Imbak para sa Kategoriyang ‘buhay nga naman.’

h1

feed me.

Setyembre 14, 2009

HAHA. Sabi ng blog ko, “feed me” daw. Aww. Nagtampo na ang aking blog dahil puro FarmVille, Barn Buddy, at kung anu-anong ETC ng FB ang ginagawa ko. Hehehe. :) Ang dami pa palang bumibisita ng E-bahay ko. Gusto kong magpasalamat kina: ————– HAHAHA, Sorrry, ang dami pala nila. Hehe. :D Basta lahat kayo diyan! Mga suki! Hahaha. Jk. :D

Ang galing nga naman, 2nd Year College na ko. Hahaha. Mukhang walang nagbago. Ay, mali, marami pala. Mas nahihirapan ako ngayon, dahil may maintaining grade. Na sobrang kinaiinisan ko. “No grade lower than 2.5″ Kundi, OUT! Hanep! Haha. Hayy. Konti na lang, mawawalan na ko ng social life. Haha. :) At konti na lang, magsasawa at mapipikon na si Gudang. :]

Bakit ba naman kasi sa dinami-dami ng pwedeng maging mahirap, ACCOUNTING PA? Haha. Goodwill Bonus ETC! Watdahel. Hahaha. :) Pero okay lang yan, as they always say, “kaya mo yan!” Hahaha. :] Yessirrr! At kapag hindi kinaya, magmamani-obra ng: “okay lang yan!”

Malapit na rin matapos yung Sem, nako. Parang kailan lang, OP pa kaming apat sa bago naming section. Ngayon, OP PA DIN!!!!! Hahaha. :) (FYI: OP means “Out of Place”) Haha. As I said, matatapos na din naman yung Sem, kaya OKESH lang yun. Bagong world of students na naman, bagong place na naman para maging Out of Place. Hala. Kamusta naman! :) Hahaha.

Hindi dahil walang sumisita sa’yo, pwede ka ng gumawa ng Mali!”

Ayan, kasi. Anu ba yan. Diyan! Diyan ka magaling! Ano ba yun? Wala lang. Gawa lang. :) Pero totoo yan. Naa-apply nga yan kahit sa simpleng scenario lang.

Halimbawa, nagtatapon ka ng balat ng candy kung saan-saan. Patuloy mong gagawin yun dahil wala namang nagsasabi sa’yo na mali ang ginagawa mo, na hindi ok ang magtapon ka lang sa kung saan-saan, dahil wala naman ngang nagagalit sa’yo diyan sa ginagawa mong kahit sabihin mong simple lang naman yun at mababaw, ikaw kaya! Tapunan ka ng basura sa bibig! Tsk. Ayoko na, ‘di na tayo bati! Haha. Jk lang. Basta yun. :] Ayun at sana may natutunan ka dun.

Ewan ko ba. :)
Babalik ako sa… SOON. :]
Goodnights! Mwah!

h1

wisha-wisha-wisha-wisha-wish.. COME TRUE!

Hunyo 21, 2009

I wish. Haha. I am 16 going oooooonnnnn 17! Tomorrow. :D June 22. I’m not excited. Haha. Wala namang dapat ika-excite bukod sa nadagdagan na naman ang bilang ng taong inilagi ko dito sa mundo. Hehe. Thank you Bro. :D Mabuti naman at buhay pa ko. Hehe.

WISH LIST? Haha. Alam kong hindi ko makukuha itong mga bagay na ‘to. Pero gagawin ko na lang din. Haha. :D Yung iba pala, pwede ko ding makuha. Time lang kailangan ko. Haha!

1. Kahit anong NARUTO

be it a slippers?

Be it a slipper?! O kahit ano pa yan. Haha. Basta andun yung mukha ni Naruto. O kaya ni Kakashi. Haha. Masaya na ko dun. Hahaha. Kahit nga yung totoong Naruto eh. Hahaha. Sasaya talaga ako dun! ;p

2. Kahit anong Yoh

asakura-yoh

Hmm. Matagal-tagal na din pala simula nung mangulekta ako ng mga ganyan. Haha. :D Hindi ko naituloy. Haha. Kaya ngayon, uumpisahan ko ulet! Grrrr! Hahaha. Go Dang! Haha. :D

3. hpHarry Potter Chorva

Hmm. Imposible din ‘to eh. Nabasa ko lang kasi ‘to sa Multiply ng HP. Yung mga may tour sa mga set ng HP. Mga ganun. Haha. :D oh well, ‘pag yumaman ako, bibilhin ko lahat yan. Bwahahaha! >:))

At yun lang naman? Haha. Masaya pa din naman ako kahit wala yung mga yan eh. Haha. :D Hindi naman ako ‘materialistic’. HUWHOOOAAA! Gusto ko bagong cellphone, laptop etc. Joke. :D Hahaha. Okay lang. May nadagdag na naman pala sa life long-term goals ko. Haha. Ang ma-learn ang lahat ng languages all over the world. Hahaha! :D Gusto ko yuuuuunn! Haha. :D

Ang gusto ko lang ngayon, ma-survive ko ang College ko. At ito lang ang gusto kong makita sa class card ko:

286987_number_oneMaa-achieve ko ba yan? Haha. Ewan. Happy birthday na lang saming dalawa ni soulmate bukas. Hahahaha! Soulmate eh no. Whatever! Haha. :D Goodnights!

h1

i’m back with katangahan. :)

Hunyo 17, 2009

Grabeness. Ang tagal ko palang hindi nagalaw ‘to. At sobrang nilalangaw na ang blog ko. May sapot na ng gagamba. HUWEEEH. Hahaha. :D

1st day of school ko ngayon! :| As 2nd Year College. And to my disappointment. Sobrang ga-haba-habang pila ang nadatnan ko. Inikot na ang buong Morayta dahil diyan sa H1N1 na iyan. Akala ko hindi ako male-late kahit nagbus ako, kahit na-mali pa ako ng gising, kasi saktong 7:25AM nasa school ako. 7:30 start ng Accounting ko. AYUN! No choice. Pumila ako dun. At buti na lang, hindi 37 degrees and above yung temperature ko kundi talo-talo na! Ang haba ng pinila ko tapos papauwiin lang ako! Hala naman! Haha.

At may sumpa siguro ngayong araw na ‘to? Tssss. Last subject namin ay 1:30PM. Pinasulat kami ni Prof Cruz sa isang 1/4 yellow pad ng basic info about ourselves at kung anu-anong mga alam namin sa subject niya. Ako naman ‘to si gago, sige hala, sulat! Nagsulat ako, piniga ko yung utak ko. Sa kung anung alam ko about sa ECONOMICS na yan!  Tanung pa ko ng tanung kay Margie kung ano bang pwede mailagay. Dahil sa lahat ng subjects sa mundo, any subjects related to Science and Economics–ang SUMPA para sakin. Kaya ayun.

Nag-introduce pa nga kami eh. Nagtataka din ako kasi gusto malaman ng Prof namin kung anu daw yung nicest place we’ve been to during Summer. Blahblahblah. I wonder, anong relation nun sa Eco?

And to my disappointment AGAIN, WOSH! ENGLISH 2 pala yung subject namin na yun!!!!! Hindi Economics. Napasa na namin yung yellow pad. Hala naman. Ilang brain cells ginamit ko sa pagsagot nun, tapos English pala yung subject na yun. Sana hindi niya mabasa yung nilagay ko. Nakakahiya, T_T Anu ba yan Gudang. Pero hindi naman ako nag-iisa. Damay-damay na ‘to. Haha. Ganun din akala ng katabi ko. ;p

LESSON LEARNED? Matutong Makinig!! Solid yan!

ANYWAY. goodnight. :S
Sleepyhead. Zzzzz.

h1

Meron pa pala nun.

Mayo 29, 2009

Dapat matagal ko na ‘tong na-i-post. Since medyo matagal na rin namang nag-occur ang happening na ‘to. Mga 2 weeks na. Ang tagal nga nun! ;)

May 21, 2009. Sinamahan ko si Mama Bear pumuntang NSO (National Statistics Office) sa Quezon City, tapos nun punta pa kaming NBI (National Bureau of Investigation). Both places, i have never been before. Napakahabang biyahe. Napakahaba at nakakapagod na kalahating araw. At commute lang yun. May mga kailangan kasing ayusing mga payls si Mama Bear.

Hinatid kami ni Papa Bear sa QC sa NSO. Tapos yun, mga around 9AM andun kami. HUWATDA. Sa tanan ng buhay ko, dun lang ako nakakita ng limpak-limpak na nilalang. Siyempre, ang OA nun diba. Haha. Pinipilahan ang isang kapirasong papel. Huwel, ‘ganun‘ ka-importante ang kapirasong papel na yun para pag-aksayahan ng panahon at pilahan. At meron dung number. I mean, ‘number’. Pass mo yun para makuha mo ang hinahanap mo! Haha. Joke. Para basta, gets mo? Haha. Basta yun yon. Yun yung number mo sa pila. At kailangan mong hintayin ang turn mo! Nasa 1500 na yung tinatawag. At anung number ang nakuha namin ni Mama Bear? 4000+. Hooraaaayyy! Mahusay.

At biglang nagulo ang mundo. Actually, hindi naman nagulo. Nagulat nga ako eh. May lumapit samin ni Mama Bear na babae. Binigay samin ito:

1873

1873

1873 yan! In-edit ko na lang dahil hindi na mababasa. :) SURPRISING, eh? Haha. Dun namin unang nakilala at huling nakita si Aling Eba na taga-San Mateo. Sa Rizal. Sa tutuusin, pwede na naman siyang makauwi na eh, since tapos na naman siya. Pero binigyan niya kami ng number, para mapadali yung buhay namin. Pandaraya man yun, eh nakatulong siya sa amin. Binigyan niya kami ng number na 1000+ at kaunting panahon na lang kami naghintay. I mean, basta, meron pa pala nun?! Hehe. Akala ko kasi, lahat ng tao, politician. Hindi pala. ;) Nakakatuwang isipin na meron pa palang natitirang mabuting tao dito sa mundo. [Puma-punchline!]

At nakuha namin yung kailangan namin sa NSO. Nang mas madali. Kaunting oras na lang kami naghintay ni Mama Bear. At kung yung 4000+ pa na number siguro yung gamit namin, eh anung oras na pala nakauwi kung nagkataon? Nakakatuwa talaga yun. At yung number namin, binigay namin sa may 5000+ pa, para naman ma-i-return namin ang favor kahit paano sa iba.

Tapos ayun. NagMRT kami papuntang Taft. Mula Taft, nagLRT kami papuntang Carriedo, sa NBI. Dun lang ako naka-rinig ng “black bolpen po kailangan sa NBI.” ng ilang beses. Akala ko nga, paulit-ulit lang na pinagtitiyagaang sabihin yun nung babae. Haha. Hindi pala. Kasi recorded yun. ;) Kamusta naman siya kung paulit-ulit nga diba. Gandang Music! RnB! Haha.

Magaling, tapos bago mag4PM, andito na kami sa bahay. Nakapanuod pa ko ng Naruto. :D Ang weird naman. Haha. Napanuod ko na naman talaga yun eh. Haha. Nakakatuwa lang panuorin ang ibang palabas na ‘by chance’ mo lang mapapanuod. :)

At ayun. ^^, Hehe.
Goodnights!

h1

Lucky much?

Mayo 17, 2009

Lucky much?
by Gudang

After I flunked the second quiz in Business Law, I thought of it as my first downfall in College. It was the Second Semester of being a freshman. It was the start of dueling with the major subjects. The First Semester consisted of the General Curriculum (the minor subjects).

For a First Year student, who’s just starting College life, everything was just all about getting ‘3.00’ (the passing grade) for any subject. ‘Lucky’ is what they call the students who were able to get a grade higher than ‘3.00’. Once, I belonged to that group of students who thinks that way, and I don’t actually care if I would get a ‘3.00’ too. I guess it was a sheer luck that I never get myself a grade lower than ‘1.75’ the First Semester. Who cares, though? I’m just starting yet.

I got a bit anxious then when I encountered my first ever two major subjects the Second Semester. It’s an awkward thing to say, but I think my ‘being laidback’ days were over. Those subjects frightened me to the extent that I never would want myself to get failed in any quiz, only I was not that type of person who wanted to nag or express my fears. Sure, my siblings were of great help because they seem to know the dos and don’ts of a student pursing a course like mine. They’ve been tutoring me and giving me some tips. And there is no reason for me to give this whole thing up and fail.

When I got my second quiz in Law failed, I have begun to ponder: what if “Accountancy” is never really for me? A lot of sleepless nights were spent thinking. Sure, a failed quiz has almost ruined everything. It seems like I can never get over it, but I did. I’m overreacting, okay? I’m just not used to the fact that I failed a major exam of a major subject. It was my first time in College to get a mark like that. I came to think of it, and I realized another quiz will be given; I can still make up for the failed quiz. It wasn’t the end of the world yet. Ha-ha! The Second Semester’s fears were fought by having a handful of ‘guts’, another handful for ‘determination’, and a lot of prayers all through out.

Sure, I’m not the best in my class. I never was, but I cope up. Definitely, not the one you can admire or be inspired of. I was just one of those few who kept telling herself not to worry much, and it might work out somehow.

It was also in Second Semester that I have learned a new study habit. It was a torture. I made night times a nightmare by making it a day time, and vice versa. I sleep at day time; I study at night time until dawn. And during that time, I kept wishing that the cups of coffee I drank were enough to keep me awake while reviewing my notes. I’ll sleep for an hour or two. And I’m back at the school again, gathering some time alone, reviewing and checking for the last minute if those things I reviewed that night were able to stay in my head. It was a really troublesome study habit; my parents didn’t like the idea. But hey, it helped! Then I got my Second Semester grades and they were all fine. No grade of ‘3.00’ and lower than that. Luck again? Maybe.

Just when I thought the trials for my first year was over, another thing came up. I need to pass a Qualifying Exam for the admission of BS Accountancy as Second Year. I knew that sooner or later, it will come. It was a difficult exam, they say. Only a few were able to pass the last Qualifying Exam. I think, it was feared by most of us who will take it. It’s scary, you know, you’re unsure if you’ll pass. And the failure of that exam is much more of a downfall than that of a failed quiz. A lot of my classmates kept asking me on what will I do if I wasn’t able to make it. And I always answer them: “Well, ewan ko. Bahala na kung anong mangyare. Pero ayokong isipin na babagsak ako. Ayokong isipin ‘yung iba kong gagawin kung babagsak man ako, dahil ang gusto ko lang e pumasa.” It’s true; I don’t really want to think about it. Whatever happens happens. It is simply as I don’t want to fail, I want to pass and I need to focus on the goal. I took the said Qualifying Exam last March. Guess what? With luck again, I passed.

I might have got high marks in some exams, and surely, failed a number of them. But look, here I am now, still surviving College. With all the efforts, the guts and determination, and the abnormal routine of studying, it is all worth it, isn’t it? I’m always saying that I think maybe because of LUCK, I was able to get through. Okay, I was lying. I never believed in ‘chances’, nor in ‘luck’. But I do believe in will and determination, and of course, prayers.

I’m now waiting for another school year. I was thinking of how lucky could I get, and wondering how much worse could happen. I have to work harder. Well, what are the exceptions? There isn’t one. I’m obliged to study harder, for if BS Accountancy is not for me, I would be raising hell and make it want me. I’ve got to get better at this because things are not getting easier as I progress. It will be a lot bloodier, surely. Long years ahead!

–Actually, I wrote this for a Contest, only to find out, HINDI PALA GANUN!!! Haha. Yung Top 10 Most Influential Blogger? Haha. All right, kapalmuks! So what? Haha. Wala lang, if ever na rin siguro mabasa ‘to ng mga estudyanteng katulad ko, okay na din na ma-feel good sila para sa sarili nilang kakayahan, DIBA!

Nagkamali ako eh. Akala ko ‘entry’ as in entry na susulat ka. Pero anyway, so much for that. At least I wrote something with sense, i think? Whachuthink?! Haha :D

h1

ang alamat ng iPod.

Mayo 4, 2009

Hindi ko isusulat ang aking views about sa pagkapanalo ni Pacquiao ngayon. Dahil alam kong napakainit pa ng balitang yun. Hehe. Baka next days na lang. Pero ‘Congratulations Manny!‘ na lang muna ngayon. :)

DISCLAIMER: Ang mga sumusunod na pagsasalaysay ay base sa tunay na buhay. Lubha itong nakakaiyak kaya patnubay ng parents ang need! Mwah! [Arte!!!]

iPod Nano ko

iPod Nano ko

Ang larawan sa tabi ay ang aking iPod Nano na tumagal sakin ng 1 year. 4th Year HighSchool ako nun. Pinadala sakin ni Ate Judy galing Canada. 1Gig yan. Pero iyan ang dahilan noon para mabuhay pa ako. Ano?! Haha. Joke. Lagi kong kasama yan. Kahit saan ako magpunta. Tapos madalas akong masabihan ng Mama Bear ko na baka daw masira na yung tenga ko. Haha. Bulag na nga daw ako, magiging bingi pa. Haha. [i'm bespectacled kasi].  Nakakatulugan ko pang gamit yan.

Tapos. Isang araw ng November last year. Kasagsagan ng SemBreak. Siyempre, kapag walang pasok, hindi ako gumigising ng maaga. Kalokohan yun at himala kapag nagising nga naman ako ng maaga. Nung mga time din na yun, pang-night duty si Ate Maureen [kasama ko sa kwarto] so mag-isa lang ako natutulog dun. At nila-lock ko yung pinto.

Kumatok si Mama Bear sa door. Sabi niya kukunin niya daw yung bedsheets. Lalabhan daw niya. So ako naman, ‘oo ako’. Kasi nga inaantok pa ko nun. Mga around 6AM na noon. So ayun, natulog ako sa kamang walang bedsheet and everything. Kumot lahat. Punda.

Kumatok uli si Mama Bear. Tulog pa din ako. Around 10AM? Inaantok-antok pa ko nun. Pero nabuksan niya na yung pinto at kinausap ako…
Mama Bear: Magkano ba iPod?
Gudang: [it sounded good to hear a question like that] Depende po.
Mama Bear: Kasi yung iPod mo, nalabhan ko.
Gudang: [huwaaaaaaaaaaaaaahhtttt!!!] Po? [nagising ako!]
Mama Bear: Kaya pala parang may gumagaralgal sa washing machine.
Gudang: …
Mama Bear: Gusto mo ba isampay ko pa? [tawa]

Parang nagulo yung mundo ko for 3 minutes. Ang tagal nag-sink in sakin ang panibagong problema. IPOD KO! NALABHAN!!!!! Anak ng!! Haha. Pero wala akong masisisi kung hindi yung sarili ko. I’m careless and that’s all.

Parang naaalala ko pa yung mga scenes nung panahon na kinikwento ko sa mga kaibigan ko yang pangyayaring yan. Hindi ko alam kung matatawa ako o malulungkot o ano. Hahaha. Sabi nila, kinakarma daw ako. Ang sama ko daw kasi. Sabay tawa. Hahahaha! :))))

ipod

iPod ko na naman

At siyempre, gusto kong ipakilala ang bago kong kasa-kasama ngayon. iPod Shuffle. Binigay sakin yan ni Mama Bear nung December din last year. Mahal na mahal kasi ako nun. Medyo matagal na yung circumstances sa taas. Nakalipas na.

Ngayon ko lang nakwento ang mga yan dahil ngayon lang ako naka-move on. WHOAAAAA!!! Hahaha. Joke. Ngayon ko lang din kasi naalalang i-kwento.

Hindi na bumubukas yung iPod Nano kong nalabhan. Parang apple na kinagatan pero hindi mo na maibabalik yung original na hugis ng buong apple. Nakakalungkot pero kailangang makisama sa panibago. :) Lesson learned? ‘Wag pagbuksan si Mama Bear ng pinto kapag kumakatok! Jooooookkkkeeeeee! Labyu Mama Bear! Sa lahat ng chop-chop, ikaw ang buo!

Kaiyak no?

At HOORAAHHH! :))) Hindi ko naman in-expect na makatanggap ng isang award. Haha. Angkulet. Dati, kapag nagbblog hop ako, nakikita ko lang yung mga bloggers na binibigyan ng kapwa naming bloggers ng award. Naisip ko nga dati kung makakatanggap din ba ko nun? Hahahaha! Drama! Speech?! Haha. Kaya salamat kay Ate Joycee para dito:

From Ate Joycee

From Ate Joycee

At dahil sa mangmang ako, hindi ko alam kung paano ito gumagana. Basta may pangdisplay na ko sa gilid. Kung dahil nga ba naman amazing ang aking blog o wala ng mapili si Ate Joycee, MARAMING THANKS pa din :) Mwah!

Goodnights! :)

h1

buhay estudyante nga naman

Abril 8, 2009

Gin-rab ko lamang ito sa aking batchmate. Natuwa ako eh. Shshare ko na lang. Ito daw ang ichura ng mga estudyante….

1. Habang nagqquiz

2. Kapag dinismiss ng Prof

3. Habang nag-aaral

4. Pagtanggap ng long exam

5. Pag smart kang sumagot

6. Pag nagsuspend ng pasok dahil may bagyo

7. Dinibdib mo ang pag-aaral tapos wala naman palang quiz

8. Pag lumabas na mga results ng grade

9. Pag nanghinayang ka sa one point para pumasa

10. Pag binati ka ng crush mo

11. Pag gusto mong maghiganti sa kaaway mo

12. Pag magca-cut ka ng class

13. Pag kausap mo ang crush mo

14. Tuwing elistment

15. Pag ‘di mo alam kung paano sagutan yung quiz

16. Pag naghihintay ng jeep

17. Pag wala ka ng maintindihan sa Prof

18. Pag umaasang magbibigay ng plus

19. Ginagawa para pumasa ka

20. Pag feeling mo binigay mo na best mo pero hindi pa din sapat

21. Pag nag-brain freeze nung uminom ng shake

22. Pagkatapos ng exam

23. Pagkatapos ng lunch

24. Pag tinatamad na mag-aral

25. Pag uwian na

Haha. Naramdaman ko na ata lahat yan. After all, ESTUDYANTE AKO EH! :)

h1

HELP, please?

Marso 27, 2009

Can’t do it alone..
– galing na naman yan sa kantang The Show by Lenka. Pakinggan niyo nga yun para maka-relate sakin. Ha? OKAY! Wosh!

Ibig sabhin ng “can’t do it alone..”, kailangan ng tulong! HEEEELLLLPPP!!! I miss… Joke! ~~~~ Hayy nako, ano ba yan. Puro joke! :D

FAVOR? Nanghihingi ako ng mga tulong niyo. Donasyon para sa pagpagawa nitong PC namin, HEHE. Loko lang. AYUN NGAAA! Para IPAGDASAL ang kaluluwa ko, at isama na din natin ang kaluluwa ng aking mga kaibigan? Hindi ko na muna sasabihin ang dahilan. Pero kung pipilitin niyo ko, HMM.. Hindi pa din! :D ‘Wag mo nang tangkain hulaan, maraming salamat.

Pero nais (wow! nais!) ko lang humingi ng kaunting puwang (wow! kaunting puwang!) sa inyong mga dadasalin? Naniniwala akong napakalaking bagay ng mga PRAYERS, kaya maaari (wow! ay litse ka Gudang, pansinin mo na lahat ng nilagay mo dito!) bang ipagdasal mo ko mula ngayon hanggang March 30?

Paki-request naman kay Papa Jesus na: Bless Gudang with a sound mind. Maalala niya ang lahat ng dapat niya maalala. ‘Wag malilito. Grant her wisdom always. Let her choose the right one. Let her work harder. Let her do her best. And please Papa God, may you do the rest? (okay lang kung gusto mong isulat o kaya i-memorize mo, para bago matulog o bago magsimba sa Sunday, alam mo na!)

I still believe in the POWER of PRAYERS. ‘Wag kang mag-alala, I’ll do whatever I can. :D Alam kong wala akong karapatan humingi ng tulong sa inyo para ipagdasal niyo ko kung hindi ko naman matututuhang tulungan ang sarili ko. I WILL and I SHOULD. Kundi KABOOM! Haha.

At ayoko rin namang masira pa ang pangalan mo kay Papa Jesus kung sakali, baka sabihin niya pa: “Barbero ka! Hindi naman nagtitino si Gudang!” Bestfriend ko din yan si Papa Jesus, tutulungan niya ko. Tulungan niyo din ako. Hehe. Is that too much that I’m asking for? :) Kailangan ko lang talaga naman :D

Naniniwala kasi akong malaking tulong ang PRAYERS eh. Tried and tested. Guaranteed kung baga. At kailangan ko talaga ng maraming source, sana kahit isang sentence lang na: Paki-tulungan na lang po ang tamad na si Gudang. :D *parang awa niyo na po huhuhu* Hehe. :) Kahit hanggang March 30 lang, pramis. Maraming salamat po! Mabuhay po kayo! (YM?!)

“Don’t worry, it’ll work out somehow.”
- Yoh Asakura from Shaman King

BELIEVE IT! :)
goodnights!

PS: At baka pansamantala akong mawala. Hmm, inaasahan ko ang mga donasyon niyo! SALAMATS! Should you have read this entry, kindly spread the news! HEEEEEELLLPPP MEEEE! :) More Prayers, More Chances of Winning! PER DTI NCR PERMIT NO. 7777 :) ILYSM! Papa God! Mwah!

h1

life is a maze and love is a riddle.

Marso 24, 2009

Naka-RepeatOne ang Shuffle ng Itunes ko ngayon. At yan lang ang kanta. Sobrang LSS. Ang cute nung boses. Haha.

I’m just a little bit caught in the middle
Life is a maze, and love is a riddle
I don’t know where to go, can’t do it alone
I’ve tried and I don’t know why

Haaayy. UPDATE! Walangya yan. Ang ranking ng blog ko naging 300+ na kaagad. Haha. Hindi lang ako makapagblog dahil sa PC namin na anung ichurang screen to? Huwaaaahh! Haha. Pero kapag tinatapik mo siya, tumitino ulit. Hayy, kailangan lang niya ng ‘loving touch‘ ni Gudang. Mukha mo nmaaaaannn! Haha.

I got my grades. Nakuha ko na yung Grade Slip sa School. Pero pareho lang, ito yung sa Online:

Gudang's 1st Year 2nd Sem Grades

Gudang's 1st Year 2nd Sem Grades

Hmm. That’s It. And here’s what those Subject Codes stands for:

ACT 1J51: Basic Principles of Accounting
CHEM A: General Chemistry
ENG 1: English 1
FIN 1J51: Basic Finance
LEM 1J02: Law on Obligations and Contracts
PE 2: Physical Education 2
PSY 1: General Psychology

I can’t say if I’m happy. Tumaob talaga ang Psy at Finance ko. Haha. 3 is the Passing Grade. Siyempre, it does not to do with my grades. Love your own grade. Gawa mo yan eh!

Sana lang kasi lahat na lang kami pwedeng magQualifying Exam. Hindi kasi masaya kung ‘ikaw’ lang at si ‘Quali’. Sana wala na lang naka-5.00 sa Accounting or kaya sa Law para sakali naman makapagQuali kaming lahat. I can take the Quali. Sana lang, ‘lahat’ na lang kami.

Hindi ko alam kung dapat bang maging masaya sa mga results. Oh well, bbye 2ndsem. Bbye 1st Year College. Ang gusto ko lang naman ay ‘mayakap ka‘. Joke! Hala. Anu yun?! May nasamang iba. Haha.

Ang gusto ko lang naman ay yung lahat kami makapasok sa BSA. Kasi BS Int Audit kami ngayon. At kailangan ng Qualifying Exam para maging BSA. (Accountancy) Haayy, ‘life is a maze‘. Angas no! Haayy! Anu ba yan.

Gusto kong umalis. Gusto kong pumunta sa malayo. Gusto kong magbakasyon muna. (YAY!) Kaso tinatamad ako. Yun lang. :| Hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko. Natatae ata ako. WAHAHAHAHA! Joke. Hayy.

“You can have anything you want
if you’re willing to sacrifice everything you have.
Nothing goes without a price.
So before you get in the battle,
decide how much you’re willing to lose.”

By the way, Papa saw my grades already and said that the ‘2.25′ there should be the lowest grade i should have– ever. Wait, let’s pause. IYAK MUNA TAYO. Huhuhuhuhuhu :(( Ayun. Okay na. Posible ba naman ba yun? Halimaw lang! Hala.

Hmm. I think, that’s that. I don’t have anything to say na. MagPRAY na lang tayo na sana, na sana lang talaga, makapasa ang lahat ng magteTake ng Qualifying Exam sa March 30. “Mahirap” daw eh. 4 nga lang daw nakapasa ng Quali last sem. Sabagay, “No one ever said that there’s an easy way.” nga eh, di ba. Haaayyy talaga. Nakakaubos ng lakas. (OMG!) Haha. Kakaisip! Ano ba yan.

Kailangang maging optimistic ngayon, sobrang kailangan yun. Let the negatives vanish and let the positives conquer everything. Walang masama kung susubukan. May masama kung hindi susubukan. Huwag matakot sa hindi pa makita. Nobody can predict the future. It’s pointless to fear the unknown. “You can’t win on everything but you can TRY.” OKay na yun! :D Try lang naman. Kaya try lang ng try hanggang sa mamatay. Joke. HAHA. :D Puro joke! Tapon na! Haha. Lintek.

Mag-aral na lang tayo mabuti. OO. Tayong lahat. :D Hehe. Sana March 27 na. Gusto ko na makita si Sir Anthony pati ang Chamber Babies. Lumaktaw na at FREEZE NA LANG!! :D Congratulations Graduates! :D

goodnights! :)

“I am just a little girl
Lost in the moment
I’m so scared
But I don’t show it
I can’t figure it out
It’s bringing me down
I know
I’ve got to let it go
And just enjoy the show

h1

let’s kill the time; YEAH!

Marso 19, 2009

Nagstart na ang ‘bakasyon‘ kuno ko. Hindi ko ma-feel. Naba-bother ako sa mga results ng mga kalokohan kong grades. Kinakabahan ako. AMP. Tama na nga yan.

Maaga pala ang vacation ko compared sa iba. Pero vacation kunwari lang naman dahil next week, magstart uli akong pumasok. Start na kasi ng review para sa Qualifying Exam ng BSA. That stands for Bachelor of Science in Accountancy. As all we know, IA pa lang kasi ako. Internal Auditing yun. Ayun. Daming abbreviations. Wishawish ko lang na pumasa kaming lahat sa Quali. HIndi kasi masaya kapag ikaw lang at si tagumpay, ‘di ba? Haha. Sabi ni Bob Ong yun eh!

Nasabi ko dun sa previous entry ko na itatackle ko yung Reci issues. Haha. Anu ba kasi yung Reci na yun?! Mga Recitations yun. Wala lang, naalala ko lang. Mga recitation days sa school.

Maraming iba’t ibang klaseng ‘reciter‘ sa school. At ilan ata sa types na yun, nagampanan ko na:

BAKAW – Wala akong maisip na term diyan kundi yun, BAKAWWWW!! Ito yung minsan nakakaasar na estudyante kasi recite ng recite. Lahat ng tanong ng teacher, sinasagot niya. Kahit nagtanong lang yung teacher na: “Sinong may scissors?” Kahit walang scissors si Bakaw, sasagot pa din siya with effort at sasabihing, “Wala po.” Amf. Ang tanong kasi, sinong meron?! Haha. Sila yung mga estudyanteng hindi marunong maawa sa mga kapwa nilang estudyanteng hindi pa nakakapagrecite. Hindi matatapos ang klase na hindi sila nakapagrecite, yun nga eh dahil sa Bakaw sila. Karaniwang mga Academic Monster kasi sila. *RAWR!*

SEASONAL – Dito ata ako napabilang pagdating ko ng HS. Minsan active, minsan hindi. Seasonal lang kasi. Kapag ‘trip’, magrerecite. At siyempre, ‘pag wala sa mood, hindi na.

PLASTIC – Ayan. Naging ganyan din ako. Naaalala ko kapag Economics namin nung HS. Ganyan ako. Kunwari ‘badtrip’ para kung sakaling makita ni Sir, parang makiki-compensate siya. Pero wala lang yun! Badtrip-badtripan ko lang yun! Haha. Ewan ko ba. Kasi ang hirap ng mga tanong sa Economics, eh kahit naman anong gawin ko hindi ko maintindihan. Eh anong pake ko kung kapag mababa ang supply, mataas ang demand?! Diba. At hanggang ngayon, naguguluhan pa din ako sa Law on Supply and Demand. Ewan. Tapos meron pang times na nagpapadrawing ng graph sa board, OH-NO-NESS talaga. Pero gumagana ang ‘badtrip kunwari’ tactic! I swear! ;p

ASA – Ayan. Naging ganito din ako. Umaasa sa katabi ko o minsan, long distance help pa. With the eyes and read-my-lips help, nakakasalba naman. Minsan naman, itong mga ‘Asa’ nakakainis. Kasi teka, basahin mo yung nasa baba.

ASAHAN – Ito ang kapartner ni Asa. At naranasan ko din ‘to. Nakakainis si Asa kasi tumutulong ka na nga, at sobrang nag-effort ka para lang matulungan si Asa, pero datapwat sapagkat subalit, hindi ka nakatulong kay Asa. Pwedeng hindi ka niya naintindihan dahil sinadya mong hindi ka niya maintindihan, o kaya naman sadyang mahina lang maka-pick up si Asa. Pero kahit ano pang dahilan nang hindi mo pagkatulong kay Asa, sisisihin ka pa niya. Ahwts. Yun eh.

ULTRAELECTROMAGNETIC ASAHAN - Kailangan may ganyan. Dahil naging ganyan ako. Yung ultimo sasabihin ng katabi mo, isusulat mo sa papel, para lang yun na nga ang i-rerecite niya. ‘Pag may follow up question si Teacher, dapat handa ka din, dahil sayo din hihingi ng tulong si Asa. Binigay mo na yung kaliwa mong kamay, ang gusto niya, pati yung kanan pa!

PAASA – Subperson under Asahan. Kunwari lang gustong tumulong para lang masabing tumutulong, pero hindi naman niya talaga intended tumulong! Hayy nako!!

TRIP LANG – Madalas akong ganito. Pag ‘trip lang’, talagang dun lang magrerecite. Magkaiba sila ni Seasonal, dahil si Trip Lang, gusto niyang magrecite para makabasag ng katahimikan. Agaw-eksena. Haha! Ayaw mong maging COA which stands for Center of Attention, pero sadyang gusto mo lang mambasag ng katahimikan.

PARA LANG – Ayan. Ganito din ako. ‘Para lang’. May kasunod kasi yan. ‘Para lang’ masabi na nagrecite ka. ‘Para lang’ kahit paano nakita ka ni Prof na nagrecite. ‘Para lang’ hindi malagay sa recitation mong “not-at-all”. Haha!

BWISET! – Kaya ganyan name nila eh kasi nakakairita naman nga sila. Para silang si Bakaw. Pero hindi eh, si Bakaw kasi, may sense pa minsan magrecite. Eh itong si Bwiset. Wala. Walang pag-asa. Parang tinanong siya kung 1 or 2, ang sasabihin sayo, green! AMF. May kahalintulad sila ni Para Lang. Pero si Para Lang, isasalba niya grade niya. Si Bwiset! Ewan ko! Bwiset siya!

LAKBAY DIWA – Narinig ko yang term na yan noong 1st Year HighSchool ako. LDS pa nga ang tawag diyan ni Sir Filipino, which stands for Lakbay Diwa sa Seton. (Seton aka Elizabeth Seton School) Sila yung mga taong wala, lakbay diwa nga eh. Edi lumilipad yung utak habang nagdidiscuss si Sir. At kapag natawag, ayun, hala, lakbay diwa nga eh!

KAMOT – Ayan. May klasmeyt akong ganyan nung HS eh. Si Kamot. Kamot ng ulo. Kahit hindi naman makati. Hehe. Okay naman sila, mababait. Pero kapag natawag, hala si Kamot, kamot ng kamot. Baka magkapantal eh. Haha! Magsugat pa yan!

SWERTE – Siyempre, meron ring swerte. Yun bang Recitation na hindi naman tumatawag yung teacher sa mga nakataas yung kamay. Kundi dun sa mga nakaupo, pero SWERTE dahil nga sa ang mga tanong, parang 1+1 lang.

MALAS – At kung may Swerte, may Malas. Siyempre, sa kanila naman tinadhana ang super kaduper out-of-this-world questions. Nakakainis pa diyan, alam mo naman yung sagot sa ibang tanong ni Teacher, yun nga lang, MALAS KA NGA EH!! Hindi pwede sayo yun, dun ka dapat sa hindi mo alam!

EWAN – Sila yung madalas na Swerte, pero yun nga eh. Ang nakakapanggigil eh, sila yung madalas hindi makasagot. 1+1 na nga, ang sinagot pa 4. Amf. Binigay na lahat ng clues, wala pa din. Nakakaiyak naman! Ito yung magtataka ka na lang kung bakit pa sila pinanganak, haaayy.

HANEPKahit anong itanong sakanya, alam niya! Kaya nga HANEEEEPPP eh!

May kulang pa ba? Sa 11 years kong nasa eskwelahan, at nakikipagsapalaran sa mga nakakakabang reci days,  yan ang mga nakilala kong iba’t ibang uri ng Reciter. Hehe. :D

Eh nasaan ka diyan?!