Dapat matagal ko na ‘tong na-i-post. Since medyo matagal na rin namang nag-occur ang happening na ‘to. Mga 2 weeks na. Ang tagal nga nun! ;)
May 21, 2009. Sinamahan ko si Mama Bear pumuntang NSO (National Statistics Office) sa Quezon City, tapos nun punta pa kaming NBI (National Bureau of Investigation). Both places, i have never been before. Napakahabang biyahe. Napakahaba at nakakapagod na kalahating araw. At commute lang yun. May mga kailangan kasing ayusing mga payls si Mama Bear.
Hinatid kami ni Papa Bear sa QC sa NSO. Tapos yun, mga around 9AM andun kami. HUWATDA. Sa tanan ng buhay ko, dun lang ako nakakita ng limpak-limpak na nilalang. Siyempre, ang OA nun diba. Haha. Pinipilahan ang isang kapirasong papel. Huwel, ‘ganun‘ ka-importante ang kapirasong papel na yun para pag-aksayahan ng panahon at pilahan. At meron dung number. I mean, ‘number’. Pass mo yun para makuha mo ang hinahanap mo! Haha. Joke. Para basta, gets mo? Haha. Basta yun yon. Yun yung number mo sa pila. At kailangan mong hintayin ang turn mo! Nasa 1500 na yung tinatawag. At anung number ang nakuha namin ni Mama Bear? 4000+. Hooraaaayyy! Mahusay.
At biglang nagulo ang mundo. Actually, hindi naman nagulo. Nagulat nga ako eh. May lumapit samin ni Mama Bear na babae. Binigay samin ito:

1873
1873 yan! In-edit ko na lang dahil hindi na mababasa. :) SURPRISING, eh? Haha. Dun namin unang nakilala at huling nakita si Aling Eba na taga-San Mateo. Sa Rizal. Sa tutuusin, pwede na naman siyang makauwi na eh, since tapos na naman siya. Pero binigyan niya kami ng number, para mapadali yung buhay namin. Pandaraya man yun, eh nakatulong siya sa amin. Binigyan niya kami ng number na 1000+ at kaunting panahon na lang kami naghintay. I mean, basta, meron pa pala nun?! Hehe. Akala ko kasi, lahat ng tao, politician. Hindi pala. ;) Nakakatuwang isipin na meron pa palang natitirang mabuting tao dito sa mundo. [Puma-punchline!]
At nakuha namin yung kailangan namin sa NSO. Nang mas madali. Kaunting oras na lang kami naghintay ni Mama Bear. At kung yung 4000+ pa na number siguro yung gamit namin, eh anung oras na pala nakauwi kung nagkataon? Nakakatuwa talaga yun. At yung number namin, binigay namin sa may 5000+ pa, para naman ma-i-return namin ang favor kahit paano sa iba.
Tapos ayun. NagMRT kami papuntang Taft. Mula Taft, nagLRT kami papuntang Carriedo, sa NBI. Dun lang ako naka-rinig ng “black bolpen po kailangan sa NBI.” ng ilang beses. Akala ko nga, paulit-ulit lang na pinagtitiyagaang sabihin yun nung babae. Haha. Hindi pala. Kasi recorded yun. ;) Kamusta naman siya kung paulit-ulit nga diba. Gandang Music! RnB! Haha.
Magaling, tapos bago mag4PM, andito na kami sa bahay. Nakapanuod pa ko ng Naruto. :D Ang weird naman. Haha. Napanuod ko na naman talaga yun eh. Haha. Nakakatuwa lang panuorin ang ibang palabas na ‘by chance’ mo lang mapapanuod. :)
At ayun. ^^, Hehe.
Goodnights!


















