h1

merci bien!

Abril 3, 2009

Magpapauso ako ng salitang French. Merci bien! Wala lang. At ang ibig sabihin niyan: Thank You very much. In Filipino: Maraming Salamat.

EVERYONE: MARAMING SALAMAT! THANK YOU VERY MUCH. MERCI BIEN! :D Yehe!

Yun ang gusto kong iparating sa lahat ng nagdasal para sa kaluluwa ko. Ito na ang tunay na rason ng paghingi ko ng mga donasyon sa inyo kamakailan (huwaw!) Kaya ako nanghagilap (huwaw!) ng mga tulong na ipagdasal niyo ko eh kasi ay nagtake ako ng Level A Qualifying Exam for Bachelor of Science in Accountancy noong March 30, 2009. Out of 15 sections with 40 students in each (multiply niyo na lang kung ilan), 130+ lang daw ang pumasa.

Nalaman kong 2 weeks pa daw bago malaman ang results. 2 weeks pa ng paghihirap, pag-aanticipate, pag-asa na sana pumasa, kahit sumabit lang. Dahil balita ko, mahirap nga talagang makapasok sa pagiging BSA (Bachelor of Science in Accountancy). Kapag First Year kasi, under lang kami sa BS Internal Auditing. At parang nga naman ’suntok sa buwan’ ang pagpasa ng Quali Exam na yun.

April 1. At laking gulat ko kahapon. Ang 2 weeks, naging 2 days. Habang nakahiga ako sa Best Place ko, siyempre sa ‘kama ko’. Haha. Saan pa ba ko pwedeng humiga. Walang kinakausap kahit kanino. Hindi nagloload. Nag-iisip. Nabobother. Iniisip yung result ng Quali ko. Nagrereflect ako. Naks! Kasi sa pagkakatanda ko, sa pagkakatanda ko lang naman, halos mawalan ako ng ‘hope’ sa pagsasagot ng exam na yun. Pero kailangan talaga, ‘think positive, walang aayaw!’… As i was saying, nagulat nga ako ‘di ba. Kasi… May ipis na lumilipad! Joke.. Nyeeehh! Haha. Nakatanggap ako ng text message galing kay Jhe… Inaantok ako noon eh, biglang nagulo yung utak ko:

“congratz! pasado ka.”

At simula noon, sinundan na yun ng maraming taong nagsabi sakin na pasado nga ako sa Quali Exam. Maraming iba’t ibang version pero sa dulo, I PASSED THE QUALIFYING EXAM! Hooraaaahh! A good start for 2009? Probably. Hehe. Nasuntok ko ang buwaaaaann! Hindi pa rin ako makapaniwala. Dalawa kaming ‘dela Cruz’ na nagtake. Kaya in-assure ko kung Gladys Jane ba at hindi Wendy Jane ang nakita nila. Pasado din daw ang isang may ‘Jane’.

That’s because of all your prayers!! :D YAHAAAYY! Ang galing talaga ni Lord. Hindi ko akalain. Pero ang galing talaga. Ang galing ng mga SuperFriends ko. Yung iba, pinagtirik pa daw ako ng candle. At yung isa naman ‘100 candles’ daw. Tsk. Sana sinabi niya na lang sakin na silyaban ko na lang bahay nila. Hehe.

Anyhow! Maraming thanks pa din. Cool sana kung lahat na lang kami naging BSA na din. Pero ganun na lang siguro talaga yun. Nagpapasalamat na lang ako. :D Wow Artista! :D Salamat din pala sa Mug ko na tinitimplahan ko ng kape kapag nagpupuyat trip ako kaka-aral (weeeehh!). Yung may ‘Happy Birthday To You!‘. Hindi naman ako naniniwala sa swerte. Pero laging good shot sakin ang Mug na yun.

AT AYUN na ang mystery ng entry na: “Help, Please?”

PS: Baka naman akala niyo din umasa na lang ako sa Prayers. Hindi din. Hehe. Siyempre, umasa din ako kahit paano sa utak kong maliit. Haha. :D Sayang ang abnormal routine na tulog ko kung hindi ako papasa sa Quali. YEHEY! Kakatanggap ko lang ng Globe Reward ko! Yikes! Sige ayun, Salamat ule!

Tama nga na:
“No one ever said that there’s an easy way…”
at:
“You can’t win on everything but you can try…” :D

“You may be disappointed if you fail,
but you’re doomed if you don’t try.”
- Beverly Sills

20 mga puna

  1. wow congrats Gudang…..hindi naman puro swerte at prayers namin yun noh….magaling ka talaga…ahahahahahah…ang saya-saya na naman ng blogosphere!


  2. haha. MARAMING SALAMAT kuya blu! msaya nga talaga ako ngauuuuuunnnnn :D hehehe.. thanks thanks sa prayers mo!


  3. Best Place

    ^ kala ko trono sa inidoro. ^_^ (Joke)

    CONGRATZ Miss Gudang, pa-BUURDYER ka naman diyan.

    . . . pinagtirik pa daw ako ng candle.

    ^ talaga, hahaha.

    BTW, san ba’ng pamantasan ka nag-aaral?


  4. `•.¸
    `•.¸ )
    ¸.•
    (`’•.¸(` ‘•. ¸* ¸.•’´)¸.•’´)
    «´¨`.¸.* CONGRATZZ *. ¸.´¨`»
    (¸. •’´(¸.•’´ * `’•.¸)`’•.¸ )
    `•.¸
    `•.¸ ) ☆┌─┐ ─┐☆

    YEHEY..galing galing!!!
    blowout kana..hehehe


  5. “You may be disappointed if you fail,
    but you’re doomed if you don’t try.”
    -ang nice nito hehe
    uu nga libre ka hehe kahit pisbol lang jan sa kanto hehe…napadaan lang…


  6. galing ah… apir!
    congrats!


  7. @ ALL: Ang gagaling niyo din kc.. naks! ahahaha :D maraming salamat sainyo.. nakanang! galing ng prayers no.. :D apir apir apir!


  8. wow.. kongrats gudang! pa burger ka na :)


  9. Yeeee congrats girl! Yung ate ko CPA na, tas yung younger brother ko freshman BSA student din, (share lang)

    Prayers are really powerful! :)

    Thanks sa pagdaan sa site ko ha, add kita sa links ko. :)


  10. wow galing.that’s the power of prayers. :p

    teka, gladys jane ba talaga yun or wendy jane?kidding.hehe


  11. ayun naman pala! kala ko kung ano na yung hinihingi mo ng dasal dati. mabait ka rin sigurong bata kaya pinakinggan ka agad ni Bro a.k.a Papa God.

    congats! :)


  12. galing niyo din! thanks!


  13. Nice. Congratulations Gudang! Sarap naman kapag pumapasa sa mga qualifying exam. Ang galing mo. Yan ang bunga ng hard work!


  14. hehe salamat!


  15. Yey!!Gudang! hahaha..ayan na, pasado ka na!!LIBRE KA NA KASI STARBUCKS!!!hahaha, joke lang..CONGRATS ULIT!!!:)


  16. hahaha :D antagal na eh!! aahaha :D


  17. weee kababalik ko lang sa blogging word at mabuti naman pasado ka yey! congratz!!! pagpatuloy mo lang. hihi :> ingat lagi!!


  18. gudang !! ahaha.. musta n ha? congrats congrats sau. ahaha. tagal ko hnd nakabisita s mundo ng blog. hehe.
    wag maxado lalaki ang ulo ha? dami p mas mhirap jan n dadating.


  19. haha I KNOW! :D hehe.. salamat senyo..


  20. CONGRATUMALATIONS ng belated na sobra… huh? [nakakabobo...;P]

    ilabas ang ice cream!!!

    3 in 1 plus 1 happy kaarawan… engks!

    congratumalations ulit!



Mag-iwan ng Puna