Bago ako humarap dito sa PC, inutusan muna ko ni Mama na maghanap ng mga hangers, para sa mga isasampay. Naaalala ko date, ‘pag inuutusan ako ng Nanay ko na maghanap ng mga hanger, excited na excited ako at nakikipag-unahan pa ko sa iba kong kapatid, paramihan kasi ng mahahanap na hanger. Wala lang, ngayon hindi na kasi ako na-eexcite. :D Tumatanda na nga kasi at nagmamature na utak ko… o sadyang tamad lang talaga ako at ayoko na ng nauutusan ako?
Napakaliit na bagay ng mga homeworks na yun, upang maging dahilan para palampasin ko ang pagkakataong magsimba.
- GUDANG
Kahapon, niyaya ako ng Ate ko na magsimba daw kami. Wala pa kong natatapos na homeworks. Accounting at Finance yun. Mahahaba yung mga homework na yun, at take note nga, wala pa kong nauumpisahan. Noong unang beses na niyaya ako ng Ate ko, sabi ko “Oo, sige..“
Pero nagbago yung isip ko nang pumatak na ng 7PM sa relo, naisip ko na ‘wag na lang muna magsimba at gawin na lang muna ang dapat gawin.
Tumawid ako dito sa tapat na bahay (andito kasi yung PC namin, natural sa kabilang bahay, wala). Gagawin ko na yung homework sa Finance, naisaksak ko na ang plug ng PC nang maalala ko si Bob Ong.
————————————————–
(play a mystery music here)
FLASHBACK SA ISIP NI GUDANG:
Bakit ko naalala si Bob Ong? Ewan ko, bigla lang siyang pumasok sa isip ko. AYIEE. Joking! :D HAHA. Naalala ko kasi yung kwento ni Bob Ong sa libro niyang: Abnkkbsnplako?! Meron siyang kwento doon na isa sa hindi ko makalimutan sa kanya. Gumagawa daw sila ng Project noon, poster ata yun. Tapos, October month kasi noon sa kanila, Rosary month. Eh sinwerte namang kailangan i-pull out yung mga estudyante para magdasal ng rosary. Paano ang mga hindi Catholics? Sabi ni Bob Ong, hindi naman daw sa lahat ng oras, Catholic ang student, mayroong nagiging instant iba ang religion. Bilib nga daw siya sa mga utak ng mga estudyanteng nagigipit. Yung mga non-Catholics kasi sa kanila, hindi na kailangan magdasal ng rosary, oo nga naman, pwede nilang ituloy yung project nila.
Pero anong ginawa ni Master Bob? Kahit pwede siyang maging instant Jehova, o kahit anu mang religion na gustuhin niya, nag-rosary pa din siya. Maliit na bagay lamang daw yung Project na yun, para kalimutan ang ilang prinsipyo niya sa buhay.
————————————————–
AWWWWWWWWW ^^. Tapos balik tayo sa Time Machine, nasa bandang parte na ng pagkasaksak ko ng plug ng PC, bumalik sa normal. Tinanggal ko ang plug ng PC sa pagkakasaksak sa outlet. Tumawid ako sa tapat at naabutan ang mga kapatid ko, at sinabi ko yun oh! Yung nasa itaas. Akala siguro nila, nagdrugs ako, o kaya nasabugan ng computer kaya nasabi ko yun. At nagsimba na nga kami ng Ate ko. Sabi ko nga, tulad nung Project na yun ni Bob Ong, maliit lang din na bagay yung mga Homeworks kong yun, para nga naman ipagpalit ko ang pagsimba ko dun. YUN OH! May prinsipyo na din akong matatawag kahit paano. (seryoso itong part na ‘to) Para anupa’t tinawag akong Anak ng Diyos? Amen. :D (Yahess, Gudang, ikaw ba yan?!) Natapos ko naman ba ang mga homeworks na yun? ABANGAN.. (siyempre, suspense, para tapusin mo! ‘wag kang magskip ah! TSK!)
“Wala namang aamin na tayo ay marumi,
dahil lahat tayo ay nagmamalinis!”
- Father Gerry
(i-assume natin na galit si Father) O diba, kitams, nakikinig na ko sa Homily ngayon (ibig sabihin, dati hindi). Dapat akong makinig sa Homily, kundi, mababalewala ang pagka-inspire ko kay Bob Ong at mapasunod ako bilang isa sa disipulo din niya.
Ang Gospel kahapon is about dun sa mga leper na pinandidirihan. Basta galing kay St. Mark yung Gospel. Yung mga tao daw kasi (o sige, tao na din ako, isama na ko), ayaw ng ayaw sa mga marurumi. Ni ayaw madikitan o mahawakan o mapasama sa mga taong marurumi. Pero kahit hindi natin aminin, lahat naman tayo marumi, hindi visible sa panlabas, pero mas madumi pa tayo sa mga leper na yun sa panloob. Tama nga naman. Miski ako eh! (o ayan na umamin na lahat ng aamin)
Naliligo tayo. Nagsasabon, naglilinis ng sarili natin etc. Pero maya-maya, madudumihan din tayo. Maglilinis na naman uli ng sarili natin. Tulad lamang daw iyan ng pagpasok natin sa simbahan, kaya nga daw tayo andun dahil nililinis natin yung sarili natin, pero pagkatapos ano? Dudumihan na naman daw natin yung sarili natin. Gagawa na naman daw tayo ng masama. Kitams?! YUN YON EH! Yun pala ibig sabihin nung Gospel na yun. (sabay-sabay: ahh, yun pala yun) O kaya ganyan, Gudang, magbago ka na! Ge try ko. :D
Masasabi ko lang.. Hmm.. Wala.. HAHA. Loko. Siyempre, meron, ang haba ng mga pinagpuputak ko diyan oh, tas wala naman pala akong masasabi. Hmm.. Masasabi ko lang, Wala nga, Anak ng Pating! Nasabi ko na lahat eh. :D
Hmm.. Natutuwa ako kasi PROUD (kahit pano) ako sa sarili ko, kasi naman kahit paano, achievement sakin yun, yun bang hindi ko ipinagpalit yung pagsimba ko sa kahit anu pa man, at hindi lang ako basta basa ng libro ni Bob Ong at ma-inspire sa kanya, kundi na-apply ko din yung mga natututunan ko mula sa kanya. O diba, angas?! HEHE.
Ang babaw ko talaga. Mababaw lang talaga ang makakapagpasaya sakin, wala sa presyo o gaano kaganda ang isang bagay para sakin. Simple lang magpapaligaya sakin. Halimbawa: Bagong iPod (yung malaking Gig ah), Bagong CellPhone (yung malaking memory), DigiCam, PSP, o kaya naman Laptop. Yun lang naman eh, okay na ko dun. PRAMIS.
Pero sa ngayon, kuntento pa naman ako sa iPod ko at CellPhone kong nawawalan ng isang button (yung pag-video call, sabagay, ni hindi nga ako tumatawag gamit yun eh, video call pa kaya). Kuntento na din ako sa DigiCam namin at sa PC namin, tsaka sa PSP ko… Ay teka, ilusyonada, wala pala akong PSP. :D HAHA!
HMM.. Hala, NOBELA na to! tagal ko kasing ‘di nakakapagsulat. HAHA :D Sorry naman, sana nakaabot ka dito. :D iLoveYou!! ^^ Goodnight. :D Salamaaattss!
PS: Natapos ko ang mga lintek na homeworks. :D 2AM ako natulog, at tinuloy ko sa school yung iba. :)