h1

i’m back with katangahan. :)

Hunyo 17, 2009

Grabeness. Ang tagal ko palang hindi nagalaw ‘to. At sobrang nilalangaw na ang blog ko. May sapot na ng gagamba. HUWEEEH. Hahaha. :D

1st day of school ko ngayon! :| As 2nd Year College. And to my disappointment. Sobrang ga-haba-habang pila ang nadatnan ko. Inikot na ang buong Morayta dahil diyan sa H1N1 na iyan. Akala ko hindi ako male-late kahit nagbus ako, kahit na-mali pa ako ng gising, kasi saktong 7:25AM nasa school ako. 7:30 start ng Accounting ko. AYUN! No choice. Pumila ako dun. At buti na lang, hindi 37 degrees and above yung temperature ko kundi talo-talo na! Ang haba ng pinila ko tapos papauwiin lang ako! Hala naman! Haha.

At may sumpa siguro ngayong araw na ‘to? Tssss. Last subject namin ay 1:30PM. Pinasulat kami ni Prof Cruz sa isang 1/4 yellow pad ng basic info about ourselves at kung anu-anong mga alam namin sa subject niya. Ako naman ‘to si gago, sige hala, sulat! Nagsulat ako, piniga ko yung utak ko. Sa kung anung alam ko about sa ECONOMICS na yan!  Tanung pa ko ng tanung kay Margie kung ano bang pwede mailagay. Dahil sa lahat ng subjects sa mundo, any subjects related to Science and Economics–ang SUMPA para sakin. Kaya ayun.

Nag-introduce pa nga kami eh. Nagtataka din ako kasi gusto malaman ng Prof namin kung anu daw yung nicest place we’ve been to during Summer. Blahblahblah. I wonder, anong relation nun sa Eco?

And to my disappointment AGAIN, WOSH! ENGLISH 2 pala yung subject namin na yun!!!!! Hindi Economics. Napasa na namin yung yellow pad. Hala naman. Ilang brain cells ginamit ko sa pagsagot nun, tapos English pala yung subject na yun. Sana hindi niya mabasa yung nilagay ko. Nakakahiya, T_T Anu ba yan Gudang. Pero hindi naman ako nag-iisa. Damay-damay na ‘to. Haha. Ganun din akala ng katabi ko. ;p

LESSON LEARNED? Matutong Makinig!! Solid yan!

ANYWAY. goodnight. :S
Sleepyhead. Zzzzz.

7 mga puna

  1. welkam bak gudangski! hahahahah kakatuwa naman ang iyong first day of skul as sophomore….gud lak!


  2. wow, nice start hehehe. atleast history na yan sa buhay mo! welcome home again.


  3. nyahahahahaha wala yah sa 1st day ko…. akala ko biglang nagkaroon ng college of agriculture ang school namin…. pano kasi yung mga freshies na boylets mga mukhang magsasaka… kainis… gusto ko na tuloy mag transfer ng school……:)


  4. ako man. ngayun na lang nkapagblog. sobrang busy. :)


  5. Nyaaaah!

    welkam baks girl.. :)


  6. nyahahaaha! adik ka!
    ginawang economics?

    kaya ako talagang binabasa ko ang sked ko ng bonggang bongga… babasahin ang oras, code, at room… hahaha!


  7. oi gudang!
    akala ko sobrang dami dami na ng nakalagay sa blog mo ngayon, as in parang pila kapag kukuhanin yung temperature mo! hahaha..parang sira lang eh..hehe
    ganun din pla sanyo, samin din eh, umabot hanggang mendiola! haha..joke lang..lumampas kami sa tapat ng mini stop..lam mo yun dba? hehehe..ayun..haii..woi gudang..2nd year na tayo..ilang taon na lang ba? 10?20 years? hahahaha:)



Mag-iwan ng Puna