Imbak para sa Kategoriyang ‘wala lang :|’

h1

palag ka!

Mayo 18, 2009

Haha. Ang kapalmuks ko talaga. Sumali ako sa pa-contest ni Ate Joycee. At past 2 years na daw pala yung ginamit kong pikachur na isinali ko. Haha. Ginamitan ko ng kapangyarihan ng Photoshop ang entry ko. Sayang ang natutunan ko nung 1st Year HighSchool ako kapag hindi ko ginamit. :D Hindi siya ganun ka-bongga. Haha. Bongga talaga eh? Haha. Pero basta. Mahirap din gawain yan. :) Kahit na! Ahh basta, gawa ko yan, bleeeh! :p

Ang Entry ko!

Ang Entry ko!

Ayan ang entry ko. Panget ba? Sumbong ko kayo kay Ate Joycee ‘pag panget. Siya yung nasa pikachur! Haha. Ganun ang contest niya eh. For more info about her pa-contest: Click mo ko! Ayun. Sali na din kayo. :)

@Ate Joycee: Yep, June 15 po bday niyo, June 22 po ako. At I am 16 going on 17! :) Happy Birthday saten! Malapit naaaaa. :)

Ito pala ang mga Info, from:http://joyceish.com/?p=1380

The Rules:


1. Anybody can join this contest, basta may blog ka. :)

Add me up on my my social networking accounts so you can grab my photos.
Friendster: jacababan@yahoo.com
Facebook: jacababan@gmail.com
Multiply: www.jinxee.multiply.com
If you are not a member of any of these sites, that would be fine. You can get some of my photos from http://www.joyceish.shutterfly.com or from http://s221.photobucket.com/albums/dd196/jinxee14/

2. Once you have decided which photo you will use, you may edit that using Photoshop or any other photo-editing tool. You may do anything you want, pagandahin mo ko, papangitin mo ko, it’s up to you. As long as there is nothing ungodly about it. Once you’re done, please submit your entry at jacababan@gmail.com for screening.

3. Once you received a confirmation from me that the photo is already approved, please create a blogpost about the contest and include your photo entry. Please also include the list of sponsors.

CASH PRIZE

*$10 from Ms.Candy-Blush
*$25 from Ate Reesie
*$50 from an anonymous friend
*$20 from Kuya Epfi of epfidemic.com
*$15 from Kikayness of kofistains.blogspot.com

THEMES, DOMAIN & WEBHOSTING

*Free Webhosting for 3 months from Kiven of Skaizer.com (my host)
*Free Webhosting from Pahn of therewespace.info
*Free webhosting from Kulot of kutserongkulot.com
*Free DOMAIN from Joycee
*Personalized wordpress theme & free unlimited webhosting for a year from Ate Mumu of mumusakanto.com

AD SPOT

*100×100 avatar size ad spot in Gail’s blog of snoogumx.net
*1 month advertisement on Mel Lee’s blog of dollprincess.org
*125×125 Ad spot in Vhincent’s blog of chizmosalounge.com
*125×125 Ad spot in Jerick Mack’s blog of www.rickspot.com
*Ad spots in Nika Catbagan’s blogs, mind you, she has three blogs. :)
*125×125 Ad spot in Katkat’s blog of www.pinksesa.net
*125 x 125 ad spot at www.technorush.com from Ate Mumu

E-LOAD

*$15 worth of e-load from Ate Cecille of thehillmans.wordpress.com
*Free weekly load for one month from Walongbote of painuminmoko.idlip.net

OTHER ITEMS

*The Twelfth Angel by Og Mandino and The Last Lecture by Randy Pausch from an anonymous friend
*Skullcandy Headset from Ate Bojoy & Arnie
*Lord of the Rings book from Kikayness of kofistains.blogspot.com

4. After creating an entry, please leave a comment here and include the URL of your blog entry. (This is a very important step ’cause I have to compile all the entries. Bumalik sa post na ‘to at dito ilagay ang URL ng blog entry mo, hinde sa Guestbook, hinde sa Cbox, hinde sa ibang post, dito po sa post na ‘to.)

5. Submission of photo entries via email are only until June 13, 2009; 11:59pm (Manila Time). All blog entries should be posted on each participants’ blog by June 20, 2009; 11:59pm (Manila time).

6. By June 14 or 15, I will publish all the photo entries in my blog. I will also post a poll wherein the readers can cast their votes. Voting is open until June 27, 2009; 11:59pm (Manila Time). By June 28th or the 29th, depends on my availability, I will announce the winners.

7. There will be four winners:

a. Voters’ Choice Award
b. Sponsors’ Choice Award
c. Block Sheeb’s Choice Award – my colleagues’ choice
d. UCCP-Anabu’s Choice Award – my churchmates’ choice

There will also be special winners, abangan!

h1

dahil kapag nawala yun, ang hirap ibalik!

Mayo 16, 2009

Sa mahigit isang dekada kong nabubuhay sa mundong ibabaw (huwaw! ganun ang umpisa!), mahigit isang dekada na rin akong hirap sa pagtulog. Insomniac ako. (ata?!) At hirap na hirap ako sa pagtulog. Kadalasan, kapag natutulog ako, hapon! Maggagabi na! At sobrang hindi tama ang routine ko. Ewan ko kasi kung bakit kapag gabing-gabi at madaling araw na, saka naman ako aatakihin ng kasipagan, ka-artistic-an (oo!!), mga kalokohan at kung anu-ano pang gumugulo sa utak ko. Para maging dahilan ng riot ng aking mga brain cells. Yeah!

Kaya naman sobrang galit na galit at sobrang badtrip na badtrip ako kapag ginigising ako. Ang hirap hirap i-catch ng antok ni Gudang! At kapag ginising ako, ang hirap na kayang makatulog uli. Huhuhu. Hindi nila alam kung anung hirap ang dinadanas ko para lang i-empty ang utak ko! (Huwaw!) Dahil kapag ita-try ko ng matulog uli, aatakihin ako ng mga kung anu-anong issues. Halo-halo yan. May kung anu-ano bang posibleng mangyari sa Naruto, ano kayang ichura ng next film ng Harry Potter (HBP), at sari-sari store! Xemore! Haha. Hindi naman ako pwedeng magpills, dahil may side effects yun no! Kahit alam kong wala, basta naniniwala ako meron! :D Hmp!

Kaya ayun. Wala lang. At napakafishy nung title ;) Yun lang pala yung inaalburoto ng utak ko. Huwahahaha! :D

The Harry Potter Trio

The Harry Potter Trio

With that, I’ll end this entry.
Goodnights!

h1

buhay estudyante nga naman

Abril 8, 2009

Gin-rab ko lamang ito sa aking batchmate. Natuwa ako eh. Shshare ko na lang. Ito daw ang ichura ng mga estudyante….

1. Habang nagqquiz

2. Kapag dinismiss ng Prof

3. Habang nag-aaral

4. Pagtanggap ng long exam

5. Pag smart kang sumagot

6. Pag nagsuspend ng pasok dahil may bagyo

7. Dinibdib mo ang pag-aaral tapos wala naman palang quiz

8. Pag lumabas na mga results ng grade

9. Pag nanghinayang ka sa one point para pumasa

10. Pag binati ka ng crush mo

11. Pag gusto mong maghiganti sa kaaway mo

12. Pag magca-cut ka ng class

13. Pag kausap mo ang crush mo

14. Tuwing elistment

15. Pag ‘di mo alam kung paano sagutan yung quiz

16. Pag naghihintay ng jeep

17. Pag wala ka ng maintindihan sa Prof

18. Pag umaasang magbibigay ng plus

19. Ginagawa para pumasa ka

20. Pag feeling mo binigay mo na best mo pero hindi pa din sapat

21. Pag nag-brain freeze nung uminom ng shake

22. Pagkatapos ng exam

23. Pagkatapos ng lunch

24. Pag tinatamad na mag-aral

25. Pag uwian na

Haha. Naramdaman ko na ata lahat yan. After all, ESTUDYANTE AKO EH! :)

h1

HELP, please?

Marso 27, 2009

Can’t do it alone..
– galing na naman yan sa kantang The Show by Lenka. Pakinggan niyo nga yun para maka-relate sakin. Ha? OKAY! Wosh!

Ibig sabhin ng “can’t do it alone..”, kailangan ng tulong! HEEEELLLLPPP!!! I miss… Joke! ~~~~ Hayy nako, ano ba yan. Puro joke! :D

FAVOR? Nanghihingi ako ng mga tulong niyo. Donasyon para sa pagpagawa nitong PC namin, HEHE. Loko lang. AYUN NGAAA! Para IPAGDASAL ang kaluluwa ko, at isama na din natin ang kaluluwa ng aking mga kaibigan? Hindi ko na muna sasabihin ang dahilan. Pero kung pipilitin niyo ko, HMM.. Hindi pa din! :D ‘Wag mo nang tangkain hulaan, maraming salamat.

Pero nais (wow! nais!) ko lang humingi ng kaunting puwang (wow! kaunting puwang!) sa inyong mga dadasalin? Naniniwala akong napakalaking bagay ng mga PRAYERS, kaya maaari (wow! ay litse ka Gudang, pansinin mo na lahat ng nilagay mo dito!) bang ipagdasal mo ko mula ngayon hanggang March 30?

Paki-request naman kay Papa Jesus na: Bless Gudang with a sound mind. Maalala niya ang lahat ng dapat niya maalala. ‘Wag malilito. Grant her wisdom always. Let her choose the right one. Let her work harder. Let her do her best. And please Papa God, may you do the rest? (okay lang kung gusto mong isulat o kaya i-memorize mo, para bago matulog o bago magsimba sa Sunday, alam mo na!)

I still believe in the POWER of PRAYERS. ‘Wag kang mag-alala, I’ll do whatever I can. :D Alam kong wala akong karapatan humingi ng tulong sa inyo para ipagdasal niyo ko kung hindi ko naman matututuhang tulungan ang sarili ko. I WILL and I SHOULD. Kundi KABOOM! Haha.

At ayoko rin namang masira pa ang pangalan mo kay Papa Jesus kung sakali, baka sabihin niya pa: “Barbero ka! Hindi naman nagtitino si Gudang!” Bestfriend ko din yan si Papa Jesus, tutulungan niya ko. Tulungan niyo din ako. Hehe. Is that too much that I’m asking for? :) Kailangan ko lang talaga naman :D

Naniniwala kasi akong malaking tulong ang PRAYERS eh. Tried and tested. Guaranteed kung baga. At kailangan ko talaga ng maraming source, sana kahit isang sentence lang na: Paki-tulungan na lang po ang tamad na si Gudang. :D *parang awa niyo na po huhuhu* Hehe. :) Kahit hanggang March 30 lang, pramis. Maraming salamat po! Mabuhay po kayo! (YM?!)

“Don’t worry, it’ll work out somehow.”
- Yoh Asakura from Shaman King

BELIEVE IT! :)
goodnights!

PS: At baka pansamantala akong mawala. Hmm, inaasahan ko ang mga donasyon niyo! SALAMATS! Should you have read this entry, kindly spread the news! HEEEEEELLLPPP MEEEE! :) More Prayers, More Chances of Winning! PER DTI NCR PERMIT NO. 7777 :) ILYSM! Papa God! Mwah!

h1

let’s kill the time; YEAH!

Marso 19, 2009

Nagstart na ang ‘bakasyon‘ kuno ko. Hindi ko ma-feel. Naba-bother ako sa mga results ng mga kalokohan kong grades. Kinakabahan ako. AMP. Tama na nga yan.

Maaga pala ang vacation ko compared sa iba. Pero vacation kunwari lang naman dahil next week, magstart uli akong pumasok. Start na kasi ng review para sa Qualifying Exam ng BSA. That stands for Bachelor of Science in Accountancy. As all we know, IA pa lang kasi ako. Internal Auditing yun. Ayun. Daming abbreviations. Wishawish ko lang na pumasa kaming lahat sa Quali. HIndi kasi masaya kapag ikaw lang at si tagumpay, ‘di ba? Haha. Sabi ni Bob Ong yun eh!

Nasabi ko dun sa previous entry ko na itatackle ko yung Reci issues. Haha. Anu ba kasi yung Reci na yun?! Mga Recitations yun. Wala lang, naalala ko lang. Mga recitation days sa school.

Maraming iba’t ibang klaseng ‘reciter‘ sa school. At ilan ata sa types na yun, nagampanan ko na:

BAKAW – Wala akong maisip na term diyan kundi yun, BAKAWWWW!! Ito yung minsan nakakaasar na estudyante kasi recite ng recite. Lahat ng tanong ng teacher, sinasagot niya. Kahit nagtanong lang yung teacher na: “Sinong may scissors?” Kahit walang scissors si Bakaw, sasagot pa din siya with effort at sasabihing, “Wala po.” Amf. Ang tanong kasi, sinong meron?! Haha. Sila yung mga estudyanteng hindi marunong maawa sa mga kapwa nilang estudyanteng hindi pa nakakapagrecite. Hindi matatapos ang klase na hindi sila nakapagrecite, yun nga eh dahil sa Bakaw sila. Karaniwang mga Academic Monster kasi sila. *RAWR!*

SEASONAL – Dito ata ako napabilang pagdating ko ng HS. Minsan active, minsan hindi. Seasonal lang kasi. Kapag ‘trip’, magrerecite. At siyempre, ‘pag wala sa mood, hindi na.

PLASTIC – Ayan. Naging ganyan din ako. Naaalala ko kapag Economics namin nung HS. Ganyan ako. Kunwari ‘badtrip’ para kung sakaling makita ni Sir, parang makiki-compensate siya. Pero wala lang yun! Badtrip-badtripan ko lang yun! Haha. Ewan ko ba. Kasi ang hirap ng mga tanong sa Economics, eh kahit naman anong gawin ko hindi ko maintindihan. Eh anong pake ko kung kapag mababa ang supply, mataas ang demand?! Diba. At hanggang ngayon, naguguluhan pa din ako sa Law on Supply and Demand. Ewan. Tapos meron pang times na nagpapadrawing ng graph sa board, OH-NO-NESS talaga. Pero gumagana ang ‘badtrip kunwari’ tactic! I swear! ;p

ASA – Ayan. Naging ganito din ako. Umaasa sa katabi ko o minsan, long distance help pa. With the eyes and read-my-lips help, nakakasalba naman. Minsan naman, itong mga ‘Asa’ nakakainis. Kasi teka, basahin mo yung nasa baba.

ASAHAN – Ito ang kapartner ni Asa. At naranasan ko din ‘to. Nakakainis si Asa kasi tumutulong ka na nga, at sobrang nag-effort ka para lang matulungan si Asa, pero datapwat sapagkat subalit, hindi ka nakatulong kay Asa. Pwedeng hindi ka niya naintindihan dahil sinadya mong hindi ka niya maintindihan, o kaya naman sadyang mahina lang maka-pick up si Asa. Pero kahit ano pang dahilan nang hindi mo pagkatulong kay Asa, sisisihin ka pa niya. Ahwts. Yun eh.

ULTRAELECTROMAGNETIC ASAHAN - Kailangan may ganyan. Dahil naging ganyan ako. Yung ultimo sasabihin ng katabi mo, isusulat mo sa papel, para lang yun na nga ang i-rerecite niya. ‘Pag may follow up question si Teacher, dapat handa ka din, dahil sayo din hihingi ng tulong si Asa. Binigay mo na yung kaliwa mong kamay, ang gusto niya, pati yung kanan pa!

PAASA – Subperson under Asahan. Kunwari lang gustong tumulong para lang masabing tumutulong, pero hindi naman niya talaga intended tumulong! Hayy nako!!

TRIP LANG – Madalas akong ganito. Pag ‘trip lang’, talagang dun lang magrerecite. Magkaiba sila ni Seasonal, dahil si Trip Lang, gusto niyang magrecite para makabasag ng katahimikan. Agaw-eksena. Haha! Ayaw mong maging COA which stands for Center of Attention, pero sadyang gusto mo lang mambasag ng katahimikan.

PARA LANG – Ayan. Ganito din ako. ‘Para lang’. May kasunod kasi yan. ‘Para lang’ masabi na nagrecite ka. ‘Para lang’ kahit paano nakita ka ni Prof na nagrecite. ‘Para lang’ hindi malagay sa recitation mong “not-at-all”. Haha!

BWISET! – Kaya ganyan name nila eh kasi nakakairita naman nga sila. Para silang si Bakaw. Pero hindi eh, si Bakaw kasi, may sense pa minsan magrecite. Eh itong si Bwiset. Wala. Walang pag-asa. Parang tinanong siya kung 1 or 2, ang sasabihin sayo, green! AMF. May kahalintulad sila ni Para Lang. Pero si Para Lang, isasalba niya grade niya. Si Bwiset! Ewan ko! Bwiset siya!

LAKBAY DIWA – Narinig ko yang term na yan noong 1st Year HighSchool ako. LDS pa nga ang tawag diyan ni Sir Filipino, which stands for Lakbay Diwa sa Seton. (Seton aka Elizabeth Seton School) Sila yung mga taong wala, lakbay diwa nga eh. Edi lumilipad yung utak habang nagdidiscuss si Sir. At kapag natawag, ayun, hala, lakbay diwa nga eh!

KAMOT – Ayan. May klasmeyt akong ganyan nung HS eh. Si Kamot. Kamot ng ulo. Kahit hindi naman makati. Hehe. Okay naman sila, mababait. Pero kapag natawag, hala si Kamot, kamot ng kamot. Baka magkapantal eh. Haha! Magsugat pa yan!

SWERTE – Siyempre, meron ring swerte. Yun bang Recitation na hindi naman tumatawag yung teacher sa mga nakataas yung kamay. Kundi dun sa mga nakaupo, pero SWERTE dahil nga sa ang mga tanong, parang 1+1 lang.

MALAS – At kung may Swerte, may Malas. Siyempre, sa kanila naman tinadhana ang super kaduper out-of-this-world questions. Nakakainis pa diyan, alam mo naman yung sagot sa ibang tanong ni Teacher, yun nga lang, MALAS KA NGA EH!! Hindi pwede sayo yun, dun ka dapat sa hindi mo alam!

EWAN – Sila yung madalas na Swerte, pero yun nga eh. Ang nakakapanggigil eh, sila yung madalas hindi makasagot. 1+1 na nga, ang sinagot pa 4. Amf. Binigay na lahat ng clues, wala pa din. Nakakaiyak naman! Ito yung magtataka ka na lang kung bakit pa sila pinanganak, haaayy.

HANEPKahit anong itanong sakanya, alam niya! Kaya nga HANEEEEPPP eh!

May kulang pa ba? Sa 11 years kong nasa eskwelahan, at nakikipagsapalaran sa mga nakakakabang reci days,  yan ang mga nakilala kong iba’t ibang uri ng Reciter. Hehe. :D

Eh nasaan ka diyan?!

h1

gladys’ randomity.

Enero 17, 2009

My IRISH NAME is: Isobel O’ Donnell
“What butter or whiskey does not cure cannot be cured.”

My ELF NAME is: Fuzzy Snowballer
Son of a nutcracker!

My MAFIA NAME is: Vedette “The Fox” Gambino
Leave the gun. Take the cannoli.

My FUNKY JAPANESE NAME is: Jiluyatemisei
Domo Arigato Mr. Roboto!

My NOBLE BRITISH NAME is: Lady Daisy Violet Pearson
I must confess that I am interested in leisure in the same way that a poor man is interested in money.

My GOTH NAME is: Jezebel Clove
But, truly, I have wept too much! The Dawns are heartbreaking. Every moon is atrocious and every sun bitter.

My ROCKSTAR NAME is: Miss Slick
Rock on!

My DJ NAME is: DJ Scratchy Spinner
I’m with the DJ!

My NAME if I’M SLIGHTLY DIFFERENT is: Glenna
Oooohh, catchy!

My NATIVE AMERICAN NAME is: Nittawosew Awanata
Your name means: Fertile Turtle

My PILGRIM NAME is: Constance Chilton
A pilgrim is a wanderer with purpose.

My BIBLICAL NAME is: Hadara Shira
You will not live to see the end of times.

My TRUE LOVE NAME is: Timothy L.
Now you just have to find this person!
–HAHA! natawa naman ako dito. HAHA. x))

My ITALIAN NAME is: Vedette Lombardi
Ciao!

My FRENCH NAME is: Verrin Olivet
Ooh La La!

My MONSTER NAME is: Evil Fiend
You Feast On: Power Bars
You Lurk Around In: The Ocean
You Especially Like to Torment: Lawyers

i got that from:
http://www.blogthings.com

h1

dang vs CapLet. :|

Enero 8, 2009

‘this ain’t just a thing that you give up, give up.’ wawawee! HAHA. :)) kanta yan eh, ni Colbie Caillat. yung ‘The Little Things’, at LSS ako dun, pake mo?! HAHA. :))

HMM. mukha akong bangag nung last post ko, i mean, SUPER STRESSED siguro ako dun kaya nagdrama, hindi pa din naman ‘okay’ pero okay na din para sakin. AYUN, labo nun. HAHA. :))

hindi pa rin naaalis yung cough && colds ko, baka naman sa kakaubo ko, mailuwa ko na yung bituka ko niyan. at kada singhot ko, masinghot ko na ‘tong computer. HAHAHA. :)) ang kaderder nun! HAHA. don’t worry, i’m trying to treat this irritating feeling, HAHA. ni-resetahan na ko ni Doc Ate kaso yun nga, hindi ko sinusunod. kaso ayun, hindi ko kasi siguro tinutuloy-tuloy yung inom ng gamot. kasi, ‘pag trip ko lang, saka lang ako umiinom ng gamot. saka ‘pagka feeling ko lang na makaka-tsamba ako na mainom yung capsule o tablet, saka lang ako iinom.

hindi kasi ako expert uminom ng mga hinayupak na CAPSULE o TABLET na yun, ke anong name pa nung gamot. minsan kasi, nararamdaman kong mauubos na talaga yung tubig sa baso ko, hindi ko pa rin natutulak yung gamot papunta sa loob ng katawan ko! o ‘di kaya naman, at madalas na nangyayari noon, natutunaw na lang yung tablet sa loob ng bibig ko, o ‘di kaya naman, ang super fluffy na ng capsule. HAHA. ayan, kinwento ko na ang isa sa “Tales of Gudang” (ang matalinong bobo). :)

naaalala ko nung HighSchool pa ko, oo, katangahan din sa pag-inom ng gamot ‘to. CCF TIME (also known as Religion time). nagpaalam ako kay Sir Jowell na pupunta ako sa Clinic dahil masakit yung puson ko, what do you call that in English? HAHA. basta yun, dysmenorrhea (tinignan ko pa sa Yahoo! spelling niyan!) yun eh. nasa kasagsagan kami ni Lian ng pagdadaldalan nun, partida, kahit masakit na yung puson ko nun, at alam kong napapansin kami ni Sir Jowell nun.

edi ayun, nagpaalam na ko kay Sir, kasi hindi ko na nga kaya. tas sabi niya magpasama daw ako, sabi ko, ayun, si Lian isasama ko. tas si Ello naman, vino-volunteer yung sarili niya na siya na daw sasama sakin. at siyempre, dahil napansin kami ni Sir noon, si Ello yung pinasama niya sakin. HAHA. :))

malayo-layo yung HighSchool Bldg sa Clinic namin. at nang makarating kami ni Ello sa Clinic, sabi ko sakanya na mauna na siya bumalik. binigyan ako ng Nurse sa Clinic ng (drum roll!) CAPSULE!! well, hindi ko naman in-expect na bibigyan niya ko ng SYRUP diba? HAHA. edi binigyan niya ko ng tubig-panulak. hindi naman siya nakatingin kung sakaling iinumin ko yung gamot eh. ang LAMEEEEEEG sa Clinic, pramis. nakakanginig, at sa sobrang nginig ko, namalayan kong inilalagay ko na ang Capsule na binigay ni Nurse sa bulsa ng palda ko. at sinabi ko kay Nurse na okay na, babalik na ko sa room.

at hindi mabubura sa isip ko ang ginawa ko, habang naglalakad pabalik sa room, marami akong nadaanang plant box, tinanim ko? hindi no! effort pa yun! HAHA. tinapon ko yung Capsule na pula na yun sa isang PlantBox na malapit sa papunta sa Swimming Pool namin. :| oha oha. HAHA. ang sama lang! HAHA. :)) sabi nung iba kong na-kwentuhan nun, nagsayang daw ako ng gamot. para naman sakin, HELLO! biglang nawala sakit ng puson ko nung nalaman kong iinom ako ng pesteng capsule na yun! HAHA. x)

at yun na ang bubuo ng entry na yun. :) yoko magkwento ng nangyari ngayon, HEHE. :) walang *special*. x| okay?! HEHE. x)

Back up back up take another chance
Don’t you mess up mess up I don’t wanna lose you
Wake up wake up this ain’t just a thing that you
Give up give up don’t you say that I’d be
Better off better off, sitting by myself and wondering
Better off better off, with out you boy.
- The Litte Things; Colbie Caillat

LSS lang, okay?! HAHA.
goodnight. :)

h1

kamusta naman ang MUNDO ko ngayon?

Disyembre 21, 2008

parang ang HIRAP sagutin ng tanong na yan ngayon. HAYY. ayan na naman si Gudang. HAHA.

OFFICIALLY, nag-start na ang Christmas Break. time na ‘to para magpakasasa sa tulog, sa internet, sa galaan, at sa pagtunganga. nakakapagod ang walang ginagawa. parang ma-de-drain yung utak mo kapag hindi mo malaman kung anung dapat mong gawin.

MAS MABUTI pang MATULOG na lang ng madalas para hindi mo na maisip yung mga bagay bagay, tao tao, nyeknyek! yun nga, para hindi na maisip ang ilang bagay na ayaw mo namang isipin pero nagpupumilit umepal sa utak mo. kasi kapag natutulog ka, hindi ka nag-iisip, at hindi mo naiisip ang ayaw mong isipin. UNLESS, kung pati sa panaginip mo, andun pa rin, GUDLAK na lang ‘tol. x)

nakaka-ilang punta na ng SM sila Mama nang hindi ako nakakasama. ang galing kasi, laging WRONG TIMING. kung hindi ako natutulog, gumagamit ako ng internet, nanunuod ng Naruto, nagbabasa ng Naruto, may ginagawa, naliligo.. EDI SANA, kahit once nakasama ako sa kanila diba?! eh hindi rin, anak ng patola! hindi pa ko naaambunan ng grasya, sila Kuya Brian pa lang. tsktsk. HAHA, pero isa pa to!

BANKRUPT. ay loko. nagkawaldasan na ng pera. WALA NA KONG PERA. pati mga naipon ko, wala na din! tsktsk. edi yun sana yung pambili ko ng mga regalo ko para sa mga SuperFriends ko at FluffyFriends! kaso ayun, wala na. kaya hindi ko alam kung saan ako pupulot ng pera ngayon pambili ng mga regalong yun.

kasi nga diba, “‘it’s better to give than to receive” daw. eh ako, hala sige, receive lang ng receive si Gudang eh, walang ‘give ng give’. HAHA. pasensya naman! babawi na lang ako, kapag natanggap ko nayung pensyon ko galing sa mahal na mahal kong Doctorang Ate Ida, mamimili na talaga ako pramis, pero bibilhin ko muna siguro yung perfume dun sa Petit Monde. x) HAHA, parang gusto ko yun eh.

ewan ko, sign off :)
shortpost :) sorry naman. :)
goodnight!

h1

hindi ko na alam kung ano ang tama…

Disyembre 16, 2008

hindi ko na alam kung ano ang tama. in terms of Academics, in terms of… basta lahat. hindi ko na alam kung ano pa ang tama. nagkakamali na naman ‘ata’ ako.

ACADEMICS? sa Law, tae, andami ko palang mali sa Prelim Exam, nahihirapan ako sa mga pinaggagawa kong kapalpakan ngayon. sa Accounting, hindi ko sure, pero kung may isang mali dun, boom shakalak na ang exam ko. ayokong maging Academic Monster, pero yun talaga ang nag-o-occupy sa malaking space ng utak ko ngayon. nagtatalo-talo na yung mga brain cells ko kung ano ang dapat unahin.

BRAIN CELLS
(ito ay divided sa 10 groups, kanya-kanyang alyansa laban sa iisang tao lang, kay Gudang, hindi ito ang lahat, pero ito ang nag-compromise sa utak ko, ngayong nagbblog ako.)

GROUP A: isipin mo na lang yung GR sa Wednesday!.. kailangan mong makasagot dun, kundi talagang boom shakalak ka na sa Law!..
GROUP B: grabe, andami mo namang mali sa Prelim sa Law, paano mo masasagot yung GR, kung yung Exam mismo, palpak?!..
GROUP C: isipin mo din ako!.. Accounting 1 mo ko!.. 6 units ako!.. Boom Shakalak ka kapag nagkamamali ka dun sa Prepaid Rent o Rent Expense nga ba yun?!.. HALA KAAAA!..
GROUP D: tama bang hindi ka pumunta sa Member’s Night ng JPIA sa 17?!.. nakapag-decide ka na pero hindi na ba talaga magbabago isip mo?.. Wala na ba talagang makakapagpabago?..
GROUP E: so pipiliin mong pumunta talaga sa Christmas Dance ng Seton sa 18?.. sure ka na dun?..
GROUP F: nakikipagbati na sa inyo si Jannah, tatanggapin mo ba?.. may kasalanan ka nga ba on the 1st place?.. sino bang mali?.. kailangan bang pairalin pa ang pagkairita, at i-ignore na lang yun kahit chance na nga yun para maayos ang isang katiting na “problema” ngayong College Life mo?..
GROUP G: kailan ka bibili ng mga pang-Xmas Gifts?.. saan?..
GROUP H: kailan mo naman kaya maibibigay sa kanila yun?.. pero wait, sino bang mga bibigyan mo?..
GROUP I: MAY PERA KA NA BA?!.. kailan ka magkakaron?..
GROUP J: ako din, pansinin mo.. hindi na ko natanggal sa utak mo, simula ng pagdating ko dito. gusto mo na din akong lumayas dito sa utak mo. pampagulo na lang kasi eh, dagdag problema pa, diba?.. [TAE!! OO!!]

HAYYSSST!.. ewan ko. nagkakagulo na sila dito sa tuktok ko. :( ang EWW-mo naman. ewan ko. dami nila, isa lang yung nakakapagpasaya sakin kahit konti, tapos, hindi pa madalas. HAHA. x) WOI NARUTO! :D

tae, ang baliw ko! :)
teka, Sinangag EXpress muna ko. x)
goodnight na. x)

NARUTO <3.

h1

TWILIGHT MADNESS.

Disyembre 15, 2008

WARNING: don’t read if you’re too sensitive about Twilight. :D HAHA. ‘coz you might kill me. i hope you won’t. HAHA. x) i’m neither a fan of Twilight nor a hater, i just want to blab about this. x) this crap made me laugh! :]] HAHA. go TWILIGHT. LOL. i got this from Emily’s Multiply. :)

So. Kailangan lahat ng tao, baliw sa Twilight?
Kailangan pag naglalakad ka, hawak mo yung Twilight book, at dapat, nakaharap yung front cover at nababasa yung “Twilight” para makita.
Kailangan habang naglalakad ka, nagbabasa ka rin ng Twilight?
Kailangan, hanggang bus, nagbabasa ka ng Twilight?
Kailangan, kahit nagkakanda-dapa ka na sa LRT dahil naaout of balance ka na, basa ka pa rin ng Twilight?
Kailangan, kahit ang init-init sa FX, kahit nagkakandahilo-hilo ka na, magbabasa ka parin.
Kailangan, sinasabi mong “Nahihilo nako.”, kahit basa ka parin ng basa ng Twilight.
Nagbabasa ka nga ba talaga ng Twilight?
Kailangan pag dadaan ka sa National, tapos mapapadaan ka sa section ng Stephenie Meyer books, kailangan magmuka kang excited at sisigaw ka pa, “SHOCKS TWILIGHT!” Kahit na alam na alam na ng buong mundo na oo, may librong Twilight dun.
Kailangan wallpaper mo sa desktop, Twilight?
Kailangan profile mo sa cellphone: (name mo) Cullen?
Kailangan, status/shout out/page title mo, “When you can live forever, what do you live for?”
Kailangan, itanong mo rin yang tanong na yan na galing sa Twilight sa friends mo?
Kailangan, red, white, at black?
Kailangan, iblog na malapit na ipalabas ang Twilight?
Kailangan, mag-GM at iannounce na malapit na ipalabas ang Twilight?
Kailangan, magstatus ka na “I love Twilight”?
Kailangan, lahat ng soundtracks ilalagay mo sa multiply mo?
Baka mamaya, may Twilight backpacks na.
Twilight lunchbox. Twilight sando, baka gusto nyo rin.
Kailangan may Twilight Ice Cream? Baka susunod, Twilight Cornic meron na. Twilight Mixed Nuts, baka gusto nyo rin gumawa. Twilight Bawang, pwede rin.
Twilight toothpaste, gawa na rin kayo. Twilight toothbrush, Twilight shampoo, Twilight soap! HAHAHA.


SO. Kailangan talaga, Twilight?

HAHA. :)