h1

Meron pa pala nun.

Mayo 29, 2009

Dapat matagal ko na ‘tong na-i-post. Since medyo matagal na rin namang nag-occur ang happening na ‘to. Mga 2 weeks na. Ang tagal nga nun! ;)

May 21, 2009. Sinamahan ko si Mama Bear pumuntang NSO (National Statistics Office) sa Quezon City, tapos nun punta pa kaming NBI (National Bureau of Investigation). Both places, i have never been before. Napakahabang biyahe. Napakahaba at nakakapagod na kalahating araw. At commute lang yun. May mga kailangan kasing ayusing mga payls si Mama Bear.

Hinatid kami ni Papa Bear sa QC sa NSO. Tapos yun, mga around 9AM andun kami. HUWATDA. Sa tanan ng buhay ko, dun lang ako nakakita ng limpak-limpak na nilalang. Siyempre, ang OA nun diba. Haha. Pinipilahan ang isang kapirasong papel. Huwel, ‘ganun‘ ka-importante ang kapirasong papel na yun para pag-aksayahan ng panahon at pilahan. At meron dung number. I mean, ‘number’. Pass mo yun para makuha mo ang hinahanap mo! Haha. Joke. Para basta, gets mo? Haha. Basta yun yon. Yun yung number mo sa pila. At kailangan mong hintayin ang turn mo! Nasa 1500 na yung tinatawag. At anung number ang nakuha namin ni Mama Bear? 4000+. Hooraaaayyy! Mahusay.

At biglang nagulo ang mundo. Actually, hindi naman nagulo. Nagulat nga ako eh. May lumapit samin ni Mama Bear na babae. Binigay samin ito:

1873

1873

1873 yan! In-edit ko na lang dahil hindi na mababasa. :) SURPRISING, eh? Haha. Dun namin unang nakilala at huling nakita si Aling Eba na taga-San Mateo. Sa Rizal. Sa tutuusin, pwede na naman siyang makauwi na eh, since tapos na naman siya. Pero binigyan niya kami ng number, para mapadali yung buhay namin. Pandaraya man yun, eh nakatulong siya sa amin. Binigyan niya kami ng number na 1000+ at kaunting panahon na lang kami naghintay. I mean, basta, meron pa pala nun?! Hehe. Akala ko kasi, lahat ng tao, politician. Hindi pala. ;) Nakakatuwang isipin na meron pa palang natitirang mabuting tao dito sa mundo. [Puma-punchline!]

At nakuha namin yung kailangan namin sa NSO. Nang mas madali. Kaunting oras na lang kami naghintay ni Mama Bear. At kung yung 4000+ pa na number siguro yung gamit namin, eh anung oras na pala nakauwi kung nagkataon? Nakakatuwa talaga yun. At yung number namin, binigay namin sa may 5000+ pa, para naman ma-i-return namin ang favor kahit paano sa iba.

Tapos ayun. NagMRT kami papuntang Taft. Mula Taft, nagLRT kami papuntang Carriedo, sa NBI. Dun lang ako naka-rinig ng “black bolpen po kailangan sa NBI.” ng ilang beses. Akala ko nga, paulit-ulit lang na pinagtitiyagaang sabihin yun nung babae. Haha. Hindi pala. Kasi recorded yun. ;) Kamusta naman siya kung paulit-ulit nga diba. Gandang Music! RnB! Haha.

Magaling, tapos bago mag4PM, andito na kami sa bahay. Nakapanuod pa ko ng Naruto. :D Ang weird naman. Haha. Napanuod ko na naman talaga yun eh. Haha. Nakakatuwa lang panuorin ang ibang palabas na ‘by chance’ mo lang mapapanuod. :)

At ayun. ^^, Hehe.
Goodnights!

14 mga puna

  1. hahahahaha…bata ka pa nga…pag magwowork ka na…pipila ka rin ng ganun kahaba hahahahahaha


  2. haha..yun pala nangyari gudang! haha..ang swerte nyo naman..maraming salamat kay aling eba..hahaha..parang tindahan ni aling nena?ha? haha, ang weirdo lang h, magkarhythm lang kasi eh..hahaha

    akala ko hndi mo maisasama yung kasama ang napakahabang pila sa unang una mong mga sinabi, yun pala yun yung point mo dito..hehe..yan ang pinakaaayaw ko, ang napakahabang pila! hahahaha..nice naman sanyo..hehe, kamusta naman kaya yung mga nakakuha pa nung 6000+ kaya tama din pla yung sinasabi sakin ng mama ko lagi basta may pupuntahan kang may pila talaga na dapat lagi kang maagang punta para kaw una, tapos agad..hahaha:)


  3. Naku sabi nga daw nila mahirap kumuha ng NSO, samin naman lola ko lagia kumukuha (di pa naman siya katandaan) grabe naman 4000+ ! Buti may nagbigay sa inyo. Haha. Ang arte eh no, kelangan black bolpen XD


  4. gudang. jusko. namiss kita. harhar…
    nga pala taga san mateo ako.. nainip na siguro si aling eba kaya binigay na lang ang numero nya sa inyo..putek ang layo parin 1000..hahaha.. hai jusko pinas..


  5. si papa bear ay malakas
    si mama bear ay maganda
    si baby bear ay napakaliksi
    tingnan nyo!tingnan nyo!ang saya nila!


  6. hello gudang san ba kayo nagsusuot?? lol. alam mo nkakapagod mag ayos ng papeles no? hala lalo kapag workinh kana. kaya lam ko yang sinsabi mong limpak limpak na tao! haha

    moreover ok na din kasi mukang na enjoy mo naman ang lakaran kasi hyper ka na nman hehe. teka san ka naman nitreat ng meryenda ni momi bear? :D


  7. ang kulit naman non ang haba ng pila..parang enrollment lang sa suking unibersidad a


  8. 40000+???? grabe ha.Ü wala akong tyagang maghintay ng ganyan. wala na bang ibang paraang maisip ang gobyerno para mapadali ang buhay natin? Hahaha. Puro sila kurakot. Buti may tumulong sa inyo.


  9. Maswerte ka girl, maayos-ayos pa at mabilis ang pagkuha ng NBI sa carriedo! Pumunta ka dito sa Cavite, kelangan alas4 pa lang nakapila ka na waaah!


  10. d ba may delivery service na ang NSO teng?


  11. ay natry ko na yan. pero hindi ako kundi sila mama. nagpapasama kasi. grabe! nakakabaliw iyon!
    buti na lang nga kamo’t may kakilala kayo.. samantalang kami eh wala talaga nung panahon na yun kaya isang nakakapagod at nakakagutom na paglalakbay talaga! anyhoo!
    congrats sa mommy!
    ahoooo!


  12. hello gudang… musta, buti hindi ka bumili ng pekeng sedula sa NBI… kung nagkataon bakag naulit ang sigaw sa pugad lawin at hihiyaw ka ng…

    “sabay sabay nating punitin ang letcheng sedulang ito…”


  13. hi ate gudang ! musta kna ?? hehe . (prang close tau e noh .. ) hehe . mag start ka na ulit mag tipa ng posts! miss ko na mga entry mo e. hehe .. :)


  14. gudang nasan ka na?



Mag-iwan ng Puna