Imbakan para sa Abril, 2009

h1

well done, oink!

Abril 28, 2009

So there. Anna Altea Lambuson Martirez, one of the BFFs, graduated! From being a baby. Haha. Uyy, dalaga na siya. :) April 17 ang 18th birthday nitong kaibigan ko. Haha. She had her Debut on April 15, 2009. In our group, 2 down! 2 na yung officially eh dalaga na talaga. Good good! So late post pala ‘to. Haha!

Ang kaibigan kong sobraaaaaaaaaaaaaaaaaang baby. Lahat sa kanya ang ‘baby’. Boses. Everything. Ayan na, dalaga na siya. Wala akong masabi. Pero ang dami kong nasabi nung last akong magwish sa kanya sa candles. Nakalimutan ko na nga lang ngayon kung ano nga ba yung mga sinabi ko dun. Teka aalalahanin ko. Hmmm. Naaalala ko na ako ang last candle. Surprised? Yeah, maybe I am. :)

Anna Banana? I’ve known her for 5 years now. We got really close during our 3rd Year. Haha. Yung mga diving moments niya sa stairs at sa classroom. Yep. Haha. Now, we’re schoolmates sa College. Nursing siya. Accountancy ako. She’s planning to take Medicine for the years to come. Good. Great!

10 years from now, sana ganito pa din kami. Haha. Yun ata ang wish ko sakanya. At yung mga wishes sana nung 17 candles na nauna sakin, sana matupad, so that made up the 18th wish. Go HighSchool! :)

Anna at 18thANNA AT 18th
There you have it. Now, you’re 18. :)
HAPPY 18th BIRTHDAY bfA!

- goodnights! :)

h1

the listings.

Abril 22, 2009

Nakakagulat no? Umuulan. Umiiyak na naman ang langit. HUWEEEEHHH! Haha. Kung anu-ano na naman ang pinagsasabi ni Gudang. Dang! Haha. So after ilang weeks, naka-move on na ko at handa ng magkwento ng matino. Nakanang! Kailangan ang term na ‘move on’?! Haha. After ilang weeks, ito na ang niluluto sa utak ko. Mga ‘kung anong meron sa College‘. Life and Lies and all sa College.

Pinanganak ‘tong blog konung October 10, 2008. College na ko nun. Hindi ako bago sa blogging kasi matagal na naman akong may blog, inaabandona ko lang sa hindi malamang dahilan kahit alam. So ito na nga.

Sa College, nalaman ko na:

- Mabilis lang ang sistema. Bilang ng 10 months ang 1st Year kasama ang SemBreak. Walang pinagkaiba sa HighSchool. Kaso ang College, hati sa 2 sems. Bali sa isang sem, 5 months. Pero kung susumahin, 4 months lang talaga. Dahil sa isang week, 4 days lang ako may pasok. At yun ang kinabilis nun.

- Hindi totoong walang pake sa’yo ang Prof. Dati ang daming nagsasabi sakin na hindi ka daw papakielaman ng Prof sa College. Hindi naman totoo yun. Dahil napapakiusapan sila na ipasa ang estudyante. Hindi ko na-try pero alam ko na nangyari nga yun.

- Dapat laging nag-aadvance reading. Gasgas na yun eh. Hindi ko naman ginawa yun nung 1st sem. Pero nung dumating ang Business Law ko na Subject, natuto akong mag-advance reading at nalaman ko ang kahalagahan nun. Kalokohan ang pakikinig at pilit na pag-intindi kay Sir kung hindi ka nag-advance reading. Ikaw at ang sarili lang ang naglolokohan. Tinatawanan ka ng isa diyan.

- Dapat natuto akong maging ‘independent’. Past tense oh. Haha. Kasi hindi ako natuto. Haha. So ngayon, alam ko na, na dapat ngang naging independent ako. Independent when it comes to Enlistment Enrolment and the likes. Kamusta naman ang mga paghihintay lang? Pagpirma lang? At hayaan ang kaibigan na kumuha ng mga forms? Haha. Gawain ko yun. Courtesy ni Jannah. Haha. :)) So ngayon, alam ko na, na mali yun! Bad yun!

- Nakakapagod ang College hindi dahil sa Academics. Nakakapagod ang College dahil sa kaka-commute! Lintek!

Sa College, may 1st times, ilan dito ay:

- 1st Time kong magCollege! Haha. Doi! 1st Year ako, 1st sem. Nasubukan ko na. At after ng isang taon, (sabay-sabay): AHHH… GANUN PALA YUN…

- 1st Time kong makameet ng Prof na ‘mad’ sa Naruto. I mean, ‘mad’ in a way na ‘crazy’ in a way na ‘gusto’ ang Naruto. And that’s my C1A1Y Prof, Engr Halago.

- 1st Time kong makakilala ng mga ‘bagong tao’. Na akala mo, ang personality nila ay hindi nag-eexist sa mundong ibabaw. Well, i’m wrong. They live and they do exist. Some of them, i wish i never knew at all. :)))))

- 1st Time kong makapag-explore sa Manila with blockmates lang. Usually, when i get out of the house, i’m with friends or family. Haha. Tapos sa mga rehearsals sa PE, total strangers pa yung mga kakilala mo. ‘total strangers’, i think, kasi you barely knew each other. Haha. I’ve been to Mandaluyong, Makati at yung sa may Blumentritt ba yun?

- 1st Time kong magtravel papuntang Laguna ng ‘commute’ lang! Gahd, akala ko ganun kahirap yun, ‘di naman pala. Haha. 2 times, i’ve tried it. Akala ko, all this time, imposible ang pagcommute papunta sa isang province, hindi pala!

- 1st Time kong muntik mapa-drop ng subject sa College. Yun ay nung 1st time ko ding napagalitan ng Prof ko sa NatSci dahil sa napakaliit na rason: maingay daw kami ng katabi ko? Sows. Totoo naman. :)))))) Bitter pa din eh. Haha.

- 1st Time kong makatanggap ng tig-P5 na amounting to 400+. Sukli sa akin sa FX nung binayad ko ang P500 ko. Dang! Nakasupot pa siya mehn! Haha. Cool!

- 1st Time kong gawing umaga ang gabi. Galing no?! Dahil sa pag-aaral yun. Huhuhuhu. I might have done that during High School, but that is way different!

- 1st Time kong magCoffee dahil sa pag-aaral. Kasama ko na ang Nescafe 3-in-1 pati ang Kopiko 3-in-1, at ang mug ko na ‘Happy Birthday to You!!!‘ Haha. :)))

- 1st Time kong makapagLRT. Whoa! Through sa help ni Wowi. Haha! With Donna and Rojan.

- 1st Time kong kumain sa Meden’s. Haha. Uyy. Di nila alam yun. Haha.

- 1st Time kong magpalipat lipat lipat ng classroom dahil sa hindi ma-settle na classroom na yan! Haha. English!! Nakakapagod at nakakasawa din yun ah!!!

- 1st Time kong sumali sa Festival chorva sa school. Whoa. Mga rehearsals ng sayaw and everything. That’s really tiresome. And i don’t wish to do that again.

- 1st Time kong magcut ng classes. Yep. I don’t do it during my HighSchool days. Pero mabait pa din ako, dahil nung nagcut ako, tinamad lang ako pumasok nun kaya umuwi na lang ako. Odb!

- 1st Time kong makapagtake ng Qualifying Exam.

- 1st Time kong… basta. :) Haha. So dito ko na tatapusin ‘to. Haha. So ayun! :D

Magdiwang tayo. 2nd Year na ko! :D
I’m looking forward to more ‘1st times’.

Ang mga tao sa buhay mo
Ay nagdaraan lamang
Umaalis, dumarating, walang naiiwan
Ang kwento ng pag-ibig
Ay kumusta at paalam
Ngayo’y alam mo na kung paano mag-isa
Natagpuan ang kasagutan
Sa mga katanungan
Lahat ay nangyayari tamang oras at lugar
pero iba ang nasasabi
Unti-unti mo nang naiintindihan
Ang payo ng magulang
- Slomo; Eraserheads

Goodnights!

h1

ang tagal ko ngang nawala.

Abril 16, 2009

I think, after 2 days kong sinulat ang last kong entry, ito na naman kaagad ako. ‘Kaagad’, i mean, nagsusulat na naman ako. Ang tagal ko ngang nawala. 2 DAYS! :D Haha. Sobrang tagal nun.

Madami kasing nangyayari. Ewan ko ba. Adik kasi ako eh. Haha. Ang dami kong plano kaso hindi natutupad. Haha. Wirdo. Ang daming nangyayari na nakakaimbyerna naman talaga. Pero okay lang. (kahit hindi) Bwahahahaha. Nakakatawa Gudang. Haha. :))

Ang adik ko. Nagtatype ako ng blog ngayon na walang katuturan. So how’s summer? Haha. So far, ewan ko. Ang busy ko nga eh. Pero i earned. Haha. May isang libo na ko. Yahu! Haha. Trabaho ko? Maid. Joke! Haha. Tulong lang. Yung sa pina-file sa BIR? Prinint ko yun amf. Haha. Hanep! Basta tulong lang. May reward yun! That’s good. Hehe.

Ngayon? Hmm. Iniisip ko kung kelan ako puntang Manila. Haha. Pero tinatamad ako eh. Nga pala. Grabe. Yung may ‘Santino’ na palabas. Goosebumps ako lage dun. Haha. Ang galing ni Bro! Hehe. Recently ko lang kasi napanuod yun, dahil wala akong mapanuod nung Holy Week. Eh marathon yun! So ayun.

Walang gaanong interesante nangyayari eh. Atlis update. Haha. Nilalangaw na tong blog ko eh. Haha. So ayun. Ito na lang muna.

At take note! Hindi ako mangungulay ngayon ng blog. Hindi pa makulay so far ang aking summer. :) Awww!

h1

quick.

Abril 13, 2009

This won’t take too long. Hehe. I’ve been doing lots of stuffs lately, so i can’t manage my blog yet. Haha. Anyway, i’ll get back as soon as I’m done with ‘these’. Thank You! And have a great summer! MWAAAAAAAHHH!!! <3 Miss me!

h1

buhay estudyante nga naman

Abril 8, 2009

Gin-rab ko lamang ito sa aking batchmate. Natuwa ako eh. Shshare ko na lang. Ito daw ang ichura ng mga estudyante….

1. Habang nagqquiz

2. Kapag dinismiss ng Prof

3. Habang nag-aaral

4. Pagtanggap ng long exam

5. Pag smart kang sumagot

6. Pag nagsuspend ng pasok dahil may bagyo

7. Dinibdib mo ang pag-aaral tapos wala naman palang quiz

8. Pag lumabas na mga results ng grade

9. Pag nanghinayang ka sa one point para pumasa

10. Pag binati ka ng crush mo

11. Pag gusto mong maghiganti sa kaaway mo

12. Pag magca-cut ka ng class

13. Pag kausap mo ang crush mo

14. Tuwing elistment

15. Pag ‘di mo alam kung paano sagutan yung quiz

16. Pag naghihintay ng jeep

17. Pag wala ka ng maintindihan sa Prof

18. Pag umaasang magbibigay ng plus

19. Ginagawa para pumasa ka

20. Pag feeling mo binigay mo na best mo pero hindi pa din sapat

21. Pag nag-brain freeze nung uminom ng shake

22. Pagkatapos ng exam

23. Pagkatapos ng lunch

24. Pag tinatamad na mag-aral

25. Pag uwian na

Haha. Naramdaman ko na ata lahat yan. After all, ESTUDYANTE AKO EH! :)

h1

merci bien!

Abril 3, 2009

Magpapauso ako ng salitang French. Merci bien! Wala lang. At ang ibig sabihin niyan: Thank You very much. In Filipino: Maraming Salamat.

EVERYONE: MARAMING SALAMAT! THANK YOU VERY MUCH. MERCI BIEN! :D Yehe!

Yun ang gusto kong iparating sa lahat ng nagdasal para sa kaluluwa ko. Ito na ang tunay na rason ng paghingi ko ng mga donasyon sa inyo kamakailan (huwaw!) Kaya ako nanghagilap (huwaw!) ng mga tulong na ipagdasal niyo ko eh kasi ay nagtake ako ng Level A Qualifying Exam for Bachelor of Science in Accountancy noong March 30, 2009. Out of 15 sections with 40 students in each (multiply niyo na lang kung ilan), 130+ lang daw ang pumasa.

Nalaman kong 2 weeks pa daw bago malaman ang results. 2 weeks pa ng paghihirap, pag-aanticipate, pag-asa na sana pumasa, kahit sumabit lang. Dahil balita ko, mahirap nga talagang makapasok sa pagiging BSA (Bachelor of Science in Accountancy). Kapag First Year kasi, under lang kami sa BS Internal Auditing. At parang nga naman ’suntok sa buwan’ ang pagpasa ng Quali Exam na yun.

April 1. At laking gulat ko kahapon. Ang 2 weeks, naging 2 days. Habang nakahiga ako sa Best Place ko, siyempre sa ‘kama ko’. Haha. Saan pa ba ko pwedeng humiga. Walang kinakausap kahit kanino. Hindi nagloload. Nag-iisip. Nabobother. Iniisip yung result ng Quali ko. Nagrereflect ako. Naks! Kasi sa pagkakatanda ko, sa pagkakatanda ko lang naman, halos mawalan ako ng ‘hope’ sa pagsasagot ng exam na yun. Pero kailangan talaga, ‘think positive, walang aayaw!’… As i was saying, nagulat nga ako ‘di ba. Kasi… May ipis na lumilipad! Joke.. Nyeeehh! Haha. Nakatanggap ako ng text message galing kay Jhe… Inaantok ako noon eh, biglang nagulo yung utak ko:

“congratz! pasado ka.”

At simula noon, sinundan na yun ng maraming taong nagsabi sakin na pasado nga ako sa Quali Exam. Maraming iba’t ibang version pero sa dulo, I PASSED THE QUALIFYING EXAM! Hooraaaahh! A good start for 2009? Probably. Hehe. Nasuntok ko ang buwaaaaann! Hindi pa rin ako makapaniwala. Dalawa kaming ‘dela Cruz’ na nagtake. Kaya in-assure ko kung Gladys Jane ba at hindi Wendy Jane ang nakita nila. Pasado din daw ang isang may ‘Jane’.

That’s because of all your prayers!! :D YAHAAAYY! Ang galing talaga ni Lord. Hindi ko akalain. Pero ang galing talaga. Ang galing ng mga SuperFriends ko. Yung iba, pinagtirik pa daw ako ng candle. At yung isa naman ‘100 candles’ daw. Tsk. Sana sinabi niya na lang sakin na silyaban ko na lang bahay nila. Hehe.

Anyhow! Maraming thanks pa din. Cool sana kung lahat na lang kami naging BSA na din. Pero ganun na lang siguro talaga yun. Nagpapasalamat na lang ako. :D Wow Artista! :D Salamat din pala sa Mug ko na tinitimplahan ko ng kape kapag nagpupuyat trip ako kaka-aral (weeeehh!). Yung may ‘Happy Birthday To You!‘. Hindi naman ako naniniwala sa swerte. Pero laging good shot sakin ang Mug na yun.

AT AYUN na ang mystery ng entry na: “Help, Please?”

PS: Baka naman akala niyo din umasa na lang ako sa Prayers. Hindi din. Hehe. Siyempre, umasa din ako kahit paano sa utak kong maliit. Haha. :D Sayang ang abnormal routine na tulog ko kung hindi ako papasa sa Quali. YEHEY! Kakatanggap ko lang ng Globe Reward ko! Yikes! Sige ayun, Salamat ule!

Tama nga na:
“No one ever said that there’s an easy way…”
at:
“You can’t win on everything but you can try…” :D

“You may be disappointed if you fail,
but you’re doomed if you don’t try.”
- Beverly Sills