Archive for Mayo 16th, 2009

h1

dahil kapag nawala yun, ang hirap ibalik!

Mayo 16, 2009

Sa mahigit isang dekada kong nabubuhay sa mundong ibabaw (huwaw! ganun ang umpisa!), mahigit isang dekada na rin akong hirap sa pagtulog. Insomniac ako. (ata?!) At hirap na hirap ako sa pagtulog. Kadalasan, kapag natutulog ako, hapon! Maggagabi na! At sobrang hindi tama ang routine ko. Ewan ko kasi kung bakit kapag gabing-gabi at madaling araw na, saka naman ako aatakihin ng kasipagan, ka-artistic-an (oo!!), mga kalokohan at kung anu-ano pang gumugulo sa utak ko. Para maging dahilan ng riot ng aking mga brain cells. Yeah!

Kaya naman sobrang galit na galit at sobrang badtrip na badtrip ako kapag ginigising ako. Ang hirap hirap i-catch ng antok ni Gudang! At kapag ginising ako, ang hirap na kayang makatulog uli. Huhuhu. Hindi nila alam kung anung hirap ang dinadanas ko para lang i-empty ang utak ko! (Huwaw!) Dahil kapag ita-try ko ng matulog uli, aatakihin ako ng mga kung anu-anong issues. Halo-halo yan. May kung anu-ano bang posibleng mangyari sa Naruto, ano kayang ichura ng next film ng Harry Potter (HBP), at sari-sari store! Xemore! Haha. Hindi naman ako pwedeng magpills, dahil may side effects yun no! Kahit alam kong wala, basta naniniwala ako meron! :D Hmp!

Kaya ayun. Wala lang. At napakafishy nung title ;) Yun lang pala yung inaalburoto ng utak ko. Huwahahaha! :D

The Harry Potter Trio

The Harry Potter Trio

With that, I’ll end this entry.
Goodnights!