Imbak para sa Kategoriyang ‘in the SOCIETY.’

h1

feed me.

Setyembre 14, 2009

HAHA. Sabi ng blog ko, “feed me” daw. Aww. Nagtampo na ang aking blog dahil puro FarmVille, Barn Buddy, at kung anu-anong ETC ng FB ang ginagawa ko. Hehehe. :) Ang dami pa palang bumibisita ng E-bahay ko. Gusto kong magpasalamat kina: ————– HAHAHA, Sorrry, ang dami pala nila. Hehe. :D Basta lahat kayo diyan! Mga suki! Hahaha. Jk. :D

Ang galing nga naman, 2nd Year College na ko. Hahaha. Mukhang walang nagbago. Ay, mali, marami pala. Mas nahihirapan ako ngayon, dahil may maintaining grade. Na sobrang kinaiinisan ko. “No grade lower than 2.5″ Kundi, OUT! Hanep! Haha. Hayy. Konti na lang, mawawalan na ko ng social life. Haha. :) At konti na lang, magsasawa at mapipikon na si Gudang. :]

Bakit ba naman kasi sa dinami-dami ng pwedeng maging mahirap, ACCOUNTING PA? Haha. Goodwill Bonus ETC! Watdahel. Hahaha. :) Pero okay lang yan, as they always say, “kaya mo yan!” Hahaha. :] Yessirrr! At kapag hindi kinaya, magmamani-obra ng: “okay lang yan!”

Malapit na rin matapos yung Sem, nako. Parang kailan lang, OP pa kaming apat sa bago naming section. Ngayon, OP PA DIN!!!!! Hahaha. :) (FYI: OP means “Out of Place”) Haha. As I said, matatapos na din naman yung Sem, kaya OKESH lang yun. Bagong world of students na naman, bagong place na naman para maging Out of Place. Hala. Kamusta naman! :) Hahaha.

Hindi dahil walang sumisita sa’yo, pwede ka ng gumawa ng Mali!”

Ayan, kasi. Anu ba yan. Diyan! Diyan ka magaling! Ano ba yun? Wala lang. Gawa lang. :) Pero totoo yan. Naa-apply nga yan kahit sa simpleng scenario lang.

Halimbawa, nagtatapon ka ng balat ng candy kung saan-saan. Patuloy mong gagawin yun dahil wala namang nagsasabi sa’yo na mali ang ginagawa mo, na hindi ok ang magtapon ka lang sa kung saan-saan, dahil wala naman ngang nagagalit sa’yo diyan sa ginagawa mong kahit sabihin mong simple lang naman yun at mababaw, ikaw kaya! Tapunan ka ng basura sa bibig! Tsk. Ayoko na, ‘di na tayo bati! Haha. Jk lang. Basta yun. :] Ayun at sana may natutunan ka dun.

Ewan ko ba. :)
Babalik ako sa… SOON. :]
Goodnights! Mwah!

h1

Meron pa pala nun.

Mayo 29, 2009

Dapat matagal ko na ‘tong na-i-post. Since medyo matagal na rin namang nag-occur ang happening na ‘to. Mga 2 weeks na. Ang tagal nga nun! ;)

May 21, 2009. Sinamahan ko si Mama Bear pumuntang NSO (National Statistics Office) sa Quezon City, tapos nun punta pa kaming NBI (National Bureau of Investigation). Both places, i have never been before. Napakahabang biyahe. Napakahaba at nakakapagod na kalahating araw. At commute lang yun. May mga kailangan kasing ayusing mga payls si Mama Bear.

Hinatid kami ni Papa Bear sa QC sa NSO. Tapos yun, mga around 9AM andun kami. HUWATDA. Sa tanan ng buhay ko, dun lang ako nakakita ng limpak-limpak na nilalang. Siyempre, ang OA nun diba. Haha. Pinipilahan ang isang kapirasong papel. Huwel, ‘ganun‘ ka-importante ang kapirasong papel na yun para pag-aksayahan ng panahon at pilahan. At meron dung number. I mean, ‘number’. Pass mo yun para makuha mo ang hinahanap mo! Haha. Joke. Para basta, gets mo? Haha. Basta yun yon. Yun yung number mo sa pila. At kailangan mong hintayin ang turn mo! Nasa 1500 na yung tinatawag. At anung number ang nakuha namin ni Mama Bear? 4000+. Hooraaaayyy! Mahusay.

At biglang nagulo ang mundo. Actually, hindi naman nagulo. Nagulat nga ako eh. May lumapit samin ni Mama Bear na babae. Binigay samin ito:

1873

1873

1873 yan! In-edit ko na lang dahil hindi na mababasa. :) SURPRISING, eh? Haha. Dun namin unang nakilala at huling nakita si Aling Eba na taga-San Mateo. Sa Rizal. Sa tutuusin, pwede na naman siyang makauwi na eh, since tapos na naman siya. Pero binigyan niya kami ng number, para mapadali yung buhay namin. Pandaraya man yun, eh nakatulong siya sa amin. Binigyan niya kami ng number na 1000+ at kaunting panahon na lang kami naghintay. I mean, basta, meron pa pala nun?! Hehe. Akala ko kasi, lahat ng tao, politician. Hindi pala. ;) Nakakatuwang isipin na meron pa palang natitirang mabuting tao dito sa mundo. [Puma-punchline!]

At nakuha namin yung kailangan namin sa NSO. Nang mas madali. Kaunting oras na lang kami naghintay ni Mama Bear. At kung yung 4000+ pa na number siguro yung gamit namin, eh anung oras na pala nakauwi kung nagkataon? Nakakatuwa talaga yun. At yung number namin, binigay namin sa may 5000+ pa, para naman ma-i-return namin ang favor kahit paano sa iba.

Tapos ayun. NagMRT kami papuntang Taft. Mula Taft, nagLRT kami papuntang Carriedo, sa NBI. Dun lang ako naka-rinig ng “black bolpen po kailangan sa NBI.” ng ilang beses. Akala ko nga, paulit-ulit lang na pinagtitiyagaang sabihin yun nung babae. Haha. Hindi pala. Kasi recorded yun. ;) Kamusta naman siya kung paulit-ulit nga diba. Gandang Music! RnB! Haha.

Magaling, tapos bago mag4PM, andito na kami sa bahay. Nakapanuod pa ko ng Naruto. :D Ang weird naman. Haha. Napanuod ko na naman talaga yun eh. Haha. Nakakatuwa lang panuorin ang ibang palabas na ‘by chance’ mo lang mapapanuod. :)

At ayun. ^^, Hehe.
Goodnights!

h1

Lucky much?

Mayo 17, 2009

Lucky much?
by Gudang

After I flunked the second quiz in Business Law, I thought of it as my first downfall in College. It was the Second Semester of being a freshman. It was the start of dueling with the major subjects. The First Semester consisted of the General Curriculum (the minor subjects).

For a First Year student, who’s just starting College life, everything was just all about getting ‘3.00’ (the passing grade) for any subject. ‘Lucky’ is what they call the students who were able to get a grade higher than ‘3.00’. Once, I belonged to that group of students who thinks that way, and I don’t actually care if I would get a ‘3.00’ too. I guess it was a sheer luck that I never get myself a grade lower than ‘1.75’ the First Semester. Who cares, though? I’m just starting yet.

I got a bit anxious then when I encountered my first ever two major subjects the Second Semester. It’s an awkward thing to say, but I think my ‘being laidback’ days were over. Those subjects frightened me to the extent that I never would want myself to get failed in any quiz, only I was not that type of person who wanted to nag or express my fears. Sure, my siblings were of great help because they seem to know the dos and don’ts of a student pursing a course like mine. They’ve been tutoring me and giving me some tips. And there is no reason for me to give this whole thing up and fail.

When I got my second quiz in Law failed, I have begun to ponder: what if “Accountancy” is never really for me? A lot of sleepless nights were spent thinking. Sure, a failed quiz has almost ruined everything. It seems like I can never get over it, but I did. I’m overreacting, okay? I’m just not used to the fact that I failed a major exam of a major subject. It was my first time in College to get a mark like that. I came to think of it, and I realized another quiz will be given; I can still make up for the failed quiz. It wasn’t the end of the world yet. Ha-ha! The Second Semester’s fears were fought by having a handful of ‘guts’, another handful for ‘determination’, and a lot of prayers all through out.

Sure, I’m not the best in my class. I never was, but I cope up. Definitely, not the one you can admire or be inspired of. I was just one of those few who kept telling herself not to worry much, and it might work out somehow.

It was also in Second Semester that I have learned a new study habit. It was a torture. I made night times a nightmare by making it a day time, and vice versa. I sleep at day time; I study at night time until dawn. And during that time, I kept wishing that the cups of coffee I drank were enough to keep me awake while reviewing my notes. I’ll sleep for an hour or two. And I’m back at the school again, gathering some time alone, reviewing and checking for the last minute if those things I reviewed that night were able to stay in my head. It was a really troublesome study habit; my parents didn’t like the idea. But hey, it helped! Then I got my Second Semester grades and they were all fine. No grade of ‘3.00’ and lower than that. Luck again? Maybe.

Just when I thought the trials for my first year was over, another thing came up. I need to pass a Qualifying Exam for the admission of BS Accountancy as Second Year. I knew that sooner or later, it will come. It was a difficult exam, they say. Only a few were able to pass the last Qualifying Exam. I think, it was feared by most of us who will take it. It’s scary, you know, you’re unsure if you’ll pass. And the failure of that exam is much more of a downfall than that of a failed quiz. A lot of my classmates kept asking me on what will I do if I wasn’t able to make it. And I always answer them: “Well, ewan ko. Bahala na kung anong mangyare. Pero ayokong isipin na babagsak ako. Ayokong isipin ‘yung iba kong gagawin kung babagsak man ako, dahil ang gusto ko lang e pumasa.” It’s true; I don’t really want to think about it. Whatever happens happens. It is simply as I don’t want to fail, I want to pass and I need to focus on the goal. I took the said Qualifying Exam last March. Guess what? With luck again, I passed.

I might have got high marks in some exams, and surely, failed a number of them. But look, here I am now, still surviving College. With all the efforts, the guts and determination, and the abnormal routine of studying, it is all worth it, isn’t it? I’m always saying that I think maybe because of LUCK, I was able to get through. Okay, I was lying. I never believed in ‘chances’, nor in ‘luck’. But I do believe in will and determination, and of course, prayers.

I’m now waiting for another school year. I was thinking of how lucky could I get, and wondering how much worse could happen. I have to work harder. Well, what are the exceptions? There isn’t one. I’m obliged to study harder, for if BS Accountancy is not for me, I would be raising hell and make it want me. I’ve got to get better at this because things are not getting easier as I progress. It will be a lot bloodier, surely. Long years ahead!

–Actually, I wrote this for a Contest, only to find out, HINDI PALA GANUN!!! Haha. Yung Top 10 Most Influential Blogger? Haha. All right, kapalmuks! So what? Haha. Wala lang, if ever na rin siguro mabasa ‘to ng mga estudyanteng katulad ko, okay na din na ma-feel good sila para sa sarili nilang kakayahan, DIBA!

Nagkamali ako eh. Akala ko ‘entry’ as in entry na susulat ka. Pero anyway, so much for that. At least I wrote something with sense, i think? Whachuthink?! Haha :D

h1

let’s kill the time; YEAH!

Marso 19, 2009

Nagstart na ang ‘bakasyon‘ kuno ko. Hindi ko ma-feel. Naba-bother ako sa mga results ng mga kalokohan kong grades. Kinakabahan ako. AMP. Tama na nga yan.

Maaga pala ang vacation ko compared sa iba. Pero vacation kunwari lang naman dahil next week, magstart uli akong pumasok. Start na kasi ng review para sa Qualifying Exam ng BSA. That stands for Bachelor of Science in Accountancy. As all we know, IA pa lang kasi ako. Internal Auditing yun. Ayun. Daming abbreviations. Wishawish ko lang na pumasa kaming lahat sa Quali. HIndi kasi masaya kapag ikaw lang at si tagumpay, ‘di ba? Haha. Sabi ni Bob Ong yun eh!

Nasabi ko dun sa previous entry ko na itatackle ko yung Reci issues. Haha. Anu ba kasi yung Reci na yun?! Mga Recitations yun. Wala lang, naalala ko lang. Mga recitation days sa school.

Maraming iba’t ibang klaseng ‘reciter‘ sa school. At ilan ata sa types na yun, nagampanan ko na:

BAKAW – Wala akong maisip na term diyan kundi yun, BAKAWWWW!! Ito yung minsan nakakaasar na estudyante kasi recite ng recite. Lahat ng tanong ng teacher, sinasagot niya. Kahit nagtanong lang yung teacher na: “Sinong may scissors?” Kahit walang scissors si Bakaw, sasagot pa din siya with effort at sasabihing, “Wala po.” Amf. Ang tanong kasi, sinong meron?! Haha. Sila yung mga estudyanteng hindi marunong maawa sa mga kapwa nilang estudyanteng hindi pa nakakapagrecite. Hindi matatapos ang klase na hindi sila nakapagrecite, yun nga eh dahil sa Bakaw sila. Karaniwang mga Academic Monster kasi sila. *RAWR!*

SEASONAL – Dito ata ako napabilang pagdating ko ng HS. Minsan active, minsan hindi. Seasonal lang kasi. Kapag ‘trip’, magrerecite. At siyempre, ‘pag wala sa mood, hindi na.

PLASTIC – Ayan. Naging ganyan din ako. Naaalala ko kapag Economics namin nung HS. Ganyan ako. Kunwari ‘badtrip’ para kung sakaling makita ni Sir, parang makiki-compensate siya. Pero wala lang yun! Badtrip-badtripan ko lang yun! Haha. Ewan ko ba. Kasi ang hirap ng mga tanong sa Economics, eh kahit naman anong gawin ko hindi ko maintindihan. Eh anong pake ko kung kapag mababa ang supply, mataas ang demand?! Diba. At hanggang ngayon, naguguluhan pa din ako sa Law on Supply and Demand. Ewan. Tapos meron pang times na nagpapadrawing ng graph sa board, OH-NO-NESS talaga. Pero gumagana ang ‘badtrip kunwari’ tactic! I swear! ;p

ASA – Ayan. Naging ganito din ako. Umaasa sa katabi ko o minsan, long distance help pa. With the eyes and read-my-lips help, nakakasalba naman. Minsan naman, itong mga ‘Asa’ nakakainis. Kasi teka, basahin mo yung nasa baba.

ASAHAN – Ito ang kapartner ni Asa. At naranasan ko din ‘to. Nakakainis si Asa kasi tumutulong ka na nga, at sobrang nag-effort ka para lang matulungan si Asa, pero datapwat sapagkat subalit, hindi ka nakatulong kay Asa. Pwedeng hindi ka niya naintindihan dahil sinadya mong hindi ka niya maintindihan, o kaya naman sadyang mahina lang maka-pick up si Asa. Pero kahit ano pang dahilan nang hindi mo pagkatulong kay Asa, sisisihin ka pa niya. Ahwts. Yun eh.

ULTRAELECTROMAGNETIC ASAHAN - Kailangan may ganyan. Dahil naging ganyan ako. Yung ultimo sasabihin ng katabi mo, isusulat mo sa papel, para lang yun na nga ang i-rerecite niya. ‘Pag may follow up question si Teacher, dapat handa ka din, dahil sayo din hihingi ng tulong si Asa. Binigay mo na yung kaliwa mong kamay, ang gusto niya, pati yung kanan pa!

PAASA – Subperson under Asahan. Kunwari lang gustong tumulong para lang masabing tumutulong, pero hindi naman niya talaga intended tumulong! Hayy nako!!

TRIP LANG – Madalas akong ganito. Pag ‘trip lang’, talagang dun lang magrerecite. Magkaiba sila ni Seasonal, dahil si Trip Lang, gusto niyang magrecite para makabasag ng katahimikan. Agaw-eksena. Haha! Ayaw mong maging COA which stands for Center of Attention, pero sadyang gusto mo lang mambasag ng katahimikan.

PARA LANG – Ayan. Ganito din ako. ‘Para lang’. May kasunod kasi yan. ‘Para lang’ masabi na nagrecite ka. ‘Para lang’ kahit paano nakita ka ni Prof na nagrecite. ‘Para lang’ hindi malagay sa recitation mong “not-at-all”. Haha!

BWISET! – Kaya ganyan name nila eh kasi nakakairita naman nga sila. Para silang si Bakaw. Pero hindi eh, si Bakaw kasi, may sense pa minsan magrecite. Eh itong si Bwiset. Wala. Walang pag-asa. Parang tinanong siya kung 1 or 2, ang sasabihin sayo, green! AMF. May kahalintulad sila ni Para Lang. Pero si Para Lang, isasalba niya grade niya. Si Bwiset! Ewan ko! Bwiset siya!

LAKBAY DIWA – Narinig ko yang term na yan noong 1st Year HighSchool ako. LDS pa nga ang tawag diyan ni Sir Filipino, which stands for Lakbay Diwa sa Seton. (Seton aka Elizabeth Seton School) Sila yung mga taong wala, lakbay diwa nga eh. Edi lumilipad yung utak habang nagdidiscuss si Sir. At kapag natawag, ayun, hala, lakbay diwa nga eh!

KAMOT – Ayan. May klasmeyt akong ganyan nung HS eh. Si Kamot. Kamot ng ulo. Kahit hindi naman makati. Hehe. Okay naman sila, mababait. Pero kapag natawag, hala si Kamot, kamot ng kamot. Baka magkapantal eh. Haha! Magsugat pa yan!

SWERTE – Siyempre, meron ring swerte. Yun bang Recitation na hindi naman tumatawag yung teacher sa mga nakataas yung kamay. Kundi dun sa mga nakaupo, pero SWERTE dahil nga sa ang mga tanong, parang 1+1 lang.

MALAS – At kung may Swerte, may Malas. Siyempre, sa kanila naman tinadhana ang super kaduper out-of-this-world questions. Nakakainis pa diyan, alam mo naman yung sagot sa ibang tanong ni Teacher, yun nga lang, MALAS KA NGA EH!! Hindi pwede sayo yun, dun ka dapat sa hindi mo alam!

EWAN – Sila yung madalas na Swerte, pero yun nga eh. Ang nakakapanggigil eh, sila yung madalas hindi makasagot. 1+1 na nga, ang sinagot pa 4. Amf. Binigay na lahat ng clues, wala pa din. Nakakaiyak naman! Ito yung magtataka ka na lang kung bakit pa sila pinanganak, haaayy.

HANEPKahit anong itanong sakanya, alam niya! Kaya nga HANEEEEPPP eh!

May kulang pa ba? Sa 11 years kong nasa eskwelahan, at nakikipagsapalaran sa mga nakakakabang reci days,  yan ang mga nakilala kong iba’t ibang uri ng Reciter. Hehe. :D

Eh nasaan ka diyan?!

h1

dang vs CapLet. :|

Enero 8, 2009

‘this ain’t just a thing that you give up, give up.’ wawawee! HAHA. :)) kanta yan eh, ni Colbie Caillat. yung ‘The Little Things’, at LSS ako dun, pake mo?! HAHA. :))

HMM. mukha akong bangag nung last post ko, i mean, SUPER STRESSED siguro ako dun kaya nagdrama, hindi pa din naman ‘okay’ pero okay na din para sakin. AYUN, labo nun. HAHA. :))

hindi pa rin naaalis yung cough && colds ko, baka naman sa kakaubo ko, mailuwa ko na yung bituka ko niyan. at kada singhot ko, masinghot ko na ‘tong computer. HAHAHA. :)) ang kaderder nun! HAHA. don’t worry, i’m trying to treat this irritating feeling, HAHA. ni-resetahan na ko ni Doc Ate kaso yun nga, hindi ko sinusunod. kaso ayun, hindi ko kasi siguro tinutuloy-tuloy yung inom ng gamot. kasi, ‘pag trip ko lang, saka lang ako umiinom ng gamot. saka ‘pagka feeling ko lang na makaka-tsamba ako na mainom yung capsule o tablet, saka lang ako iinom.

hindi kasi ako expert uminom ng mga hinayupak na CAPSULE o TABLET na yun, ke anong name pa nung gamot. minsan kasi, nararamdaman kong mauubos na talaga yung tubig sa baso ko, hindi ko pa rin natutulak yung gamot papunta sa loob ng katawan ko! o ‘di kaya naman, at madalas na nangyayari noon, natutunaw na lang yung tablet sa loob ng bibig ko, o ‘di kaya naman, ang super fluffy na ng capsule. HAHA. ayan, kinwento ko na ang isa sa “Tales of Gudang” (ang matalinong bobo). :)

naaalala ko nung HighSchool pa ko, oo, katangahan din sa pag-inom ng gamot ‘to. CCF TIME (also known as Religion time). nagpaalam ako kay Sir Jowell na pupunta ako sa Clinic dahil masakit yung puson ko, what do you call that in English? HAHA. basta yun, dysmenorrhea (tinignan ko pa sa Yahoo! spelling niyan!) yun eh. nasa kasagsagan kami ni Lian ng pagdadaldalan nun, partida, kahit masakit na yung puson ko nun, at alam kong napapansin kami ni Sir Jowell nun.

edi ayun, nagpaalam na ko kay Sir, kasi hindi ko na nga kaya. tas sabi niya magpasama daw ako, sabi ko, ayun, si Lian isasama ko. tas si Ello naman, vino-volunteer yung sarili niya na siya na daw sasama sakin. at siyempre, dahil napansin kami ni Sir noon, si Ello yung pinasama niya sakin. HAHA. :))

malayo-layo yung HighSchool Bldg sa Clinic namin. at nang makarating kami ni Ello sa Clinic, sabi ko sakanya na mauna na siya bumalik. binigyan ako ng Nurse sa Clinic ng (drum roll!) CAPSULE!! well, hindi ko naman in-expect na bibigyan niya ko ng SYRUP diba? HAHA. edi binigyan niya ko ng tubig-panulak. hindi naman siya nakatingin kung sakaling iinumin ko yung gamot eh. ang LAMEEEEEEG sa Clinic, pramis. nakakanginig, at sa sobrang nginig ko, namalayan kong inilalagay ko na ang Capsule na binigay ni Nurse sa bulsa ng palda ko. at sinabi ko kay Nurse na okay na, babalik na ko sa room.

at hindi mabubura sa isip ko ang ginawa ko, habang naglalakad pabalik sa room, marami akong nadaanang plant box, tinanim ko? hindi no! effort pa yun! HAHA. tinapon ko yung Capsule na pula na yun sa isang PlantBox na malapit sa papunta sa Swimming Pool namin. :| oha oha. HAHA. ang sama lang! HAHA. :)) sabi nung iba kong na-kwentuhan nun, nagsayang daw ako ng gamot. para naman sakin, HELLO! biglang nawala sakit ng puson ko nung nalaman kong iinom ako ng pesteng capsule na yun! HAHA. x)

at yun na ang bubuo ng entry na yun. :) yoko magkwento ng nangyari ngayon, HEHE. :) walang *special*. x| okay?! HEHE. x)

Back up back up take another chance
Don’t you mess up mess up I don’t wanna lose you
Wake up wake up this ain’t just a thing that you
Give up give up don’t you say that I’d be
Better off better off, sitting by myself and wondering
Better off better off, with out you boy.
- The Litte Things; Colbie Caillat

LSS lang, okay?! HAHA.
goodnight. :)

h1

HINDI naman IIYAK ang buong mundo para lang sa ISANG TAO

Disyembre 4, 2008

HINDI naman IIYAK ang buong mundo para lang sa ISANG TAO“, sabi nga ni Bob Ong. sabi naman ng kapatid ko, “hindi titigil ang ikot ng mundo para sa’yo lang!”. tama naman eh. kaya kailangan, ‘wag maging MAHINA. sarili mo nga lang daw makakatulong sa’yo. diba diba..

NGAYON, eto na ang PINAKAMALUNGKOT na December 4 ng buong buhay ko, SO FAR. nagkanda-loko loko na lahat. hindi ko din maintindihan pero nagsimula na yun kaninang umaga.

nag-alarm yung phone ko ng 4AM, pero laging nagtatalo yung isip ko kung babangon na ko, kaya bumangon ako ng 5AM, ganun talaga yung routine ko. pero naramdaman ko talaga kanina na ayokong pumasok, kasi umuulan pala, ambon lang naman, pero UHMM. ‘di naman ako superstitious, pero ayun na nga, parang sign na nga yun na hindi magiging maganda ang December 4 ko.

edi hinatid na ko sa Verdant, tas andun na ko, sumakay ako ng FX, pero colorum na FX, tama ba spelling? basta yung illegal na FX. edi ayun. ang binigay sakin ni Mama na baon, P500. wala daw kasi siyang barya. eh ang usual kong baon is P300 lang. edi ayun, okay naman. nasa bulsa ko yung P500, yun ang binayad ko sa FX.

AKO: Ma, bayad ho. (abot ng P500)
MANONG: Wala kang barya?
AKO: Wala po eh.

at dahil sa sarili kong KATAMARAN, sinabi kong “Wala po eh” na kahit meron talaga akong barya sa coin purse ko. kasi naman, nasa back pack ko yung coin purse ko, eh kukunin ko pa ba? kung meron naman silang magagawa para dun?

nasa may tollgate na yung FX nang malaman kong may nag-aaway sa mundo. yung tollgate girl at yung driver ng FX, may naririnig pa ko kay Manong FX na, “Eh wala nga eh, anung magagawa ko?!”. barya ata yung tinutukoy nila. eh ayun si tollgate girl nagagalit din. alamat ng barya, kung sa tutuusin, sakin nagsimula yung LQ nila. haayy, sorry naman.

MANONG: Sukli mo MIss oh. (abot ng plastic na naliligo sa P5 coin)
yung LALAKING KATABI KO: Miss, sukli mo daw. (natatawa siya at inabot sakin yung plastic)
AKO: Ahh, okay. (natatawa din ako)
yung LALAKING KATABI KO: Okay lang yan Miss, tinatanggap naman yan sa Canteen ng FEU eh. (taga-FEU rin pala siya)
AKO: *tawa ng mahina*
yung LALAKING KATAPAT KO: Ipunin mo na lang yan para sa Pasko, malapit na naman eh. (tawa siya ng mahina)
AKO: *ngiti lang* habang nagbibilang ng P5 coins kung tama ba yun.

nagbilang na lang ako ng P5 coins na yun, 400+ din yun! aabutin naman ako ng siyam siyam dun eh! at nang mawala ako sa bilang, hindi ko na tinuloy at sa pagdating ko sa room, dun ko na itinuloy, tinulungan pa ko ni Ralph. nilaro pa namin yung coins at gumawa ng pyramid na hindi mukhang pyramid, tower na tinumba lang ni Raiza at nagtampo si Ralph, HAHA. at matapos nun, talamak na ang CHEATING TIME para sa homework namin sa Accounting na sa kabutihang palad, hindi naman namin chinek-an. kamusta naman ang mga effort namin na mag-cram. tsktsk. HAHA. at ayun, na-solve na rin ang mystery ng Adjusting Entries.

Ewan ko kung nagkataon lang ba, pero etong si ChaCha, pagpasok niya sa room, dun niya lang na-realize na nakatapak siya ng “something”. basta yung hindi mo gugustuhing matapakan! tapos si Joan, yung hindi mo gugustuhing maramdaman habang nasa kasagsagan ng discussion sa madugong Adjusting Entries. basta masakit yung tiyan, kasi kumain ng mais, ang aga aga. sabi pa nga ng Prof namin, yun daw ang WATERLOO ng mga Accountants. in short, mahirap ang topic na yun. at hindi lang yan, si JM pa at si Dan, muntik ng magkaron ng Match sa likod. talaga nga naman ang mga pikon. ewan ko dun sa mga yun. may sarili din naman akong problema.

at after some hours, dun na pumasok ang sobrang problema para sakin. parang especially for me talaga, at dapat na ako na lang, at si ako, at yung isa ko pang ako yung may alam nung tungkol dun. AYUN. talaga namang nakakapikon yun. nakakaloko. nakakaiyak. at speaking of iyak, pilit na gusto niyang lumabas sa mata ko kanina nang magtanong ang Prof ko sa Finance..

PROF: Why do you look so sad? (sabay tingin nung mga nasa harap)

OH MY GAHD. sa lahat ng mapapansin niya, bakit ako pa? muntik na yun oh, kasi the more na tinantanong ako nun, the more ako naiiyak! Mabuti na lang at konti lang ata yung nakarinig. kasi naman, nakakatawa ata yung mga pinagsasabi nung nagrereport samin kanina, eh yun, hindi matuwa-tuwa si Gudang. :c at hindi na ko makapakinig, WALA AKONG NAINTINDIHAN kanina, tssss. kasalanan ko. alam ko. ewan ko, nakakabadtrip kasi eh. EWAN.

——————————————————–

…at dun babalik… “Hindi naman iiyak ang mundo para lang sa ISANG TAO“. hindi laging ibig sabihin na kapag umiyak ka, MAHINA KA. tao ka din, marunong kang umiyak. ANO KA? hindi dumaan sa pagka-baby, hindi ka naiyak nung paglabas mo. ang problema naman kasi, kapag umiyak ka, tingin nila sayo, KAWAWA ka. wherein REALITY, eh ano bang magagawa mo? kailangan mo din ng gripo ng labasan ng problema mo. kailan pa kasi naging KRIMEN ang PAG-IYAK? ewan ko nga ba dun sa mga yun.

bottomline? ang akin lang, ayoko ng umiiyak at nakakakita ng umiiyak. EWAN. bow.

please, matapos na sana to.

goodnight.

h1

jayup.

Oktubre 19, 2008

haha. if you’ll ask me where did i get that word, HMM.. hindi ko din alam eh. basta bigla ko na lang sinasabi yan sa ate ko. eh kasi parang ang sama ‘pag sinabi kong ‘HAYOP’ or ‘HAYUP’ diba? HEHE. x) i think.. that makes sense. :) HAHA.

*claps* thanks to Marlon. :) HAHAHA. he told me that he’s reading my blog. so, ayan. special mention ka pa. :) HAHAHA. naniwala ka naman kay Nick, na naligo lang siya at ilang hours na siyang wala. eh sinungaling yung batang yun, naniwala ka sa kanya na naligo siya? WHAT THE HELL. HAHAHA. hindi naliligo yun. :) HAHAHA. joke Nick. :) we miss you! :) HAHA.

HMM.. hindi ako nakapag-blog kahapon, wala akong masabi eh. :) HAHAHA. HAPPY BIRTHDAY, RAIYNE! :) chamber baby namin. x) hehe. HMM.. *hang over*

destiny is something you’ve invented because you can’t stand the fact that everything that happens is the result of your choice.

that was sent to me weeks ago from Meme. :) hindi ko nga in-erase sa inbox ko eh. HAHAHA. October 1 niya pa yan sinend. tas 11:21 AM. :) HAHAHA. ang retarded. TRUE. hindi kasi matanggap ng tao na dala ng sarili niyang katangahan, kapalpakan at katarantaduhan sa buhay yung mga pinaggagawa niya. kaya yan tuloy, naimbento yung mga salitang: tadhana, malas, at kung anu-ano pa. okaaaayy. at anu na naman yun ha, Gladys Jane? HAHAHA. pati pa tong isa, na-memorize ko na nga eh, pa-ulit-ulit ko pang binabasa:

No one can ever dictate to you where you can be happy. If you know where and what it is, go for it. Just always remember: Happiness is not a destiny, it’s a choice. :D

Naalala ko naman diyan yung pinag-eexplain-explain namin nung Retreat sa Basilan. :) HAHAHA. so quote na pala yung sinasabi ko noon. NAKS. HAHAHA. [---at yun na-send lang sakin, na if i know, hindi niya naman talaga naintindihan meaning niyan.] WHATEVERRRR. :) ‘wag na nga. HAHAHA. :)

HMM…

WELCOME BACK, MIGUELITO. :)

wameeeyyooo! :) HAHAHA.

goodnight:)

ciaociao. x)

h1

MALAMIG.

Oktubre 14, 2008

last post for this day. tae. ang LAMEEEEGGG. this night, katabi ko si Mama matulog, hayy. x) pero mamaya na ko tatawid sa tapat, ayun, para matulog. :)

Advice ni VP Noli De Castro sa mga OFW na umuwi na lang muna dito sa Pilipinas at mag-take up ng ibang kurso, at subukan ang ibang trabaho na in demand sa ibang bansa na hindi dumaranas ng economic problem.

OPINYON KO? ang NONSENSE nun. PRAMIS.

i can’t get his point. kung mag-aaral yung ang isang OFW dito uli sa Pilipinas, matatapos siya after 1 or 2 or more years, and after that? tapos na yung economic crisis nung bansang pinanggalingan niya. sinayang niya lang yung pamasahe niya pauwi dito. ewan ko, pero dapat, since sa panahon nga ngayon, mahirap makapunta sa ibang bansa, kapag nakapunta ka na dun, GO GET! try other jobs as long as kakayanin mo. TAKE THE RISK. ‘wag kang basta basta umuwi dito. tae, kung uuwi ka pa dito, gagastos ka pa. pati pa yung sinasabi na mag-aral ng ibang kurso, gastos na naman yun. pati aksaya sa oras. SAYANG NAMAN. eh kung yung igugol mo sa pag-aaral, gamitin mo na lang para sa paghahanap-buhay. ‘coz FACE IT. mas kailangan ng PERA ngayon. ewan ko nga sa’yo. :|

at anu naman yan Gladys Jane?! HAHAHA. nagiging aktibista na naman si Gladys Jane. HAHA. x) Tae kasi, wala akong magawa. nakakahawa si Marj, yung ‘TAE’ Syndrome niya. HAHAHA. x)

yun na. good night. :) TAE! x)

ciaociao. :x