
hero’s comeback!
Marso 2, 2009Isa munang malupit na tawa mula kay Gudang: BWAHAHAHAHAHAHAHAHA! Sa wakas, at long last, bumalik na ang Internet Connection namin, nako nako, sinira nito ang buhay ko sa pagba-blog. At nakakasurprise, nakakatouch, nakakasira ng ulo, at lahat na ng pwedeng ma-feel, dahil may mga nagtiyaga pa din palang basahin ang blog ko, at take note! nagcomment pa, talaga nga naman oh, pa-HUG nga! *huuuuuuugggggssss!* ayan. Pink pa yan, kikay na hug. Sana na-feel mo. Haha.
Bukod sa kasiyahang nadulot ng pagbalik ng Internet Connection ko dahil nakakapagblog na ulit ako, talaga nga namang nakakatuwa na parang naiiyak na ko dahil nabasa ko na ang latest ng Naruto sa onemanga.com, ang Chapter 437. Mabuti naman at nasabi na ni Hinata kay Naruto ko na mahal niya si Naruto ko, taken na si Naruto ko, by me, YUN LANG. :D Haha.
*Hoy Dianne! Bestfriend kong hayup na adik kung mangbarbera, ayusin mo buhay mo! Kita mo, special mention ka pa! Apir!*
Ano bang makkwento ko? Actually, matagal kong in-anticipate tong pagkakataong makapagblog, only to find out na tinag pala ako ni jex may sapak, de loko lang, ni jex sah’pahk. At napansin kong about sa mga ‘broom broom’ ang tag na yun, hindi ko pa ma-compose ang sarili ko dahil may hang over pa ko, kaya siguro, pag-iisipan ko muna ng ilang araw ang ilalagay ko dun kaya ayun, The World is an Apple! [ANO?!]
Nakita ko nga pala kahapon si Andrew, aww. Sino yun? Hindi ko din alam eh. Haha, loko lang. Si Andrew ay ang GradeSchool Classmate ko. Lagi kong kasama yun nung Gradeschool ako, nagtataka nga sila kung bakit daw yung batang yun eh hindi kasama ang mga lalaki talaga sa klase namin, siguro kasi, ayun, gets mo na? Madalas kami ding mapagalitan ng mga teachers namin nung Gradeschool dahil kapag tumawa kami, TAWA talaga, hayup kasi magpatawa yun. Hindi ko nga malaman kung bakit magmula pa noon, madalas na kong mapagalitan dahil tawa ako ng tawa. Bakit? Krimen ba yun? Masama na maging masaya? Hahahahaha. Sige, mag-emo ka! Hahaha!
At nakita ko nga siya kahapon sa Sinangag Express, what a co-incidence?! Bilog talaga ang mundo. Ay este, ang liit talaga ng mundo. Kasama ko sina Dianne at Rojan kahapon, siyempre kumakain kami dun. Tapos may nagsabi: “Ahh Hi Gladys!“. At siya na nga yun, cute niya, naka-pink siya, kasama niya yung kaibigan niyang guy na naka-pink din. YAY! Kikay!
At speaking of Gradeschool, may natatandaan din akong part ng Gradeschool ko na feeling ko, dun nagstart yung trabaho ko na gawing miserable ang buhay ng mga taong nasa paligid ko.
Grade 2. Dismissal. I had my first ever bestfriend, her name is Kristine. Nung Gradeschool, uso ang takbuhan, laro particularly ang *tenen!* AGAW-BASE ‘pag uwian. Naalala ko pa nga si June Aldine na nadapa tas biglang-tayo tas tawa, HAHAHAHA, naalala ko yung mukha niya, hanep, onga naman, para hindi mapahiya. Since tumawa naman siya nun, tumawa na din ako.
At hindi naman yun ang kwento talaga, ano ba yan, nakakalito ka naman magkwento Gudang! Ito kasi yun, since uso ang laro, nauso din ang asaran, particularly: ang PIKUNAN. Nag-aasaran kami ni Jerome nun, at siyempre kakampi ko si Kristine. Napipikon na kami nun, kasi mag-isa lang siya, pero kaya niya kami. Kaya nung nagkaroon ng pagkakataong makabwelo, bumwelo na kami!
Umalis saglit si Jerome, ang ginawa namin? Tinago namin yung de-gulong niyang bag sa likod ng Punong matangkad, yung parang Pine Tree? At umuwi na kami.
Kinabukasan, pumasok si Jerome ng walang bag. Sobrang nakakakunsiyensiya kapag naaalala ko yun. Balita ko, napagalitan daw siya ng school service niya nun, hinanap kasi nila at hindi nila mahanap. Tinuro naman namin ni Kristine kung nasaan yung bag pero hindi ko na matandaan kung may follow-up fight pa na nangyari noon.
Moral Lesson: Talaga nga naman ang sinaunang ka-demonyo-han oh. Naalala ko pa yun, ang galing ko! Dapat magapasalamat pa sakin yung klasmeyt ko na yun, dahil sikat na siya, dahil na-publish siya sa buong mundo. Ahahahaha. Pero wala na din naman akong magagawa para maitama ang lahat nga kamalian, dahil tapos na. Ang importante, na-realize kong mali yun, pero nasiyahan ako! YAHOO! Walang kwentang moral lesson!
Welcome ME back!
PEACE OUT AND MORE LOVE! ♥♥










nung grade 4 ako, sinuntok ko yung best friend ko ngayon habang nagka-class kami. ayun…nagka-black eye. hehehe…
hindi ko na-notice na hindi ka pala nakapag-blog ng sandali. uyy…may presence. hehehe… :)
kawawa naman yung classmate mo na yun! kahit pala bata ka pa eh napakapilya mo na ah!! heeh! apri tayo dyan dahil pareho tayo!! lol!! welcum sa blogsphere!!
@ pao pielago: haha, isa ka din! :D mga 1 week ata ako nawala. :D
@ cindyrella: haha, kaya nakukunxenxa ako eh.. APIR! :D salamats!
welcome back gudang! rock n roll na :)
ahaha.. salamatss!
love your post exchange links^^
http://thetoughcookie.blogpost.com
uu nga…ganda ng latest naruto episode… natouch ako kay hinata…
nakaka-inlab…aheks….
patay na ba talaga si kakashi?…wenks.. :D
welcome backk!!!
ayie. nasira pala net mo..
smart bro kaba?
waw bte kapa patuloy mo nasubaybayan
ang naruto!!!
hahaha. di ko inaasahan me
ganung part pa dun..
hehe waw seo si naruto!!
@ SuperGulaman: YAMEN! :D ganda nga po, nakakatuwa. yun pa, ngeks, di ko pa din sure, pero nararamdaman, naks.. na hindi pa. hindi pwede. hindi dapat.
@ nadine: haha, tenks. yep, smart bro. xmpre, para kay naruto ko, lahat magagawa ko. :D SAKIN TALAGA YUN, hehe.. diba Dianne?! HAHA. :D
@ the tough cookie: okay okay, sure :D thanks!
sabi nga sa commercial: “more energy mas happy kaya magCLUSIVOl.”
toinks.
may natutunan naman pala ikaw kaya ayus na iyon.
:lol:
hehe, okay na nga :D
ahahahahaha, GUDANG! eto nanaman ako! wahahahaha, apir tayo! haha, nice nman natawa ako dun sa world is an apple? anong kinalaman nun? hahahahaha..gudang..gudang..wahahahaha, natatawa ako sa iniisip ko..
tsk tsk..bad ka ha! bat mo inaaway si Jerome bestfriend ko yun, ha? di ko maintindihan pinagsasabi ko..haii gudang…ambad! haha..BULLY! ayan yan yan na nga ba sinasabi ko eh, kya ka kinakarma ngayon eh..haha, joke lang..haii.
GLAAAAAAAAAAAAAAAAAAADDDDDDDDDYYYYYYYSSSSSSSSS
JAAAAAAAAAAAANNNNNNEEEEEEE
DEEEEEEELLLLLLLLLLLAAAAAAAAAAACRUUUUUUUUUUUUZZZZZZ!!!
hahahaha..:) narinig mo ko, sumigaw ako!! hahahahaha:))
peace gudang..hehe apir! apir! apir! apir! give me 100! haha, ambaliw lang eh, nababangag ako, kng ano ano na lang nilalagay ko dito..haha
special mention ako ah, loko ka ha! hahaha, lab you bespren!!haha:)
DIAAAAAAAAAANNNE! apir! naalala mo pa ba yun? 1st yr pa tayo nun eh. Haha.
Ulox! Di mo naman kilala yun eh. Haha. knakarma ngayon, wow, juicy. wag dito, hayup! ahahaha :D ayan, sumigaw ka na naman baliw ka. apir ur peys! labyooouumoooreebespren! :D
haha ui add mu pet ko para kaibigan mga pet natin sa fb waah hehe,
ano ba yan..nag taym pers lang ako…dami ng comment…hoy Gudang ..sikat ka na ha…talaga lang…wheeeeeh buhay na naman ang blogosperyo……kinukwento nga kita sa mga e-frens ko sabi ko doon sa amin (blgos) may isang super Hero Gudang!…welcome back ate…heheheheh!
buti ka pa bumalik na internet connection..kami sa bahay wala pa rin..wahhh
alam ko ang pakiramdam ng nawawalan ng internet connection…
kaya, let’s celebrate to that!@
yipeeeee!
ahaha. galing nga ng latest ng naruto b? kaya lng patay agad si honata eh one hit lng ni pain. ahihih
tnx pala s compliment s wala kog kwentang blog. ahaha
missyu gudang ha? welcome back
@ biba: haha, suresure.
@ blurosebluguy: haha, talaga? sikat na ko? hahaha.. kaw ah, chinichismax mo ko, at super hero pa ko, tae.. ahaha :D salamat!
@ flamindevil: hehe.. nga eh, babalik din yan! :D
@ panda: yeheeeeyy! :D
@ kikilabotz: honata? sinu yun? ahaha.. joke lang.. di pa patay yun, ahaha.. muka lang.. kasi pangit naman kung patay siya kagad, parang wla xang kwenta.. ahaha.. di naman walang kwenta blog mo eh! ahaha.. e well kung ayaw mo, di wag.. ahaha.. joke :D thanks!
wow may latest na pala ulit sa mangga episode ng naruto wooot. mabasa nga rin lol. wow sa wakas nagkaroon na rin ng lakas ng loob si hinata ah. sa palagay mo sis sino ba talaga ang makakatuluyan niya sa huli si hinata o si sakura lol. wala pang latest sa anime ng naruto noh
ahahaha.. :D hanep hanep. i go for hinata.. kaso deadz na ata siya.. ehhehe.. :D