h1

let’s kill the time; YEAH!

Marso 19, 2009

Nagstart na ang ‘bakasyon‘ kuno ko. Hindi ko ma-feel. Naba-bother ako sa mga results ng mga kalokohan kong grades. Kinakabahan ako. AMP. Tama na nga yan.

Maaga pala ang vacation ko compared sa iba. Pero vacation kunwari lang naman dahil next week, magstart uli akong pumasok. Start na kasi ng review para sa Qualifying Exam ng BSA. That stands for Bachelor of Science in Accountancy. As all we know, IA pa lang kasi ako. Internal Auditing yun. Ayun. Daming abbreviations. Wishawish ko lang na pumasa kaming lahat sa Quali. HIndi kasi masaya kapag ikaw lang at si tagumpay, ‘di ba? Haha. Sabi ni Bob Ong yun eh!

Nasabi ko dun sa previous entry ko na itatackle ko yung Reci issues. Haha. Anu ba kasi yung Reci na yun?! Mga Recitations yun. Wala lang, naalala ko lang. Mga recitation days sa school.

Maraming iba’t ibang klaseng ‘reciter‘ sa school. At ilan ata sa types na yun, nagampanan ko na:

BAKAW – Wala akong maisip na term diyan kundi yun, BAKAWWWW!! Ito yung minsan nakakaasar na estudyante kasi recite ng recite. Lahat ng tanong ng teacher, sinasagot niya. Kahit nagtanong lang yung teacher na: “Sinong may scissors?” Kahit walang scissors si Bakaw, sasagot pa din siya with effort at sasabihing, “Wala po.” Amf. Ang tanong kasi, sinong meron?! Haha. Sila yung mga estudyanteng hindi marunong maawa sa mga kapwa nilang estudyanteng hindi pa nakakapagrecite. Hindi matatapos ang klase na hindi sila nakapagrecite, yun nga eh dahil sa Bakaw sila. Karaniwang mga Academic Monster kasi sila. *RAWR!*

SEASONAL – Dito ata ako napabilang pagdating ko ng HS. Minsan active, minsan hindi. Seasonal lang kasi. Kapag ‘trip’, magrerecite. At siyempre, ‘pag wala sa mood, hindi na.

PLASTIC – Ayan. Naging ganyan din ako. Naaalala ko kapag Economics namin nung HS. Ganyan ako. Kunwari ‘badtrip’ para kung sakaling makita ni Sir, parang makiki-compensate siya. Pero wala lang yun! Badtrip-badtripan ko lang yun! Haha. Ewan ko ba. Kasi ang hirap ng mga tanong sa Economics, eh kahit naman anong gawin ko hindi ko maintindihan. Eh anong pake ko kung kapag mababa ang supply, mataas ang demand?! Diba. At hanggang ngayon, naguguluhan pa din ako sa Law on Supply and Demand. Ewan. Tapos meron pang times na nagpapadrawing ng graph sa board, OH-NO-NESS talaga. Pero gumagana ang ‘badtrip kunwari’ tactic! I swear! ;p

ASA – Ayan. Naging ganito din ako. Umaasa sa katabi ko o minsan, long distance help pa. With the eyes and read-my-lips help, nakakasalba naman. Minsan naman, itong mga ‘Asa’ nakakainis. Kasi teka, basahin mo yung nasa baba.

ASAHAN – Ito ang kapartner ni Asa. At naranasan ko din ‘to. Nakakainis si Asa kasi tumutulong ka na nga, at sobrang nag-effort ka para lang matulungan si Asa, pero datapwat sapagkat subalit, hindi ka nakatulong kay Asa. Pwedeng hindi ka niya naintindihan dahil sinadya mong hindi ka niya maintindihan, o kaya naman sadyang mahina lang maka-pick up si Asa. Pero kahit ano pang dahilan nang hindi mo pagkatulong kay Asa, sisisihin ka pa niya. Ahwts. Yun eh.

ULTRAELECTROMAGNETIC ASAHAN - Kailangan may ganyan. Dahil naging ganyan ako. Yung ultimo sasabihin ng katabi mo, isusulat mo sa papel, para lang yun na nga ang i-rerecite niya. ‘Pag may follow up question si Teacher, dapat handa ka din, dahil sayo din hihingi ng tulong si Asa. Binigay mo na yung kaliwa mong kamay, ang gusto niya, pati yung kanan pa!

PAASA – Subperson under Asahan. Kunwari lang gustong tumulong para lang masabing tumutulong, pero hindi naman niya talaga intended tumulong! Hayy nako!!

TRIP LANG – Madalas akong ganito. Pag ‘trip lang’, talagang dun lang magrerecite. Magkaiba sila ni Seasonal, dahil si Trip Lang, gusto niyang magrecite para makabasag ng katahimikan. Agaw-eksena. Haha! Ayaw mong maging COA which stands for Center of Attention, pero sadyang gusto mo lang mambasag ng katahimikan.

PARA LANG – Ayan. Ganito din ako. ‘Para lang’. May kasunod kasi yan. ‘Para lang’ masabi na nagrecite ka. ‘Para lang’ kahit paano nakita ka ni Prof na nagrecite. ‘Para lang’ hindi malagay sa recitation mong “not-at-all”. Haha!

BWISET! – Kaya ganyan name nila eh kasi nakakairita naman nga sila. Para silang si Bakaw. Pero hindi eh, si Bakaw kasi, may sense pa minsan magrecite. Eh itong si Bwiset. Wala. Walang pag-asa. Parang tinanong siya kung 1 or 2, ang sasabihin sayo, green! AMF. May kahalintulad sila ni Para Lang. Pero si Para Lang, isasalba niya grade niya. Si Bwiset! Ewan ko! Bwiset siya!

LAKBAY DIWA – Narinig ko yang term na yan noong 1st Year HighSchool ako. LDS pa nga ang tawag diyan ni Sir Filipino, which stands for Lakbay Diwa sa Seton. (Seton aka Elizabeth Seton School) Sila yung mga taong wala, lakbay diwa nga eh. Edi lumilipad yung utak habang nagdidiscuss si Sir. At kapag natawag, ayun, hala, lakbay diwa nga eh!

KAMOT – Ayan. May klasmeyt akong ganyan nung HS eh. Si Kamot. Kamot ng ulo. Kahit hindi naman makati. Hehe. Okay naman sila, mababait. Pero kapag natawag, hala si Kamot, kamot ng kamot. Baka magkapantal eh. Haha! Magsugat pa yan!

SWERTE – Siyempre, meron ring swerte. Yun bang Recitation na hindi naman tumatawag yung teacher sa mga nakataas yung kamay. Kundi dun sa mga nakaupo, pero SWERTE dahil nga sa ang mga tanong, parang 1+1 lang.

MALAS – At kung may Swerte, may Malas. Siyempre, sa kanila naman tinadhana ang super kaduper out-of-this-world questions. Nakakainis pa diyan, alam mo naman yung sagot sa ibang tanong ni Teacher, yun nga lang, MALAS KA NGA EH!! Hindi pwede sayo yun, dun ka dapat sa hindi mo alam!

EWAN – Sila yung madalas na Swerte, pero yun nga eh. Ang nakakapanggigil eh, sila yung madalas hindi makasagot. 1+1 na nga, ang sinagot pa 4. Amf. Binigay na lahat ng clues, wala pa din. Nakakaiyak naman! Ito yung magtataka ka na lang kung bakit pa sila pinanganak, haaayy.

HANEPKahit anong itanong sakanya, alam niya! Kaya nga HANEEEEPPP eh!

May kulang pa ba? Sa 11 years kong nasa eskwelahan, at nakikipagsapalaran sa mga nakakakabang reci days,  yan ang mga nakilala kong iba’t ibang uri ng Reciter. Hehe. :D

Eh nasaan ka diyan?!

17 mga puna

  1. ang dami mo na palang alam sa buhay…pati kinds of reciters alam mo na rin…..pero nanakatuwa ang mga descriptions mo gudang…..ang lawak talaga ng saklaw ng utak mo ha……bakit accountancy kinuha mo? dapat sa iyo psychology…heheheheh…at nakialam pa oh…..


  2. haha.. nakakatuwa namang itong post na ‘to… tawang tawa ko dun sa ultraelectromagnetic…. :)


  3. @blurosebluguy: ahahaha.. madami akong alam? nako nako.. masama nga yun eh.. ahahaha :)) nag-accountancy ako para YEHESS! ahahaa.. psych? ayoko ng science-related kc.. hehehe..
    @ sandjimartin: hehehe.. salamats! ultraelectromagnetic? amf, yun ako eh! ahaha.. :))


  4. gudang ang daming kulang. wahahaha

    anu ang tawag sa mga taong hnd sumasagot pero pagmaynakasagot n sa tanong eh napapasabing sabi ko n nga ba eh

    anu din ang tawag s kahit kelan hnd ngrerecite?

    meron din taong nagkukunwaring hnd alam ang sagot pero alam namn. hmmmmm

    hmmmm. gudang kakatuwa tong post mo


  5. aba aba!! ayos tong mga listahan mo ah!! base on true to life talaga!! naka meet na ako ng mga ganyang tao!! lalo na yung bakaw at yung kamot!! haha!! dami sa min nun!!


  6. may surpresa ko sayo.dalaw ka sa site ko,ngayon na.hehe

    sensya na,pangalan mo unang pumasok sa isip ko.hindi naman sapilitan to. :p


  7. @kikilabotz: hahaha.. sorry namaaaann! onga no? nkalimutan ko lang cla.. ahahaa :)) slamat!
    @Cindyrella: ahahah :D salamat!
    @ flamindevil: whoa? ahaha.. ge pnta ako jan..


  8. whooh.. kame din bakasyon na^^

    sabay siguro tayo:)

    tara gimik na, itigil na muna yung review-review..heheheh


  9. hehe.. malapit na.. :D


  10. epal-additional: merun ding mga reciters na talagang may effort ah, pero di mo talaga madig yung point niya dahil kung saan saan na nagsangasanga..

    merun din namang mga reciters na okei naman pero halatang nangiimpress gamit ang mga matatalim na bokabularyo nila..hehe.. :D


  11. hehehe well-said.. :D


  12. yes nman gudang, yun pkla yung reci, adik toh..hahahpe nga..apir apir! puro higskul yung mga example mo dyan ah..naaalala ko nga c huelgas dun sa bwiset eh..hahaha, parang cra lang yun eh, at least laftrip..hahaha
    haii gudang, cguro nasa trp lang type ako..o seasonal..hahhaha, parang cra lang eh, yes nman malawak ang pagiisip, mataba ang utak, dahan dahan, bka pumutok..ha?ang weirdo lang eh. pasensya na nababangag wlang sense yung pinagsasabi..hahaha

    GUDAAAAAANNG!!!!!!!!!hahaha:)


  13. ahahaha.. di ko na nga nilagay yung name eh. kaw talaga oh! sama mo kay nikko ahaha :D yung kamot.. si chesca.. ahaha to talaga!! ahahaa.. ahahah :D bangagers! ahaha :D

    DAYAAAAAAAAAANGG! ahahaha! :D


  14. ako wala ako jan! hindi ako nag rerecite nyehahaha! madalas kong tulugan ang prof ko terror man o hindi


  15. naks! hahaha :))


  16. seasonal ako. May mood swings sa recitation


  17. hehe :D rehas tayo, minsan. :D



Mag-iwan ng Puna