
the listings.
Abril 22, 2009Nakakagulat no? Umuulan. Umiiyak na naman ang langit. HUWEEEEHHH! Haha. Kung anu-ano na naman ang pinagsasabi ni Gudang. Dang! Haha. So after ilang weeks, naka-move on na ko at handa ng magkwento ng matino. Nakanang! Kailangan ang term na ‘move on’?! Haha. After ilang weeks, ito na ang niluluto sa utak ko. Mga ‘kung anong meron sa College‘. Life and Lies and all sa College.
Pinanganak ‘tong blog konung October 10, 2008. College na ko nun. Hindi ako bago sa blogging kasi matagal na naman akong may blog, inaabandona ko lang sa hindi malamang dahilan kahit alam. So ito na nga.
Sa College, nalaman ko na:
- Mabilis lang ang sistema. Bilang ng 10 months ang 1st Year kasama ang SemBreak. Walang pinagkaiba sa HighSchool. Kaso ang College, hati sa 2 sems. Bali sa isang sem, 5 months. Pero kung susumahin, 4 months lang talaga. Dahil sa isang week, 4 days lang ako may pasok. At yun ang kinabilis nun.
- Hindi totoong walang pake sa’yo ang Prof. Dati ang daming nagsasabi sakin na hindi ka daw papakielaman ng Prof sa College. Hindi naman totoo yun. Dahil napapakiusapan sila na ipasa ang estudyante. Hindi ko na-try pero alam ko na nangyari nga yun.
- Dapat laging nag-aadvance reading. Gasgas na yun eh. Hindi ko naman ginawa yun nung 1st sem. Pero nung dumating ang Business Law ko na Subject, natuto akong mag-advance reading at nalaman ko ang kahalagahan nun. Kalokohan ang pakikinig at pilit na pag-intindi kay Sir kung hindi ka nag-advance reading. Ikaw at ang sarili lang ang naglolokohan. Tinatawanan ka ng isa diyan.
- Dapat natuto akong maging ‘independent’. Past tense oh. Haha. Kasi hindi ako natuto. Haha. So ngayon, alam ko na, na dapat ngang naging independent ako. Independent when it comes to Enlistment Enrolment and the likes. Kamusta naman ang mga paghihintay lang? Pagpirma lang? At hayaan ang kaibigan na kumuha ng mga forms? Haha. Gawain ko yun. Courtesy ni Jannah. Haha. :)) So ngayon, alam ko na, na mali yun! Bad yun!
- Nakakapagod ang College hindi dahil sa Academics. Nakakapagod ang College dahil sa kaka-commute! Lintek!
Sa College, may 1st times, ilan dito ay:
- 1st Time kong magCollege! Haha. Doi! 1st Year ako, 1st sem. Nasubukan ko na. At after ng isang taon, (sabay-sabay): AHHH… GANUN PALA YUN…
- 1st Time kong makameet ng Prof na ‘mad’ sa Naruto. I mean, ‘mad’ in a way na ‘crazy’ in a way na ‘gusto’ ang Naruto. And that’s my C1A1Y Prof, Engr Halago.
- 1st Time kong makakilala ng mga ‘bagong tao’. Na akala mo, ang personality nila ay hindi nag-eexist sa mundong ibabaw. Well, i’m wrong. They live and they do exist. Some of them, i wish i never knew at all. :)))))
- 1st Time kong makapag-explore sa Manila with blockmates lang. Usually, when i get out of the house, i’m with friends or family. Haha. Tapos sa mga rehearsals sa PE, total strangers pa yung mga kakilala mo. ‘total strangers’, i think, kasi you barely knew each other. Haha. I’ve been to Mandaluyong, Makati at yung sa may Blumentritt ba yun?
- 1st Time kong magtravel papuntang Laguna ng ‘commute’ lang! Gahd, akala ko ganun kahirap yun, ‘di naman pala. Haha. 2 times, i’ve tried it. Akala ko, all this time, imposible ang pagcommute papunta sa isang province, hindi pala!
- 1st Time kong muntik mapa-drop ng subject sa College. Yun ay nung 1st time ko ding napagalitan ng Prof ko sa NatSci dahil sa napakaliit na rason: maingay daw kami ng katabi ko? Sows. Totoo naman. :)))))) Bitter pa din eh. Haha.
- 1st Time kong makatanggap ng tig-P5 na amounting to 400+. Sukli sa akin sa FX nung binayad ko ang P500 ko. Dang! Nakasupot pa siya mehn! Haha. Cool!
- 1st Time kong gawing umaga ang gabi. Galing no?! Dahil sa pag-aaral yun. Huhuhuhu. I might have done that during High School, but that is way different!
- 1st Time kong magCoffee dahil sa pag-aaral. Kasama ko na ang Nescafe 3-in-1 pati ang Kopiko 3-in-1, at ang mug ko na ‘Happy Birthday to You!!!‘ Haha. :)))
- 1st Time kong makapagLRT. Whoa! Through sa help ni Wowi. Haha! With Donna and Rojan.
- 1st Time kong kumain sa Meden’s. Haha. Uyy. Di nila alam yun. Haha.
- 1st Time kong magpalipat lipat lipat ng classroom dahil sa hindi ma-settle na classroom na yan! Haha. English!! Nakakapagod at nakakasawa din yun ah!!!
- 1st Time kong sumali sa Festival chorva sa school. Whoa. Mga rehearsals ng sayaw and everything. That’s really tiresome. And i don’t wish to do that again.
- 1st Time kong magcut ng classes. Yep. I don’t do it during my HighSchool days. Pero mabait pa din ako, dahil nung nagcut ako, tinamad lang ako pumasok nun kaya umuwi na lang ako. Odb!
- 1st Time kong makapagtake ng Qualifying Exam.
- 1st Time kong… basta. :) Haha. So dito ko na tatapusin ‘to. Haha. So ayun! :D
Magdiwang tayo. 2nd Year na ko! :D
I’m looking forward to more ‘1st times’.
Ang mga tao sa buhay mo
Ay nagdaraan lamang
Umaalis, dumarating, walang naiiwan
Ang kwento ng pag-ibig
Ay kumusta at paalam
Ngayo’y alam mo na kung paano mag-isa
Natagpuan ang kasagutan
Sa mga katanungan
Lahat ay nangyayari tamang oras at lugar
pero iba ang nasasabi
Unti-unti mo nang naiintindihan
Ang payo ng magulang
- Slomo; Eraserheads
Goodnights!











unforgettable ang first time! =^_^=
oh yep! :D
Ano course mo?
About advance reading. Nag-a-advance-reading rin ako kaso hindi tumutugma ang binasa ko sa itinuturo ng Propesor sa akin, ang resulta tuloy nako-conscious yung Propesor sa akin kasi magaling ako sa kanya. Har har har (yabang).
Totoong nakakapagod ang kaka-commute, at risk rin nito ang mag-kasakit sanhi ng Polusyon ng Maynila!
About sa coffee dahil sa pag-aaral. The best ang Nescafe sa lahat. Magmumukha kang nokturnal kakainom. (Note: Umiinom ng Nescafe3in1 – 2 to 3 times a day. ADIK sa kape.)
hey thanks for visiting my site gudang. :)
parehu tayo, marami din akong first-time during college. late bloomer kasi ako kaya ayun. hehe ;p
Have a sweet and happy day. ;)
Mon
Yey congrats girl! 2nd year ka na, dyan na nagsisimula ang mga maraming challenge.
Gudlakers!
wow….dami namang first time…ang ilan familiar sa akin noong akoy nasa college hehehehehe…
birds of the same feather……sing together (para maiba naman)……
at least ang dami-dami mong na realize ngayong college ka na.
enjoy ka lang while it lasts. :p
wow 2 taon na lang dang hehe..
ako din madaming first time’s hehe…
2nd year ka na nalagpasan mo na ang isang taon..yebah/..
@MC: BS Accountancy po :)
@Otakore Literantadodist: haha. magaling po pla kayo. :) hehehe. masama daw po maxadong maraming caffeine sa katawan! :D
@Mon: late bloomer din kaya ako? hahaha :))
@Joycee: Haha. Thank you Ate! :)
@blurosebluguy: oh yea! haha. parang nagyon ko lang narinig yun :D
@flamindevil: kea nga po eh. hehe. tatry mag-enjoy! :)
@anakngpating: 3 yrs pa po pla ako. :) 5yrs Acc smen.. :D hehe.. salamat po!
ako incoming first year pa lang.. hehehe.. gudluck satin… ;p
oh yea haha gudlak sayo :D
totoo, nakakapagod ang college sa kakacommute.
adik ka pala sa naruto. hindi ko na yan nasubaybayan, mga laban na lang ang napapanood. ano na ba ang latest sa naruto?
hayss nakakmis ang college! enjoy mo lang ng todo!
continue ang pag eexplore! masarap mag aral walang kasing sarap! mamimiss mo yan pag nasa work mode kana! kaya ngayun palang araw arawin mo ang sulit!
be thankful na nasa school ka!
cheers!!!
napadaan lang! sinundan ko ang bakas mo sa station ko hehehe
gudang!
engineering ba you?..[nakita sa mga comment mo na isa kang Accounting student... cheers to that!]
buti nung first time mo sa LRT may kasama ka?.. kasi ako muntikan na akong makain ng coin machine? ba yun?..hayun…
Medens??? Feeling ko, isa itong restawran malapit sa iyong pinapasukang eskwelahan… at ang nagmamay-ari ay isang bisakol… :P joke lang…
at dun sa naruto… T-T hindi na ako updated…
MAGDIWANG!!! dahil naipasa mo ang unang taon ng panonorture… hahaha… joke lang ulit
@Ax: tama! apir! :) ndi ako adik dun. ADIK NA ADIK.. :D hahaha.. :)))) latest? hmm.. malayo na sila.. mlapit na ata mamatay si Jiraiya! :D hehehe..
@bonistation: opo opo. :D yep! salamat din!
@Lee-yo: ayun nadali mo! Accounting student po! opo, may kasama ako.. nakakatuwa dun.. gs2 ko ulit magLRT .. hehe.. tama ka nnman chong! tama, restaurant yun.. :D aww. Naruto? okay lang yan.. :D ahaha.. salamat po! mabuhay tayo! hahaha
oy, congrats!
i think college is the best time in one’s life. it’s the time when you become independent with your parents providing the financial support. enjoy as you must. it ends sooner than you expect.
psssssssssst…. hehehehe kumusta naman?
haaaaaaayz maniwala ka sa akin, marami pang first time na darating… ako nga, pang 11th year ko na sa college sa pasukan, every year the last ten years, ang dami kong first times…. hehehehehe… wa echoz yan… trulili…. 3rd year na ako sa pasukan eh… pero parang gusto ko ulit mag shift… ayoko grumaduate eh… ang sarap kasi mag aral hehehehehe
hangkulet ng mga entries mo! :)
isa kang stress reliever, salamat sa pagbisita. :)
papasyal ako ulet.
enjoy enjoy lan :P
natapos na rin ang isang taon!
Goodluck sa mga susunod pa at enjoy lang..
@kengkay: tenks!
@plaridel: yea, i think so too. next thing i know, i’m working already! :D yey. thanks!
@Yj: ahahaha.. natwa naman ako sayo, hmm.. sana maramdaman ko din yun.. :D haha.. aabangan ko yun. congrats! 3rd yr ka na! konti na lang pala..
@kelliemacaraeg: haha. salamat! :D pasyal ka lang!
@simplefula09: yep. i’ll do!
@sandjimartin: thanks po! :D i’ll do.. :D
gudang as usual hiningal na naman ako kakabasang entri mong ito hehehe. gayunpaman ang masasabi ko lang i enjoy mo yan lahat dahil pag natapos mo ang pagaaral mamimiss mo din yan!
yeap! salamat kuya dencios! :D
Wow parang alam ko yung huling first time sa list mo ah. Hehe..
Mabuti naman at na-enjoy mo ang buong first year ng college mo. Naalala ko tuloy lahat ng memories ng first year college ko rin. Hihi..
Goodluck po sa next year mo! Sana nga ay marami pang mga first time. ^_^
ayts ate. bat alam mo. Haha… :D joke lang.. satin na lang yun kung alam mo talaga.. :D hahaha.. yep. gudlak saken! maraming salamat!
bit tig 5 pesos. hindi tig 25 cents ehehehe
salamat sa pagcomment sa blog ko :)
NP! :)
haha, umuulan gudang? hahaha..joke lang
nice post naman, mga 1st time sa buhay ni gudang sa college..hehe, hmm..nakalimutan ko ittype ko, ano ba yan..hahaha..parang may nakalimutan ko o di natuloy ah..hahaha, joke lang..nakakatuwa talaga yung sa 400+ na coin dapat nilagay mo din yung sinabi ng katabi mo nun, at nung nagbibilang ka sa klasrum mo nun..hahahaha..