

EWAN – Sila yung madalas na Swerte, pero yun nga eh. Ang nakakapanggigil eh, sila yung madalas hindi makasagot. 1+1 na nga, ang sinagot pa 4. Amf. Binigay na lahat ng clues, wala pa din. Nakakaiyak naman! Ito yung magtataka ka na lang kung bakit pa sila pinanganak, haaayy.

HANEPKahit anong itanong sakanya, alam niya! Kaya nga HANEEEEPPP eh!

May kulang pa ba? Sa 11 years kong nasa eskwelahan, at nakikipagsapalaran sa mga nakakakabang reci days,  yan ang mga nakilala kong iba’t ibang uri ng Reciter. Hehe. :D

Eh nasaan ka diyan?!

h1

pahinga ang utak..

Marso 18, 2009

Makakapagpahinga na rin ang utak ko sa wakas. Ilang araw na akong walang normal na tulog. Abnormal na ang tulog ni Gudang. Matagal na rin namang abnormal ang tulog ko dahil Insomniac ako. Pero ibang klase yung ginawa ko this past few days. Tulog ako ng mga 8PM at i-aalarm ko ang phone ko ng 12AM. Pagsapit ng 12AM, aral ako, todo-aral hanggang alas quatro. 5AM gising na ko para pumasok sa school. HANEP! At sa wakas, hindi ko na ulit gagawin ang ganoong routine!!!! :D Graduate na ko…. pansamantala.

At matapos kong gawin ang lahat ng suicide na yan, for 2 consecutive days, ginawa ko yan. ONLY TO FIND OUT, i failed the Final Departmental Exam in Law I. In Law on Obligations and Contracts. Iyak tayo. Huhuhu. Isa lang nakapasa sa section namin, si Rya lang. Congrats! :D Tapos sa over-all, anak ng tinapay! 3 lang ang pumasa! Hahaha. Kamusta naman. Atlis may nakapasa sa section namin! Isa! Yun lang. ;p Pero may pag-asa pa, dahil hindi naman iyon ang Final Grade, yun yung Final Exam. Ipagdasal na lang natin na isa ako sa sinasabi nilang 15 lang na nakapasa sa Final Grade sa Law. Huhuhu. :( Hintayin natin ang Accounting!

Hala. At kamusta naman ang mundo?! BREAK NAAAAAAA!!! Sa wakas, pansamantalang mapapahinga yung utak ko. Haha. Dapat nga matutulog muna ako eh. Pero sobrang nilalangaw na at nagungulekta na ng alikabok ang kawawa’t dukha kong blog. OAAAAA!!! Hahaha. Mayaman ang blog ko! Haha.

At sa mga bumati pala sa aking BFF Dianne dahil nag18 na siya, binati kasi ng ib sa inyo ang bestfriend ko, so ayun, para may ipalaman ako kahit konti sa blog ko, pinagawa ko yung kaibigan ko ng message para sa inyo. Walangya daw kayo! Haha. JOKE LANG! :D Eto:

Thank you pala sa mga bumati, kahit hindi niyo ko kilala bumati pa din kayo,ü super thank you..Nakakaiyak..Hehe joke.. Thank you ü

- Dayang

At malulunod ka sa dami ng ‘thank you‘ sa message. Meron pang ‘super thank you‘. Oha oha! San ka pa! Waaapaaaaakkk! Malupit eh. 18 na kasi siya. Haha. At nakatapos na naman ako ng bagong libro. Pangalawang libro ko, na ibinigay ko nga kay BFF. Wuhooo! Kung mayaman lang ako, ipina-publish ko sana yun. Kaso hindi rin, dahil super secrets pala laman nun. Hehe.

Masaya. Masaya. Masaya. Masaya. Masaya. Masaya. Masaya. Masaya. Masaya. Masaya. Masaya. Masaya. Masaya.Masaya. Masaya. Masaya. Masaya. Masaya. Masaya. Masaya. Masaya. Masaya. Masaya. Masaya. Basta Masaya si Gudang dahil makakapagpahinga na siya. Hehe. Rest in Peace. :D

Saka ko na lang i-tatackle ang Reci issue ko. Haha. Uyy. Anu yung ‘Reci’? Hahaha. Ma-curious ka! ;p bleh!

PS: Hindi ko kayang pumuntang MOA. Hindi literal, HUH? Pano yun. Niyayaya kasi ako na magMOA, kaso ayaw ko. Kasi maalala ko lang yung FACT na hindi ako nakapunta sa The Final Set ng Eraserheads. Bitter amp. Haha. :D

goodnight!

h1

HAPPY BIRTHDAY, BFF! :D

Marso 12, 2009

Ang tagal ko na namang hindi nagBlog, ang dami na namang nakamiss sakin, HAHA. Asa naman. :D

ONE DOWN! Hooorrrraaaaaayyy! Hmm. Sa wakas, nakatapos na naman ako ng isang Departmental Exam, Finals Week na namin, hell week as what we call it during HS. Tapos na kami sa Finals sa English, ang haba naman nun! Tapos puro Paragraphs, yung iba ang labo pa! Hindi ko alam kung ano ba ang dapat mauna? Add nutrients to the soil or Set out the plants? Kailangan kasi yung tamang order noon para makagawa ka ng Process Paragraph. Ayyy!! Hinayupak! Naalala ko lang, inuna ko pala yung ‘Water’. Nako nako. Ang bugaks. Hindi ko pa pala nalalalagay yung plants, may water na kaagad, anu naman kayang diniligan! Ay Gudang! Buti hindi ako nagForestry!

Last meeting na namin sa Acctg. Haneeeepp! Nararamdaman ko nang malapit na ko mag2nd Year. Haha. Pero dapat makapasa kami ng Qualifying Exam, T_T. YUN LANG! :( Haha.

Hindi ko mapapahaba ‘tong post na ‘to. Mag-aaral pa ako (haneeeepp! wala ng side comments!!!) sa Chem eh. Kahit lolokohin ko lang sarili ko kakaintindi kung dipole ba yun o H-bond o bipolar. Ay ewan. Wala naman kasing kaugnayan yun sa Acctg kahit bali-baliktarin ko yung mundo eh! Kaya nga ako nag-Accountancy para makaiwas sa mga Science-related na subjects eh, tapos hindi pala ako tatantanan nun. Lintek na kapag nagkaPhysics pa kami. Tiba tiba na. Huminto na sa pag-aaral! Joke. :D

March 12 ngayon. Batiin natin ang BFF ko, haha. Ang BestFriendForever ni Gladys at ni Gudang, si Dayang!! :D Ang Queen of Viruses. Sorrreeeeeee!

HAPPY 18th BIRTHDAY,
DIANNE MARGARET REYES CRUZ! :D

Amf, dalaga na. Haha. Ako 1 year pa eh. Haha. Daya, hindi ako unang nakabati. Eggzayted kasi eh! Binati ko siya nung 12AM ng March 11. Bugaks! Haha. Napaaga. ;p Tamo, special ka pa, at naisama kita sa blog ko. Hehe!

Oh well, aral na ko. *woooooottt!*

goodnights.
TCCICILY! :D

h1

ako, oo. kaso, ayaw.

Marso 5, 2009

Ayan. Hindi ako procrastinator ngayon. Magbblog ako. At medyo may sense ‘to. Watch it. Nako. Haha. [pag ako na may sabi na may sense, walang naniniwala]

Gusto mo bang sumama?
AKO, OO! KASO, AYAW!

Amf. Ayan ang isa sa lines ng kantang Alapaap ng Eraserheads. At parang yan din ata yung tagline sa The Final Set ng Eheads Concert. :(

I can’t help but nag about it. [naks, dating Gladys lang!] Gusto ko talagang pumunta dun, but for some million [haha, kulet! some tas million!] reasons, i really can’t.

Napanuod ko sa 24 Oras kanina. Binalita kasi na tapos na daw yung ‘final rehearsal‘ para dun sa Concert na gaganapin sa MOA. At nakita ako ni Doctor Ida na nanunuod at tutok sa TV.

Doc: Gusto mo manuod?
Gudang: Kahit naman gusto ko, hindi pwede.
Doc: Bakit? Magkano ba ticket?
Gudang: Nasa P3000.
Doc: Mahal naman.
Gudang: Pero merong P300.
Doc: P300? Eh ang layo mo na nun.
Gudang: Onga eh.
Doc: Gusto mo nga manuod?
Gudang: Kahit naman gustung-gusto ko, hindi pwede.
Doc: Pero sayang yan, last na yan.
Gudang: Ewan ko. Hahaha…

Parang gusto kong tanungin sa Ate ko kanina, Hmm.. Babayaran mo ba ang ticket ko?? Ililibre mo ba ko? HMPFT!

Wala lang. Nararamdaman kong ililibre na talaga ako ng Ate ko, kasi alam niya, mapapasaya ako ng Concert na yun. Kaso marami ngang dahilan kung bakit hindi ako pwede pumunta.

Kung gusto, maraming paraan.
Kung ayaw, maraming dahilan
.”

Eh litse. Amf tigilan! Gustung-gustung-gustung-gustung-gustung-gustung-gustung-gustung-gustung-gustung-gustung-gustung-GUSTO ko talaga. Oh kitams, sobrang gusto na yan! Kaso nga lang, kahit totoo yang quote na yan, EH SA GANUN EH. Hanep!

Marami-rami na ngang nagyaya sakin na pumunta sa Concert na yun eh. Ewan ko, pero yung mga unang nagyaya sakin, sabi ko, oo! Haha. Kasi nung 1st Concert, hindi ako pumunta. Tapos etong mga bandang huli na, back out na ko. May part sakin na hinihila ako at ‘ayaw ko na’ bigla. Creepy, eh?

Wala akong magagawa kundi tanggapin na hindi ako makakapunta sa Concert, kahit oo, last na nila yun. *crossing her fingers* Magigi na kong Julie Tearjerky na ‘to eh. Wala akong magagawa kundi mainggit sa ibang may chance na makakanuod. Wala akong magagawa kundi bumili na lang ng mga cd at dvd, take note, yung ORIG siyempre, mayaman ako eh. [kung mayaman ka, dapat hindi ka in-delay sa bayad ng internet, bugaks!] Bwahahahaha. Joke. Basta yung orig bibilhin ko para tumagal naman. Wala akong magagawa… ooppss. Dami ko na palang magagawa, bokter ko na. Hahaha..

Sabi ko na nga ba eh, [kahit wala naman akong sinabi], kasi iniisip ko na hindi ko ibblog yung tungkol dito sa ka-bitter-an ko at hindi ako makakapunta sa Concert. Sayang. Oo na! Alam ko na, sayang nga. MALAKING SAYANG yun. Pero ganun talaga.

Everything happens for a reason. Wanep! Tamang banat ng mga bitter, haha. Bitter nga. Pagbigyan si Gudang. :D 1st time ko sanang makikita at maririnig ang apat na ‘to, as in a band. Bata pa kasi ako nung sikat na sikat sila, pero aware ako na nag-eexist sila. Dahil yan ang mga kinakanta ko sa videoke, i mean yung mga kanta nila. Haha. Bangangers!

1st time ko sanang makikita si Buddy Zabala at Marcus Adoro. 2nd time ko sanang makikita si Raimund Marasigan. At lastly, 3rd time ko sanang makikita si Papa Ely Buendia. 3rd para ‘i-love-you!’ Ngeeekk Gudang! Haha. Pero 3rd time na talaga. Swear. Haha. Hindi talaga matutupad yung mga ’sana’ na yun eh. YUN LANG!

the Eraserheads

the Eraserheads

Lalalalalooooveeessss. <3
Sana may next time pa. :D
At hindi na naman ako makakapunta?!
Haneeeepp!

Goodnights!
Bbye Blog, Hello Special Journals!
LOOOVEEESS! <3

h1

joyrides [sumpa ni jex]

Marso 4, 2009

Ang entry na ito ay napakabigat sa loob kong gawin. OA?! Haha. Sa mga hindi nakakaalam kung sino si Jex, isa siyang blogger, blogger na  nagpasa sa akin ng sumpa ng TAG. At kung hindi mo alam kung ano ang ‘TAG‘, press alt+F4 then Enter! Haha. Sama mo talaga Gudang. Eh sa hindi ko ma-explain eh! Haha. Sorry naman. Hoy Joan at Ralph!

Gudang – Pst! gawin ang TAG wag mo sabihin sakin na nag teteleport kalang sa inyo o kaya nag kakagibushing teknik gaya ni naruto :D
- galing sa blog ni Jex

So obviously, ang topic ng sumpa ay ang ‘rides‘. Sa totoo lang, wala akong maisip na pwedeng i-tackle, pero sige ito, naisip ko.

3195116317_ea856714ba1 Ang mga joyrides nung 4th Year kasama ko ang bestfriend kong si Dianne kapag pauwi, nasakay kami ng jeep. Lagi na lang joyride ang mga jeep na nasasakyan namin, parang kinukuha yung kaluluwa sa katawan mo, at maibabalik lang sa’yo kapag makakababa ka na. Naalala ko pa si Dianne, nang pasakay kami ng jeep one time, nauna akong sumakay, tapos biglang pinaandar ng kaskasero yung jeep niya, naiwan si Dianne at hindi siya nakasakay. Aww. :( [Nababasa mo ba 'to ha?! Haha!] Nakakatawa nga yun eh, kasi naiwan ko siya. Haha.

1476172290_61ff0e4571Meron ring yung scenario sa bus. Papunta kami ng mga kaibigan ko sa MOA nun, at magbabayad na kami, nasa bandang Buendia na kami, nang biglang sabi ng konduktor: “So, how much?” HANEEEEEPPP si Kuya! Nagulo ang buhay naming lahat nang english-in kami ni Kuya. Nagkatinginan kami. Taob kaming lahat, pero si Donna, amf, hindi nagpatalo, pinatulan! in-english din si Kuya, at tumaob pabalik si Kuya. Hindi niya siguro kinaya. :D Apir! Nga pala, try mong sumakay sa bus na Erjohn & Almark, cool ng ticket nila! :D

Araw-araw, sumasakay ako ng FX, hindi naman araw-araw, tuwing may pasok ako ngayong College, nasakay ako ng FX papuntang Lawton, pero bababa ako sa City Hall. At ang mga remarkable rides ay parating kapag pauwi ako. Dun kasi nangyayari ang mga hindi inaasahan, fortuitous event kung sa law. Makikita mo yung katabi mo, hindi mo naman sinasadya makita at wini-wish mo na sana nga hindi mo na lang nakita, pero huli na, nakita mo siya: nakanganga. Ahmm! Mabuti na lang hindi napapasukan ng langaw yun. Hayy, kahit awang-awa ako sakanilang mga nakanganga, mas nagingibabaw ang pagka-devil ko, kaya tatawa na lang ako ng tahimik. Buti nga napipigilan kong tumawa ng malakas eh, yung napapangiti na lang ako. :) Ganun ako ka-considerate. Baka nga naman pagod sila.

At meron din naman yung mga hindi maiwasan, mapa-babae o mapa-lalaki o mapa-bakla o mapa ng Pilipinas, yung bigla na lang napapasandal sa’yo, ampotek, minsan sarap nilang sikuhin, pero considerate nga ako eh, gumagalaw na lang ako nang pa-halata para magising sila at umayos sila. Actions speak louder than words. Nagsusumigaw ang mga kilos ko na: “UTANG NA LOOB, ang BIGAAAAAT MO!” Pero siyempre, dahil mabait ako, hindi ko sinasabi sa kanila yun. :D

Meron rin namang PINAKA-hindi ko makakalimutan na joyride sa FX nang papasok ako ng school. December-ish na nung mga panahong yun. Na-i-blog ko na ‘to dati, ito ang excerpt mula sa blog na yun:

edi hinatid na ko sa Verdant, tas andun na ko, sumakay ako ng FX, pero colorum na FX, tama ba spelling? basta yung illegal na FX. edi ayun. ang binigay sakin ni Mama na baon, P500. wala daw kasi siyang barya. eh ang usual kong baon is P300 lang. edi ayun, okay naman. nasa bulsa ko yung P500, yun ang binayad ko sa FX.

AKO: Ma, bayad ho. (abot ng P500)
MANONG: Wala kang barya?
AKO: Wala po eh.

at dahil sa sarili kong KATAMARAN, sinabi kong “Wala po eh” na kahit meron talaga akong barya sa coin purse ko. kasi naman, nasa back pack ko yung coin purse ko, eh kukunin ko pa ba? kung meron naman silang magagawa para dun?

nasa may tollgate na yung FX nang malaman kong may nag-aaway sa mundo. yung tollgate girl at yung driver ng FX, may naririnig pa ko kay Manong FX na, “Eh wala nga eh, anung magagawa ko?!”. barya ata yung tinutukoy nila. eh ayun si tollgate girl nagagalit din. alamat ng barya, kung sa tutuusin, sakin nagsimula yung LQ nila. haayy, sorry naman.

MANONG: Sukli mo MIss oh. (abot ng plastic na naliligo sa P5 coin)
yung LALAKING KATABI KO: Miss, sukli mo daw. (natatawa siya at inabot sakin yung plastic)
AKO: Ahh, okay. (natatawa din ako)
yung LALAKING KATABI KO: Okay lang yan Miss, tinatanggap naman yan sa Canteen ng FEU eh. (taga-FEU rin pala siya)
AKO: *tawa ng mahina*
yung LALAKING KATAPAT KO: Ipunin mo na lang yan para sa Pasko, malapit na naman eh. (tawa siya ng mahina)
AKO: *ngiti lang* habang nagbibilang ng P5 coins kung tama ba yun.

nagbilang na lang ako ng P5 coins na yun, 400+ din yun! aabutin naman ako ng siyam siyam dun eh! at nang mawala ako sa bilang, hindi ko na tinuloy at sa pagdating ko sa room…

SOURCE: http://gladyspillbox.wordpress.com/2008/12/04/hindi-naman-iiyak-ang-buong-mundo-para-sa-isang-tao-lang/

Laughtrip. May moral lesson no? At dun ko na tatapusin ang sumpa ni Jex. Hindi na ako mangtaTAG, wait, kailangan ba? Oh well, whether it’s necessary or not, i won’t tag anyone anymore. Why? TRIP MEHN! :D Haha. At kayo, Ralph at Joan, haha, loko talaga kayo. HMPFT!  Haha. Teka matutulog muna ko, 3AM ako natulog kanina! OH-ness. :D Haha. Goodnights!

PEACE :)

“And though we both made our mistakes
And some we never wish we made
But we’ll be okay if we just stay together.”
: Together – Ne-yo

h1

hero’s comeback!

Marso 2, 2009

Isa munang malupit na  tawa mula kay Gudang: BWAHAHAHAHAHAHAHAHA! Sa wakas, at long last, bumalik na ang Internet Connection namin, nako nako, sinira nito ang buhay ko sa pagba-blog. At nakakasurprise, nakakatouch, nakakasira ng ulo, at lahat na ng pwedeng ma-feel, dahil may mga nagtiyaga pa din palang basahin ang blog ko, at take note! nagcomment pa, talaga nga naman oh, pa-HUG nga! *huuuuuuugggggssss!* ayan. Pink pa yan, kikay na hug. Sana na-feel mo. Haha.

Bukod sa kasiyahang nadulot ng pagbalik ng Internet Connection ko dahil nakakapagblog na ulit ako, talaga nga namang nakakatuwa na parang naiiyak na ko dahil nabasa ko na ang latest ng Naruto sa onemanga.com, ang Chapter 437. Mabuti naman at nasabi na ni Hinata kay Naruto ko na mahal niya si Naruto ko, taken na si Naruto ko, by me, YUN LANG. :D Haha.

*Hoy Dianne! Bestfriend kong hayup na adik kung mangbarbera, ayusin mo buhay mo! Kita mo, special mention ka pa! Apir!*

Ano bang makkwento ko? Actually, matagal kong in-anticipate tong pagkakataong makapagblog, only to find out na tinag pala ako ni jex may sapak, de loko lang, ni jex sah’pahk. At napansin kong about sa mga ‘broom broom’ ang tag na yun, hindi ko pa ma-compose ang sarili ko dahil may hang over pa ko, kaya siguro, pag-iisipan ko muna ng ilang araw ang ilalagay ko dun kaya ayun, The World is an Apple! [ANO?!]

Nakita ko nga pala kahapon si Andrew, aww. Sino yun? Hindi ko din alam eh. Haha, loko lang. Si Andrew ay ang GradeSchool Classmate ko. Lagi kong kasama yun nung Gradeschool ako, nagtataka nga sila kung bakit daw yung batang yun eh hindi kasama ang mga lalaki talaga sa klase namin, siguro kasi, ayun, gets mo na? Madalas kami ding mapagalitan ng mga teachers namin nung Gradeschool dahil kapag tumawa kami, TAWA talaga, hayup kasi magpatawa yun. Hindi ko nga malaman kung bakit magmula pa noon, madalas na kong mapagalitan dahil tawa ako ng tawa. Bakit? Krimen ba yun? Masama na maging masaya? Hahahahaha. Sige, mag-emo ka! Hahaha!

At nakita ko nga siya kahapon sa Sinangag Express, what a co-incidence?! Bilog talaga ang mundo. Ay este, ang liit talaga ng mundo. Kasama ko sina Dianne at Rojan kahapon, siyempre kumakain kami dun. Tapos may nagsabi: “Ahh Hi Gladys!“. At siya na nga yun, cute niya, naka-pink siya, kasama niya yung kaibigan niyang guy na naka-pink din. YAY! Kikay!

At speaking of Gradeschool, may natatandaan din akong part ng Gradeschool ko na feeling ko, dun nagstart yung trabaho ko na gawing miserable ang buhay ng mga taong nasa paligid ko.

Grade 2. Dismissal. I had my first ever bestfriend, her name is Kristine. Nung Gradeschool, uso ang takbuhan, laro particularly ang *tenen!* AGAW-BASE ‘pag uwian. Naalala ko pa nga si June Aldine na nadapa tas biglang-tayo tas tawa, HAHAHAHA, naalala ko yung mukha niya, hanep, onga naman, para hindi mapahiya. Since tumawa naman siya nun, tumawa na din ako.

At hindi naman yun ang kwento talaga, ano ba yan, nakakalito ka naman magkwento Gudang! Ito kasi yun, since uso ang laro, nauso din ang asaran, particularly: ang PIKUNAN. Nag-aasaran kami ni Jerome nun, at siyempre kakampi ko si Kristine. Napipikon na kami nun, kasi mag-isa lang siya, pero kaya niya kami. Kaya nung nagkaroon ng pagkakataong makabwelo, bumwelo na kami!

Umalis saglit si Jerome, ang ginawa namin? Tinago namin yung de-gulong niyang bag sa likod ng Punong matangkad, yung parang Pine Tree? At umuwi na kami.

Kinabukasan, pumasok si Jerome ng walang bag. Sobrang nakakakunsiyensiya kapag naaalala ko yun. Balita ko, napagalitan daw siya ng school service niya nun, hinanap kasi nila at hindi nila mahanap. Tinuro naman namin ni Kristine kung nasaan yung bag pero hindi ko na matandaan kung may follow-up fight pa na nangyari noon.

Moral Lesson: Talaga nga naman ang sinaunang ka-demonyo-han oh. Naalala ko pa yun, ang galing ko! Dapat magapasalamat pa sakin yung klasmeyt ko na yun, dahil sikat na siya, dahil na-publish siya sa buong mundo. Ahahahaha. Pero wala na din naman akong magagawa para maitama ang lahat nga kamalian, dahil tapos na. Ang importante, na-realize kong mali yun, pero nasiyahan ako! YAHOO! Walang kwentang moral lesson!

Welcome ME back!
PEACE OUT AND MORE LOVE! ♥♥