Hindi ko isusulat ang aking views about sa pagkapanalo ni Pacquiao ngayon. Dahil alam kong napakainit pa ng balitang yun. Hehe. Baka next days na lang. Pero ‘Congratulations Manny!‘ na lang muna ngayon. :)
DISCLAIMER: Ang mga sumusunod na pagsasalaysay ay base sa tunay na buhay. Lubha itong nakakaiyak kaya patnubay ng parents ang need! Mwah! [Arte!!!]

iPod Nano ko
Ang larawan sa tabi ay ang aking iPod Nano na tumagal sakin ng 1 year. 4th Year HighSchool ako nun. Pinadala sakin ni Ate Judy galing Canada. 1Gig yan. Pero iyan ang dahilan noon para mabuhay pa ako. Ano?! Haha. Joke. Lagi kong kasama yan. Kahit saan ako magpunta. Tapos madalas akong masabihan ng Mama Bear ko na baka daw masira na yung tenga ko. Haha. Bulag na nga daw ako, magiging bingi pa. Haha. [i'm bespectacled kasi]. Nakakatulugan ko pang gamit yan.
Tapos. Isang araw ng November last year. Kasagsagan ng SemBreak. Siyempre, kapag walang pasok, hindi ako gumigising ng maaga. Kalokohan yun at himala kapag nagising nga naman ako ng maaga. Nung mga time din na yun, pang-night duty si Ate Maureen [kasama ko sa kwarto] so mag-isa lang ako natutulog dun. At nila-lock ko yung pinto.
Kumatok si Mama Bear sa door. Sabi niya kukunin niya daw yung bedsheets. Lalabhan daw niya. So ako naman, ‘oo ako’. Kasi nga inaantok pa ko nun. Mga around 6AM na noon. So ayun, natulog ako sa kamang walang bedsheet and everything. Kumot lahat. Punda.
Kumatok uli si Mama Bear. Tulog pa din ako. Around 10AM? Inaantok-antok pa ko nun. Pero nabuksan niya na yung pinto at kinausap ako…
Mama Bear: Magkano ba iPod?
Gudang: [it sounded good to hear a question like that] Depende po.
Mama Bear: Kasi yung iPod mo, nalabhan ko.
Gudang: [huwaaaaaaaaaaaaaahhtttt!!!] Po? [nagising ako!]
Mama Bear: Kaya pala parang may gumagaralgal sa washing machine.
Gudang: …
Mama Bear: Gusto mo ba isampay ko pa? [tawa]
Parang nagulo yung mundo ko for 3 minutes. Ang tagal nag-sink in sakin ang panibagong problema. IPOD KO! NALABHAN!!!!! Anak ng!! Haha. Pero wala akong masisisi kung hindi yung sarili ko. I’m careless and that’s all.
Parang naaalala ko pa yung mga scenes nung panahon na kinikwento ko sa mga kaibigan ko yang pangyayaring yan. Hindi ko alam kung matatawa ako o malulungkot o ano. Hahaha. Sabi nila, kinakarma daw ako. Ang sama ko daw kasi. Sabay tawa. Hahahaha! :))))

iPod ko na naman
At siyempre, gusto kong ipakilala ang bago kong kasa-kasama ngayon. iPod Shuffle. Binigay sakin yan ni Mama Bear nung December din last year. Mahal na mahal kasi ako nun. Medyo matagal na yung circumstances sa taas. Nakalipas na.
Ngayon ko lang nakwento ang mga yan dahil ngayon lang ako naka-move on. WHOAAAAA!!! Hahaha. Joke. Ngayon ko lang din kasi naalalang i-kwento.
Hindi na bumubukas yung iPod Nano kong nalabhan. Parang apple na kinagatan pero hindi mo na maibabalik yung original na hugis ng buong apple. Nakakalungkot pero kailangang makisama sa panibago. :) Lesson learned? ‘Wag pagbuksan si Mama Bear ng pinto kapag kumakatok! Jooooookkkkeeeeee! Labyu Mama Bear! Sa lahat ng chop-chop, ikaw ang buo!
Kaiyak no?
At HOORAAHHH! :))) Hindi ko naman in-expect na makatanggap ng isang award. Haha. Angkulet. Dati, kapag nagbblog hop ako, nakikita ko lang yung mga bloggers na binibigyan ng kapwa naming bloggers ng award. Naisip ko nga dati kung makakatanggap din ba ko nun? Hahahaha! Drama! Speech?! Haha. Kaya salamat kay Ate Joycee para dito:

From Ate Joycee
At dahil sa mangmang ako, hindi ko alam kung paano ito gumagana. Basta may pangdisplay na ko sa gilid. Kung dahil nga ba naman amazing ang aking blog o wala ng mapili si Ate Joycee, MARAMING THANKS pa din :) Mwah!
Goodnights! :)


Ang mga
Meron ring yung 












